Mistake "Well that felt good," Luke declared as if we need some confirmation, out loud, that it did felt good seeing him like that. A small smile was dangling at the corner of his lips. Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin. "I thought you want to let it pass quietly? Anong nangyari doon?" Humalakhak ako, dahil kahit paano ay natutuwa rin ako at natapos na ito. "Ikaw kasi eh! Nanumbat ka kahapon at saka tinulungan naman tayo ni Ichor so naging madali sa akin," dahilan ko pero alam ko naman sa sarili ko na hindi pa ito ang katapusan. It was just Wednesday today. Binilang ko sa isip kung ilang araw pa ang dapat kong hintayin; mayroon pang halos apat na araw bago maglabas ang The Page ng panibagong edisyon nila. Paulit-ulit kong tinitignan ang mga mensahe ko para makita kung sumagot b

