On Bended Knees "Aristheia?" lumingon ako sa guro ko matapos niya akong tawagin sa kalagitnaan ng pagsusulat. Ang noon kong nakatingin sa pisara na mga mata ay kuryosong lumipat sa kaniya na nakatayo sa gilid ng hamba ng pinto habang kinakausap ang isang discipline's officer. "Leukos? Pinapatawag kayo sa principal's office. Ganoon din kayo, Luis, Patrick, Richard." Nagkatinginan kami ni Luke. Nanliit ang mga mata niyang tumingin kila Luis na nagngising aso lang sa amin. Kita ko mula sa kinauupuan ko ang maitim na bilog sa paligid ng kaniyang mata na natatakpan ng kolorete. Kahit ako ay tinakpan ko ng lipstick ang putok kong labi para walang makahalata. "Aris," Luke called out to me when I was the last one left sitting. Ayoko pang tumayo, sigurado akong magiging impyerno ang lakad namin

