One Sided Luke held on to me, even though we were already inside the tricycle. He kept holding on to my hand and that just made me cry even more. Nangangatog pa rin ang kalamnan ko sa sobrang takot at dahil na rin sa basa kong damit. Mas nadepina ang sakit ng putok kong labi. Nanginginig ang mahihina kong mga tuhod at kahit base lang sa itsura ko ay alam kong hindi ko na rin kaya pang maglakad mag-isa. Wala sa huwisyo akong buong biyehe namin ni Luke mula tarangkahan ng Rushmore High hanggang sa bahay. Ni hindi ko na nga alam kung ano ang nangyari kay Ichor at kung nasaan na siya dahil bigla siyang nawala. Luke was staring at me, his gray eyes, that were still full of fury, were now tinged with concern. Nadedepina ang kaniyang panga sa mariin na pagtiim niya. Medyo namumula rin ang p

