Chapter Forty-six: Missing Piece "Well..." Kumunot ang noo ko habang hinihintay ang sasabihin ng doktor na tunog babae. "Sigurado ka bang wala kang makita, hija?" Naghintay pa ako ng kaunti para kung nagbibiro siya ay tatawa na ako, pero walang punchline at isang nakabibinging katahimikan ang tanging narinig ko. "Hindi po ako nagsisinungaling," dahan-dahan kong sagot sa kaniya. Naramdaman ko ang matalim na kuko ni mommy sa balikat ko, pero hindi ako dumaing dahil alam kong iniisip niyang isa lang itong malaking kalokohan. "Nakikita mo ba ito?" tanong na muli ng doktor. Muling kumunot ang noo ko. Naglolokohan ba kami? Kahit ganoon ay marahan na lang akong umiling. I unconsciously touched my neck brace, I felt suffocated and extra helpless, but Joaquin said it was necessary. No one kne

