Visits "It is the least I can do for Aristheia," sambit niya. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa kaliwang balikat ko. Ipinatong ko ang kanang kamay ko sa kaniya at ngumiti. Hindi ko alam kung ayos lang ang ngiting iyon o kung magulo ang buhok ko at kung may dumi man sa mukha ko, pero ngiti lang ang naibigay ko. "The mayor and congressman offered financial assistance to make everything easier." "Joaquin?" Pinisil ko ang kamay niya at itinuon ang ulo sa direksyon niya na para talagang tinitignan ko siya. "Sobra-sobra na ito, pero salamat." "Nakakahiya naman sa'yo, hijo!" tugon ni mommy. "Ikaw na nga ang nagsugod kay Aris sa ospital tapos sasagutin mo pa ang Braille tutor." "As I've said, Madame..." I craned my neck to his general direction based on his voice and held his hands with bot

