Chapter Thirty-eight

3239 Words

The First Staff Bago pumasok sa loob ng magarang sasakyan ni Chance ay napaisip ako saglit habang nakatitig dito. Parang ngayon ko lang nakita ang sasakyang ito ni Chance ah. Nakakapanibago lang sa mga mata. Grabe, sa isang ganitong klase ng sasakyan niya na Rolls Royce baka buong buhay man akong magtrabaho ay hindi ko pa rin kitain ang ganitong kalaking halaga ng pera! Kahit siguro ang mga magulang ko, kahit na hanggang sa uugod-ugod na sila ay hindi rin sila makakaipon para sa ganito na klase ng sasakyan. Pinagbuksan kami ng drayber ni Chance ng pinto. Sa harap nakaupo, katabi ng drayber, ay si Luke na nakanguso dahil hindi nakapuslit paalis. Nasa gitna naman ako nila Ely at Chance nakaupo. Natakot at kinilabutan ako bigla sa tingin na ibinigay ni Luke sa akin noong halos paunahin ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD