Arc 3: The Denouement

3112 Words

Chapter 37: An Invitation From Chance "Ano iyan?" tanong ko kay Ely kinabukasan. Kasalukuyan kaming nakatambay sa tindahan nila at nakabukas ang laptop niya na nakapatong sa mga hita. Kanina pa nga siya abala sa kung anumang pagsagot sa aparato niya na halos hindi na niya ako pinapansin. "Huh?" Wala sa huwisyong baling niya sa akin. Tinignan niya ako saglit bago ibinaling muli sa laptop niya ang mga mata na hindi mapakali. "Ano na nga ulit zip code natin?" wala ulit sa huwisyong tanong niya sa akin. "Ewan ko," simpleng sagot ko naman, "search mo na lang sa google. Naka-online ka rin naman, dude, tatanong ka pa kasi sa akin." "Sorry na." Mabilis ang pagtipa niya sa teklada ng aparato niya. Sa kuryosidad ko ay humilig ako sa balikat niya para tignan ang pinagkakaabalahan niya. "3114 pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD