Ang Mensahe
"" Sabihin mo sa mga nangangabagabag na lumapit sa aking maawaing puso at pupunuin ko sila ng kapayapaan. Hindi nakakatagpo ang sangkatauhan ng kapayapaan hanggang ndi ito bumabaling ng buong pagtitiwala sa Aking awa"
Pauli ulit na binasa ni Esther ang mensahe na nakasulat sa dingding ng simbahan. Tumingin siya sa kalangitan at pakiwari niya ay merong imahe na nabuo sa mga kulay abong ulap. Imahe ng gumuhong pangarap, mga gusaling matatayog na ngayon ay mistulang buhangin. Babalik lahat sa abo, kung saan lahat nagmula.
Ndi magandang pangitain ang kumpol ng mga itim na ibong nakadapo sa isang gusali. Mga tila balisang aso at pusa na nakakaramdam ng palapit na panganib.
Nakakapangilabot ang sigaw at iyak ng mga taong humihingi ng tulong.
" Tinatawag tayo ng panginoon, upang magbalik loob sa kanya".
Para kay Esther ndi magiging madali ang mission niya. Paano niya makukumbinsi ang mga tao sa mensaheng ndi lang sa dingding ng simbahan niya nakikita kundi pati sa kanyang panaginip.
" Isa akong outcast ng lipunan" malungkot ang tinig niya habang sinasabi niya sa sarili ang mga salitang gumuhit ng kirot sa kanyang puso. Tsk tsk, ngunit kailangan niya itong gawin, ito ay kanyang tadhana.
Mabagal at calculated ang mga hakbang ni Esther, inoobserbahan ang galaw ng bawat nilalang sa paligid. " Panginoon tulungan mo ako" mahinang tinig habang nakahawak siya sa dibdib. " Ang puso niya mabilis ang t***k, dahil batid niya maaring maganap ang nasusulat sa bibliya sa ano mang oras.
" Esther, Esther" tinig na sinundan niya upang malaman ang pinagmulan. " Kanina pa kita hinahanap. Si Ruth, ang kanyang pinsan na tumawag sa kanya. " Bakit bigla kang umalis sa upuan mo?
" Haiist, ndi pa tapos ang misa", napakamot ng ulo si Ruth sa ndi na nakakapagtakang gawi ng kanyang pinsan. " Kasi parang merong tumawag sa akin para pumunta doon sa lugar na yun" sabay turo sa image ni Jesus at ang mensaheng nakasulat sa dingding ng simbahan.
" Ate, baka malapit na kasi". Malakas na tawa ang narinig niya mula kay Ruth." Ang alin ga naman ang malapit na? " nakakunot ang noo ni Ruth dahil ndi niya maintindihan.
" Esther, kaya tayo nagdadasal, para humingi ng tulong sa Diyos".
" Paano ang iba?, yung tinatawag ng Diyos upang lumapit sa kanya. "
"Isa ka bang pantas?, haha. Bakit mo pinoproblema ang iba?, Eh kaya ka nga ndi nakakalakad ng matuwid, kung bakit ilang ka sa kanila, dahil hinusgahan ka nila. Ndi mo maaakay ang mga tao kung ikaw ay ayaw nila."
" Ndi namimili ang pagtulong, wala akong materyal na maaring ibigay, ngunit ang ibahagi ang mensahe ng panginoon, yun ang gagawin ko".
" Sa pakiwari ko mahihirapan kang gawin'" , malungkot na tugon ni Ruth.
"Gayon pa man maari pa ring subukan" Itinuro ni Esther ang kumpol ng itim na ibong nakadapo sa gusaling malapit sa simbahan. " Ndi magandang pangitain".
" Ate, kung sa panahon ng bago dumating siJesus, sino kaya tayo sa bibliya" . Mag time travel ka para malaman mo, haha." natawa na lang ang magpinsan sa tinuran ni Ruth.
Nakarating na si Esther sa bahay at pumasok siya sa silid habang kumaway si Ruth sa kanya upang magpaalam.Marahang pinikit ang mata at until unting nakatulog si Esther.
" Esther andyaan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap", tinig iyon ng isang lalaki.Nag alala si Esther dahil lubhang ndi pamilyar sa kanya ang ginoo na tumawag sa kanya. " Sino po kayo?". Nakatitig ang lalaki at nagtataka sa tanong na binigkas ng dalaga. " Ako si Mordecai, ang iyong pinsan.
Nakakunot ang noo ni Esther dahil ndi niya kilala ang lalaki at inisip niyang ito ay nagpapangap lamang.
" Ano po bang lugar itong napuntahan ko?. Nasa Shushan ka. Ang Shushan ay ang sinaunang tawag sa bansang Persia.
"At bakit ndi mo alam?". Nagtatakang tanong ni Mordecai kay Esther. Maaring pagod ka lang kung kaya umuwi na tayo sa ating tahanan at ng makapahinga ka na. Nakaramdam din ng gutom si Esther kung kaya sumama siya sa ginoo na nagpakilala na kanyang pinsan. Mapanuri ang tingin ni Esther sa lugar, parang isang batang naaliw sa paligid na ndi pamilyar sa kanya. Natapos ang masaganang pananghalian at tumungo si Esther sa kanyang silid.Saglit napaidlip at pagmulat niya ay ang pamilyar na lugar ng kanyang simpleng kwarto.
" Back to reality na ulit ako", . Isa sa kakayahan ni Esther ay ang maalala ang mga panaginip niya. Parang isang pelikulang nag flashback sa kanyang alaala ang mga tauhan, lugar, at pangyayari sa kaniyang pag gising..
Mabilis niyang kinuha ang bibliya at hinanap ang storya ni Ester sa pahina ng librong kanyang laging binabasa.
" Si Ester ay isang magandang babae at matapang na reyna ng Persia sa panahon ni Haring Ahasuerus. Siya ay isang Hudyo na nagtago ng kanyang tunay na pagkatao upang makamit ang posisyon bilang reyna at mailigtas ang kanyang mga kababayan.
Nang mamatay ang kanyang mga magulang, si Mordecai, ang kanyang pinsan, ay kumupkop sa kanya at naging tulad ng ama niya.
Naalala niya ang ginoo na nagpatuloy sa kanyang tahanan. Napagkamalan siya nitong kanyang pinsan.
Tinuloy ni Esther ang pagbabasa.
" Si Esther ay pinili ng Diyos ndi sa taglay nitong ganda o dahil sa pagkakataon, ngunit sa banal na layunin at plano ng Diyos. Ndi siya nang galing sa marangyang pamilya, walang kayamanan o kapangyarihan. Siya ay pinili ng Diyos dahil sa kanyang katapangan at pananampalataya sa Diyos. Sa panahong iyon nakatago lang siya sa likod ng mga pader ng palasyo, upang tawagin ng panginoon para sa ganitong panahon.
Ngunit habang ang mga hari ay umiinom mula sa mga gintong tasa at ang mga maharlika ay nagpaplano ng lihim, isang tahimik na labanan ang kumikilos.
Isa na hindi kailanman gagamitan ng mga espada o karwahe ng digma, kundi ng pag-aayuno, pananampalataya, at tapang na magsalita kapag ang katahimikan ay maaaring mangahulugan ng kamatayan. Ito ay isang kwento kung paano iniligtas ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng hindi inaasahang bayani.
Saglit natumigil sa pagbabasa ni Esther dahil sa tawag mula sa kanyang pinsan.
" Esther, nakalimutan kong sabihin sayo na kelangan mong tapusin yung content tungkol sa simbahan". napalingon si Esther sa pinagmulan ng tinig, si Ruth habang hawak ang kanyang phone at ipinakita niya kay Esther ang dapat nitong gawin.