Ang Pahiwatig ng Panginoon

1056 Words
Gumising si Esther na malungkot nung araw na yon. Ndi maganda ang panaginip niya at nag aalala siya na baka magkatotoo. Gayong wala siyang kakayahang direktang mapigilan ang mga kaganapan sa mundo o sa kanyang lugar, maari siyang magdasal upang pakiusapan ang Diyos para ndi maging ganoon kapaminsala ang mga darating na bagyo o lindol. " Ruth, buti andyaan ka na. " Oo yayain sana kitang magkape". Nangiti siya dahil wari ay batid na ni Ruth na meron siyang sasabihing mahalagang balita. " Ano ang napanaginipan mo kagabi? kinuha ni Esther ang kape at nagtimpla siya para sa dalawang baso. Marahang iniabot kay Ruth ang Isang tasang kape at huminga ng malalim. " Ate sa lugar na kung saan nagka lindol ay pumasok din ang bagyo at matinding naapektuhan ang lugar. Ndi ito ang typical na lugar na palaging tinatamaan ng mga kalamidad, ngunit merong dahilan kung bakit yung lugar na yun ang magkasunod na nagkakaroon ng bagyo at lindol. Ndi ko pa maaring sabihin sayo ang dahilan, ngunit nakakalungkot na madami ang napasali lang sa mga pangyayari. " Sa panaginip ko sinabi ng Diyos na tulungan ang mga nangangailangan at wag lalong pahirapin ang buhay nila. Hanggang ndi naintindihan ng mga tao na kelangan pahalagahan ang kapwa kesa sa pera tuloy tuloy ang mga kalamidad na darating. Sa mga susunod na pagbagyo kung saan buong bansa ang maapektuhan, kelangan nating manalangin at humingi ng tulong sa Kanya. Maraming tao sa ngayon ang uunahin ang materyal na bagay at luho sa buhay kesa magdasal sa Diyos. Kung taimtim ang panalangin natin gagawa ang Diyos ng paraan upang tulungan tayo sa darating ng bagyo. " Kinuha ni Esther ang kanya phone at lumikha ng video upang papurihan ang panginoon at ang musika ay tungkol sa pananalangin. Sa awit na kanyang napili sinasaad ang tuloy tuloy na pagdarasal dahil kaya ng Diyos pagalawin ang bundok kahit sa munting pananampalataya ng tao. Agad niya itong isinali sa mga nilikha niyang video upang mapanood din ng lahat at sila din ay manalangin. Ndi katulad ng dati, kaunti lamang ang nanood ng kanyang video ang iba ay nawala sa mga tagasubaybay o followers niya at batid na din niya kung ano ang dahilan. " Bakit sa tingin mo ay imbis na madagdagan ang followers mo, sila ay nabawasan?' Ndi na ito pinagtakhan ni Esther madalas tama ang pakiramdam niya sa mga pangyayari. " Ate alam mo naman na mahirap lang kami, madalas kahit gusto kong madagdagan ang kinikita ko, ndi pa rin iyon nangyayari.Naka depende pa rin kung ma meet ko ang sales quota, para lang ako ay magkaroon ng extrang pera. Ndi pa rin naintindihan ni Ruth ang ibig sabihin ng pinsan niya. '" Hmm, anong ibig mo sabihin?." Medyo natawa si Esther bago niya ituloy ang paliwanag. Sa tingin ko ang iba sa mga sumusubaybay sa channel ko nung una, ndi pa alam na ako yun. Kasi ndi ko naman nilagay ang pangalan ko doon. Ngunit nung nabatid nila na ako yun, nag unfollow na sila. " Kung saan ka minsan hinahamak andoon ang Divine assignment natin, kung Isa ka sa napili ng Diyos ndi talaga madali ang kakaharapin mong buhay. Tulad ni Moises, Job, Abraham, David Joseph at mga apostles ng Diyos, kelangan kang dumaan sa mahirap na pagsubok at mapanatili natin ang pananampalataya natin sa Kanya. " Hahamakin ka ng mga tao ng ndi nila alam na pinagtatangol mo lang naman ang nakakarami sa mga mahihirap. Dahil sa palagay natin ndi na naayon sa kagustuhan ng Diyos ang sobra sobrang interest na lalong nagpapa lubog sa pamumuhay ng ating mga kapwa na salat sa yaman,, kelangan nilang mag loan kahit sa mataas na interest upang me pantustos lang sa pang araw araw na pangangailangan, nais ng Diyos ipaliwanag natin ito sa kinauukulan. At umasang mabibigyang konsiderasyon ang kapwa lalo na at andoon naman ang intensyong magbayad sa kanila. " Pero kasi sa panahon ngayon bihira na ang maniniwala na maari ngang messenger ka ng Diyos, lalo na nga at marami ang ndi nakakaunawa sa pinagdaraanan mo.Mas iisipin nila na gumagawa ka lang ng istorya. " Ate wala naman talagang naniwala sa mga sinugo ng Diyos. Kelangan pa nilang malunod sa baha kesa maniwala. Gayon pa man ginawa pa rin ng mga propeta ang iniatas sa kanila ng Diyos ng me paniniwala at obedience. " Ang obedience ko ay sa Diyos".. Sa video na iyan, sinasabi ng Diyos na patuloy ang panalangin, " Don't stop praying, at kahit nabawasan pa mga followers ng video ko, ipagpapatuloy ko pa rin ito. Noong gabing yon hanggang pumasok ang bagyo, taimtim lang na nagdadasal si Esther. Nakakagulat ang lakas ng hangin at patak ng ulan. Ang mga bubong at lagitnit ng yero ay lubhang nakakabahala ngunit naniniwala si Esther na mas makapangyarihan ang Diyos kesa sa mga delubyong dumarating.Paulit ulit niyang pinapatugtog ang musika " Don't stop praying cause mountains move with just a little faith. And your father heard every single word your saying, so don't stop praying". Ayaw ni Esther matulad ang kanilang lugar sa sinapit ng ibang lugar sa bansa,. Ipinakita ng Diyos na kaya Niyang kunin ang mga materyal na bagay na naipundar ng tao kung gugustuhin Niya. Kung kaya't sinunod ni Esther ang mensahe na magdasal dahil naririnig ito ng Diyos. Natapos ang buong gabi at noong umaga tinignan niya agad ang balita. Gayong sobrang lakas ng pumasok na bagyo, ndi ito gaanong lumikha ng grabeng pinsala kumpara sa na unang bagyong tumama sa ibang panig ng Pilipinas. " Esther, nabasag ng bundok ng Sierra Madre ang bagyo kaya ito humina at ndi na masyadong nakapaminsala. Ako man ay nagdasal sa Diyos. Salamat at tumugon Siya sa ating panalangin. Andon pa rin ang hamog sa mga luntiang puno, ang mga bulaklak ay waring ndi nagalaw ng malakas na hangin.At kinabukasan sumikat na ang araw bilang simbulo ng bagong umaga at pag asa. Gayong ndi man nag iba ang pang araw araw niyang ginagawa, nagpapasalamat siya na ndi sila pinababayaan ng Diyos. Me liwanag na tila ay sumikat sa kanyang buhok at nangiti siya dahil ang ulap ay ndi na kulay abo kundi puti na parang kumpol ng bulak sa langit. Batid niya wala naman talagang makakapagsabi pa kung ano ang darating sa buhay natin at naniniwala siya na ang Diyos pa rin ang tutulong sa atin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD