CHAPTER 47 – PEACE AND LOVE ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Now, I fully understand kung bakit ganun na lang kalaki ang galit ni Monica sa lolo niya. Sino nga ba naman ang hindi magagalit kung may magsasabi sa'yo na ipalaglag ang sarili mong anak? Kahit sino, siguradong masasaktan at magagalit rin. Actually, ilang beses nang ikinuwento sa akin ni Monica ang nangyari alitan , pero never niyang sinabi na nais din palang ipalaglag ni Lolo Clifford ang mga bata. Ang akala ko, ang issue lang ay ang pagtakwil sa kanya bilang apo nito. Kaya ngayon, mas lumalim ang pang-unawa ko sa sakit na dinadala niya. Dahan-dahan kong niyakap si Monica, hinayaan siyang ilabas ang emosyon niyang matagal nang kinikimkim. "Love, thank you ha," mahina niyang sabi habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang

