CHAPTER 46 – LEVEL 4 OF ANGER ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV CHAPTER 46 - LEVEL 4 OF ANGER ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV "Sige na! Huwag mo nang patagalin, Miguel! Kung ayaw mong si Monica ang mabaril!" sigaw ni Caleb habang pilit niyang inaagaw ang baril ni Blaire. Pumikit ako ng saglit, ramdam ang bigat ng baril sa kamay ko, kasabay ng bigat ng desisyon na kailangang gawin. Ang hudyat na iyon ni Caleb, alam kong wala na akong oras mag-isip. Dahil kailangan kong kumilos agad, mahigpit kong hinawakan ang baril. Ang bigat ng sitwasyon ay parang nagpapalakas sa bawat pintig ng puso ko. Sa isip ko, isa lang ang kailangan kong gawin: protektahan ang mga mahal ko sa buhay. Tumutok ako kay Blaire, ang taong naging dahilan ng lahat ng kaguluhan. Sa kabila ng paggalaw nila, sinubu

