CHAPTER 12 - HIDDEN TALENT
----
Ilang araw na ang lumipas at nanatili pa ring comatose si Emma. Kaya hindi humihinto sina Miguel sa pag gamot rito. Naitransfer na din ito sa kwarto nina Monica kung kaya't araw araw na nilang nakakasama ang kanilang mahal na ina.
Hanggang sa isang araw, nang sa wakas ay namulat na rin si Emma. Hindi mapaglagyan ang tuwang nadarama nila ngunit kahit na ganunpaman ay kapansin pansin rito na tila unresponsive ang kanilang mahal na ina kaya binigyan sila ng task ng mga Doctor na araw araw magsagawa ng mga exercises para mapadaling maibalik ang mga senses nito.
Araw araw din nila itong kinekwentuhan nang sa gayon ay manumbalik ang alaala nito. Hindi naman nawawalan ng pag asa sina Monica na muling manunumbalik sa normal ang lahat para kanila Mama Emma at mamuhay muli ng maayos gaya ng dati...
---
GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV
Finally! Dumating na din ang araw at nagising na si Mama. Yun nga lang, hindi naman kami nito naaalala. Pero sabi ng mga doktor, normal lang daw 'yun-ang bahagyang pagkawala ng alaala-at babalik din naman daw 'yan pagkalipas ng ilang araw, dahil nagrerecover pa si Mama mula sa pagkakabagok ng ulo.
Hindi naman kami nawawalan ng pag-asa na gagaling din si Mama, pero hindi namin maiwasang maging emosyonal, lalo na kapag kinakausap ng mga anak ko si Mama. Sobra kasi silang nalulungkot at nag-aalala na baka hindi na sila maalala ng kanilang Lola...
"Mommy, will Grandma still remember us? I'm really sad. She's the only grandma we have. We miss playing with her, especially with Kuya Addi and Alonzo." umiiyak na tanong sa akin ni Alison, habang nakahiga sa akin at dumedede.
"Oo naman, baby girl. Maaalala ka pa ni Lola mo. Like yung pinanood natin na Princess na si Anastacia, di ba? Nawala din ang memory niya nung bata pa siya, pero bumalik din naman. So ganun din ang Lola," nakangiting paliwanag ni Riley kay Alison.
"Eh di, kailangan pa natin ng music box to regain her memory back?"
Hindi ko pa nasasagot si Riley nang biglang...
"Doctor!!!" sigaw ng dalawang lalaki.
Paglingon namin, naroon pala sina Miguel at ang assistant niyang si Jeric, na may dalang gitara at kahon. Nagkatinginan kami ni Riley habang papalapit ang dalawa.
"Ayy, taray! Nakakaloka talagang nakabarong pa tong dalawa," nakangiting sabi ni Riley. Todo pigil naman kami sa pagtawa habang pinagmamasdan silang mag-ayos ng kanilang mga instrumento.
Hmm? Ano na naman kayang balak ng mga to? At anong nakakain nila? Talaga namang nakabarong pa at sumbrero. Magsasaka lang ang peg? Sige nga, magtanim kayo sa tiles, kakaloka!
Lumapit naman sina Alonzo at Addison sa harap at umupo. Aba, mukhang may fan agad ang dalawa, hindi pa man nagsisimula.
Samantala, ito namang sina Faith at Ate Lucy, kanina pa ako inaasar at tinutukso kay Miguel.
"Huy, Ate! Tingin ka naman kay Doc. Miguel! Kanina pa titig na titig sa'yo ohh," panunukso sa akin ni Faith na tila kinikilig para sa aming dalawa.
Hindi ko naman ito pinansin at inirapan na lang. Pero laking gulat ko nang biglang nagsalita ang anak kong si Alison na akala ko ay tulog na ng mga oras na yun.
"Why, Mommy? What's with Dr. Miguel? Does he have a crush on you or you're the one who has a crush on him?"
At bigla kaming natawang lahat nina Riley, Faith, at Ate Lucy.
Mabuti na lang talaga at kami lang ang nakakarinig ng usapan namin, dahil malayo ang agwat namin kay Miguel.
Kaya tumayo ako at hinele hele si Alison nang makatulog na ito at tinakot na huwag nang magtanong ulit ng mga kung anu-ano.
"Shh! Ali naman, diba dapat mag-sleep na? Paano ka lalaki niyan? Sleep na! Hindi yung kuna ano-ano pa ang sinasabi mo d'yan. Ito naman kasing si Faith eh, shh ka nga din Faith, baka pagbuhulin ko kayo nito."
Hanggang sa nagsalita na si Miguel at mukhang ready na silang magtanim-char!
"Uhm, hi," pagbati ni Miguel. At kita sa mukha niya na medyo naiilang siya sa amin dahil lahat kami ay nakatutok sa kanila.
Ang mga bata naman sa harapan niya ang tumugon sa kanya. "Hi, Doctor!" sabay sabing "Hi" sina Addi at Alonzo.
"Ahm, bago po namin simulan, magpapaalam lang sana ako kung okay lang ba kung tumugtog kami ni Jeric ng ilang kanta lang as part of therapy ni Tita Emma?" nakangiting sabi ni Miguel, at heto nanaman yung pagtitig niya sa akin, kaya agad na nagtinginan sina Riley at ako.
"Huy, girl! Tinatanong ka. Pwede daw bang tumugtog?" pagtapik sa akin ni Riley. At kilig na kilig naman yung dalawang babae sa tabi ko.
Hindi ko naman mapigilang mapakunot ang noo dahil sa pang-aasar nila sa akin.
"Tsk! Mga bwisit! Bakit ba ako ang tinuturo niyo? Ako lang ba ang tao dito? Tsaka para kay Mama 'yan, diba? Ibig sabihin lahat tayo eh pwedeng sumagot," inis kong tugon sabay irap.
"Girl, ikaw ang panganay na anak ni Tita, right? So sino ang sasagot for us? Eh di walang iba kundi ikaw, diba, Faith? Payag ka naman na ang Ate mo ang pinakarepresentative nitong family natin?" pagpupumilit ni Riley, at agad namang sumang-ayon si Faith, kaya napilitan na din akong um-oo sa gusto nilang mangyari.
"Tsk! Ang kukulit niyo, sige na nga! Sige na, go! Kanta na!" nakasimangot kong tugon.
At napansin ito ng dalawa kong lalaki at agad akong sinita.
"Mom?! Why are you acting like that? Doctor just wants to sing for us and for Lola, so what's wrong?"
"Yeah, Kuya Addi was right. Why do you guys have to fight?" at may pailing-iling pa si Alonzo.
Naku, mukhang nagalit ang mga totoo kong boss.
"Okay, fine," at bigla na akong ngumiti.
"Oh ayan, happy na si Mommy. Okay na ba 'yan mga anak?" nakangiti kong sabi sa kanila.
"Much better, Mom!" at nakathumbs up pa silang dalawa.
Kaloka, mukhang napagkaisahan ako dun ah. At maya-maya, nagsimula nang tumugtog sina Miguel.
---
Sa pagkumpas pa lang ng gitara ay halos kilabutan na agad ako hanggang sa nagsimula na itong kumanta...
" I know your eyes in the morning sun
I feel you touch me in the pouring rain
And the moment that you wander far from me
I wanna feel you in my arms again
And you come to me on a summer breeze
Keep me warm in your love, then you softly leave
And it's me you need to show
How deep is your love?
How deep is your love?
How deep is your love?
I really mean to learn
'Cause we're living in a world of fools
Breaking us down when they all should let us be
We belong to you and me"
At tahimik kaming lahat na nakikinig rito. Napaupo naman ako dahil para akong nakaramdam ng antok sa kinanta nila.
Pero infairness ah, hindi ko inexpect na bukod sa pagiging babaero ni Miguel ay may tinatago pa pala itong ganitong talento.
At nagpalakpakan sila matapos ang pag kanta nito. At nagsigawan silang lahat ng " more" dahil tila nabitin silang lahat sa kinanta nito.
" Yeah, ahm thank you guys na nagustuhan ninyo ang una naming kanta. Actually, may isa pa talaga kaming kakantahin and sana ay magustuhan ninyo ulit." nakangiting sabi ni Miguel.
"My love
There's only you in my life
The only thing that's bright
My first love
You're every breath that I take
You're every step I make
And I
(I-I-I-I-I)
I want to share
All my love with you
No one else will do...
And your eyes
Your eyes, your eyes
They tell me how much you care
Ooh yes, you will always be
My endless love"
Hayy, grabe. Para akong lumulutang sa ganda ng pagkaka kanta ni Miguel. At muli ay naghiyawan at nagpalakpakan pagkatapos ng pagkanta nila...
Tuwang tuwa nga din ang dalawa kong anak na lalaki dahil baby pa lang sila ay pinalaki ko na talaga sila na nakikinig ng music kaya hindi ako nagtaka na magustuhan nila ang pag awit ni Miguel.
---
LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV
Natapos na rin ang tugtog namin, kaya’t nagsimula na kaming mag-ayos ng gamit. Pero habang abala kami ni Jeric, hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga naging reaksyon nila. Hindi ko akalaing magiging ganito kasaya ang lahat. Kitang-kita ko ang saya sa mga mukha nila, lalo na ng mga bata. Every smile and clap felt like music itself—nakaka-proud, to be honest.
Pinaghandaan talaga namin ito ni Jeric. Pinractice namin kagabi para siguraduhing walang sablay. Hindi dahil gusto lang naming magpakitang-gilas, pero dahil gusto namin itong maging espesyal, lalo na para kay Tita Emma. At, well, to be honest… para rin kay Monica.
Habang kumakanta kanina, pansin kong hindi ako matitigan ni Monica. Palihim siyang umiiwas ng tingin. Hindi ko alam kung ini-ignore ba niya ako o kung ayaw lang niyang mahuli kong siya ang tumitingin. Pero ako? Hindi ko maikakaila. Each song we played, I was thinking of her. Kung alam lang niya na halos bawat liriko ay para rin sa kanya, siguro lalo siyang iiwas. Kaya't nanatili akong tahimik.
Pagtingin ko kay Jeric, nakita ko namang sa sahig ito nakatitig buong kanta. Medyo natawa ako kaya tinanong ko, “Bro, ano ba? Yung sahig ba yung kinantahan mo? Sabi ko sa kanila ka tumingin, ‘di ba?”
Nagkakamot ito ng ulo habang pabulong na sumagot, “Eh, sir, paano ba naman kasi si Riley? Grabe kung makatitig, para na akong hinuhubaran! Tignan mo oh—kahit tapos na tayo, nakatingin pa rin.”
Napatingin ako kay Riley, at tama nga siya. Diretso pa rin ang titig nito kay Jeric, parang may x-ray vision. Natawa na lang ako.
“Pasalamat ka, bro, inspired ka tuloy,” biro ko.
Habang nag-aayos kami ng gamit, biglang lumapit ang kambal ni Monica—sina Addison at Alonzo.
“Hi po, Doctor! Drummer po!” bati nila sabay ngiti, kitang-kita ang saya.
Nagulat kami ni Jeric, pero natunaw din sa lambing ng dalawang bata. Ang tamis ng mga ngiti nila, at parang nawala lahat ng pagod ko. Gusto ko pa sana silang yakapin, pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong dapat hanggang dito lang muna ako. Ayokong magkamali ng kilos na baka ikagalit ni Monica.
“How are you, kids? Did you like our performance?” tanong ko sa kanila, sinisikap gawing casual ang boses ko.
“Yes po!” sabay nilang sagot, sabay din ang ngiti. Napatawa kami ni Jeric. Nakakatuwa talagang panoorin ang kambal na ito, parang laging may sariling mundo.
Bigla silang lumapit pa at bumulong sa akin. Kinabahan ako nang kaunti, iniisip kung ano kayang sasabihin nila. Pero nang marinig ko, napangiti ako.
“Can we request one more song po? Para kay Mommy,” sabi ni Addison, pabulong pa rin.
“Yeah, just one song, please?” dagdag ni Alonzo, sabay hila sa kamay ko.
Napatingin ako kay Jeric at sabay kaming tumango. Sino ba ang makakatanggi sa dalawang ito, lalo na kung ang request ay para sa Mommy nila?
Tahimik naming kinuha ang gitara at kahon. Akala ng lahat ay tapos na kami, kaya abala na sila sa kani-kanilang ginagawa. Ngunit biglang nagsigawan ang kambal.
“Mommy! Please listen! The song is for you!” sigaw nila, sabay tawa at palakpak.
Napatigil ang lahat, lalo na si Monica. Halatang gulat siya nang makita niya kami ulit na bitbit ang mga instrumento.
Pumuwesto kaming muli, at sa pagkakataong ito, kasama na namin ang kambal sa gitna.
“Okay, kids, this one’s for your Mommy,” sabi ko, sabay ngiti sa kanila. Nagtawanan silang dalawa habang nakatayo sa gitna namin ni Jeric, halatang excited.
“ Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin?
If I can't help falling in love with you
Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things, you know, are meant to be
So take my hand
Take my whole life too
For I can’t help falling in love with you
For I can’t help falling in love with you “
Habang sinisimulan namin ang kanta, napansin kong hindi na makatingin si Monica. Pero kahit ganoon, umaasa akong nararamdaman niya ang mensahe ng kanta. Sa bawat tugtog ng gitara, sa bawat tapik ng kahon, sana naman… sana naman maramdaman niya.
---
GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV
Nang marinig ko ang kantang iyon, hindi ko napigilang mapaluha. Bumalik lahat ng alaala nung ipinagbubuntis ko sina Addison, Alison at Alonzo. Sa tuwing sumasakit ang tiyan ko dahil sa sobrang pagsipa at paggalaw nila, iyon ang kanta kong pinapatugtog—parang naging lullaby na pampakalma.
Kaya ngayong naririnig ko itong muli, pero mula na sa kanila, sobrang tumagos sa puso ko.
Habang naglalaro sa isip ko ang mga alaala, bigla na lang tumakbo ang kambal papunta sa akin at sabay akong niyakap.
“I love you so much, Mommy,” sabay nilang sabi, at ramdam ko ang sincerity sa maliliit nilang boses.
Doon na talaga ako tuluyang napahagulgol. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa buhay para mapasaya ng ganito.
Hinaplos ko ang buhok nila at sinagot, “Aww, thank you so much. I am so touched. I love you so much, mga anak ko.”
Niyakap nila ako nang mas mahigpit, at ang init ng yakap nila ang nagbigay sa akin ng lakas na hindi ko alam na kailangan ko. Ramdam ko ang pagmamahal nila—puro, totoo, at walang hinihinging kapalit.
Habang nangyayari ito, napansin ko na lang ang ilan sa mga tao sa paligid namin na parang pinipigilan ang sariling umiyak.
May mga nagsisinghot at palihim na nagpupunas ng luha. Nahawa sila sa emosyon ng tagpong ito, at kahit ako, natawa nang kaunti sa kabila ng pagluha.
Ilang minuto pa ang lumipas at narinig kong nagpaalam na sina Miguel at ang banda.
“So, paano po, aalis na kami. Maraming salamat sa oras ninyo, at sana ay nagustuhan ninyo ang munting handog namin ng aking assistant,” nakangiting sabi ni Miguel, pero may kung anong lungkot sa boses niya.
Habang papaalis sila, hindi ko maiwasang mapansin ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Parang pilit niyang itinatago ang nararamdaman niya, pero halata pa rin sa kanya. Napansin din ito ni Riley, at tumingin siya sa akin na parang gusto akong tanungin tungkol dito. Pero bago pa kami makapagsalita, bigla kaming natawag ni Faith.
“Ate, si Mama! Ateeee!!”
Napalingon kami agad, at ang gulat sa boses niya ay agad nagdala ng kaba sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero nagmadali kaming lahat papunta sa kanya.