CHAPTER 13 – THE RESULT

2360 Words
CHAPTER 13 – THE RESULT ---- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Pagkatapos ng performance namin ni Jeric, dumiretso kami sa office para makapagpahinga. Ilang araw din namin itong pinagpuyatan, kaya halos lantang gulay na kami sa antok. Pero kahit pagod, sobrang saya ko. It felt worth it, lalo na nang mag-request sina Alonzo at Addison ng kanta para sa Mommy nila. Grabe, ang cute nila. At higit sa lahat, sobra akong na-touch. Kitang-kita ko kung gaano nila kamahal si Monica. Sa simpleng gesture na iyon, napatunayan ko kung gaano kagaling magpalaki si Monica sa mga anak niya. Pero habang pinagmamasdan ko sila, hindi ko maiwasang mainggit. Ang saya siguro kung kasama nila ako. Hayy, naisip ko. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang tungkol sa DNA test. Nagdadasal ako na sana maging maayos ang lahat. Kasi kung anak ko nga talaga sina Alonzo, Addison, at Alison… sigurado ako, magiging pinakamasayang tao ako sa araw na iyon. Pero kasabay nito, hindi ko maiwasang magtanong. Tanggapin kaya ako ng mga anak ko? At kung sakali, si Monica kaya? Matatanggap niya rin ba ako? Nalunod ako sa mga tanong ko nang biglang bumukas ang pinto. “Sir! Sir!” bungad ni Jeric habang naghahabol ng hininga. “Ano yun?” tanong ko, bahagyang nabigla. “Sir, eto na yung resulta!” sigaw niya, sabay abot ng isang envelope. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala. Sa wakas, dumating na rin ang resulta ng DNA testing namin ng mga bata. Halos hindi ako makagalaw habang hawak ko ang envelope. Hinimas-himas ko ito, ninanamnam ang bawat sandali. Totoo na ito. Pero habang excited ako, naroon din ang kaba. Kahit na buo ang tiwala ko na sila nga ang mga anak ko, may maliit na bahagi sa akin na natatakot. Si Jeric, halatang excited din.“Sir, buksan mo na!” sabi niya. Pero bago ko pa magawa, biglang tumunog ang cellphone ko. Ring! Ring! Ring! Napatingin ako sa screen. Ryle Christian is calling... Napakunot-noo ako, pero sinagot ko na rin. “Hello?” sagot ko, pero halos mabingi ako sa ingay mula sa kabilang linya. May mga sigawan at parang kaguluhan. “Doc! Dalian mo! Si Mama!” halos pasigaw na sabi ni Ryle. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. “Sige, papunta na ako,” mabilis kong sagot bago ko pinatay ang tawag. Tumakbo ako palabas ng office, pilit pinapanatili ang kalmado ko kahit ramdam kong may kakaibang nangyayari. Pagdating ko sa room ni Tita, agad kong binuksan ang pinto. Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Bigla akong niyakap ni Monica nang mahigpit. “Miguel! Miguel! Nakakaalala na si Mama!” sabi niya, ang boses niya puno ng tuwa. Tila bumagal ang oras. For the second time, naramdaman ko ulit ang yakap ni Monica. Ramdam ko ang init at saya sa bawat salita niya. Hindi ko napigilan ang sarili kong titigan siya. Ngumiti siya sa akin, at parang lumiwanag ang buong mundo ko. Ngayon ko lang ulit nakita si Monica na ganito kasaya. Ang aliwalas ng aura niya, para siyang isang anghel. Habang pinagmamasdan ko siya, mas lalo akong nabighani. Diyos ko, sana hindi ito panaginip. --- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV OMG!!! Hindi kami magkandamayaw sa sobrang saya nang magsalita si Mama at isa-isa kaming binanggit nito. Sa wakas, bumalik na ang alaala niya! Ang saya-saya naming lahat. Nagsasayawan kami at nagtitilian, inexpress namin ang tuwa namin sa mga oras na ‘yon. Mabuti na lang at soundproof ang room namin, dahil siguradong maririnig kami ng buong hospital! “Woohoo! Sa wakas! Grabe, girl, sobrang saya ko!” masaya kong sabi kay Riley, sabay yakap. “Teka, girl, sasabihin ko ba to kay Doc. Miguel? Na bumalik na ang alaala ni Mama?” “Oo naman! Para matignan niya agad! Bilisan mo!” sagot ko, sobrang taas ng energy ko, may pa-talon-talon pa ako sa sobrang tuwa. Habang tinatawagan ni Riley si Miguel, napatingin ako kay Mama. Nakangiti siya sa amin, kita sa mga mata niya ang saya. Kahit kakagaling lang niya sa isang napakahabang pagkawala ng alaala, parang wala siyang iniintindi ngayon kundi ang kasiyahan namin. Habang nagtatatalon kami ni Faith, nakakahawa ang saya at ang ritmo ng tugtog na isinalang ni Riley. “Gento gento, 'Di 'to basta-basta bingo bingo, Need mo makumpleto parang bento gento, Ano kaya mo?” sabay naming kanta ni Faith, tumatalon-talon pa. Halos wala nang makapigil sa energy namin. Biglang bumukas ang pinto, at Pagtingin ko si Miguel ang pumasok. Sa sobrang saya, hindi ko napigilan ang sarili ko—tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. “Miguel! Miguel! Nakakaalala na si Mama!” masaya kong sabi, halos hindi makahinga sa tuwa. Pagkabitaw ko sa yakap, bigla akong natauhan. OMG, Monica! Ano bang ginagawa mo?! Ramdam ko ang init sa mukha ko, kaya dali-dali akong bumalik sa tabi ni Mama, pilit na nagkukunwaring walang nangyari. “Uh, ang lamig dito ah,” sambit ko para magkunwari, kahit halatang-halata ang pamumula ng mukha ko. Napansin ko naman ang mga pasimpleng tinginan ng iba sa room. Si Riley, nakangisi na parang may pinaplano. Sinamaan ko siya ng tingin, pero lalo lang siyang nang-asar. “Hi po, Tita Emma,” bati ni Miguel, nilapitan si Mama habang bitbit ang kanyang medical kit. Nakangiti siya, pero ramdam ko ang kaba niya. Tumingin si Mama kay Miguel, at tumigil siya saglit bago ngumiti. “Oh? Dr. Lorenzo Miguel? Ikaw nga ba yan?” Nagkatinginan kaming lahat, at napangiti. Bumalik nga talaga ang alaala ni Mama! Kahit si Miguel, napangiti rin, halatang masaya at nabunutan ng tinik. “Opo, Tita. Nakakatuwa naman at naalala niyo pa ako,” sagot niya habang sinisimulan ang pag-check kay Mama. Ngumiti si Mama at tumingin kay Miguel nang maigi. “Aba’y oo naman! Tandang-tanda ko ang kakisigan mo, Doc. Eh pero teka... ang pula-pula mo at pinagpapawisan ka. Mainit ba dito?” Sabay-sabay kaming napatingin kay Miguel. OMG, namumula nga siya! Mukhang mas lalo pang namula si Miguel nang mapansin ni Mama. “Ah, hehehe. Namumula po ba ako? Wala po ito, Tita. Siguro mainit lang,” pa-cool niyang sagot, pero halata sa boses niya na kinakabahan siya. “Mainit? Eme mo, Doc!” sabat ni Riley. “Ang lamig-lamig dito sa room! Aminin mo na kasi, kinilig ka sa yakap ni Monica!”panunukso ni Riley kay Miguel. Halos gusto ko nang takpan ang bibig ni Riley sa sobrang kahihiyan. Sinamaan ko siya ng tingin, pero wala siyang pakialam, lalo pa siyang humirit. “Tumigil ka nga diyan, Riley!” bulong ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko. Biglang humirit si Mama, “Naku, anak, ikaw naman pala ang may kasalanan. Bakit mo ba kasi niyakap si Doc? Ayun tuloy, nanginginig na!” Lalong sumabog ang tawa ng lahat sa room. Si Miguel, pilit na itinatago ang hiya habang abala sa pag-check kay Mama. Ako naman, pilit na pinipigilan ang sarili kong tumawa, pero sa loob-loob ko, gusto kong lumubog sa sahig. Habang tinitignan ni Miguel si Mama, napansin kong bumalik na ulit ang focus niya. Pero sa bawat sulyap ko sa kanya, ramdam ko pa rin ang tensyon. Hindi ko alam kung sa nangyari kanina lang ba, o kung may iba siyang iniisip. --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Hindi ko inaasahan na sa pagpunta ko dito ay mahahotseat pala ako. Pinagpapawisan ako kahit malamig dito sa room. Akala ko sanay na ako sa mga pang-aasar nina Mommy, pero iba pala kapag sina Tita Emma na ang nanunukso—lalo na at katapat ko lang si Monica. Hindi ko masyadong ma-focus sa ginagawa ko at parang lumilipad ang utak ko. So, I breathe, relax, and try to act as normal as possible. Hanggang sa matapos ko ang pag-check ng vitals ni Tita, at thank God, normal lang ang lahat. “So, normal naman po ang lahat, Tita. Heart rate and blood pressure are all normal po,” nakangiti kong sabi rito. Nagulat ako nang biglang hawakan ni Tita Emma ang kamay ko at humingi siya ng paumanhin. “Doc, pasensya ka na ha kung nabibiro ka namin. Sadyang ganito lang kaming pamilya, palabiro at masayahin. Sana hindi mo seryosohin lahat ng mga sinasabi namin, ha? Sadyang kumportable lang kami na nandito ka dahil nararamdaman ko na mabait kang tao.” Nakangiti niyang sabi sa akin. Sobra ko itong na-appreciate dahil kahit na wala lang naman talaga para sa akin ang mga pang-aasar nila, humingi pa rin siya ng dispensa, which shows how respectful their family is. Tsaka isa pa, sanay na rin naman ako. Araw-araw akong pumupunta dito sa room, kaya sanay na ako sa mga hirit, lalo na sa mga pang-aasar ni Riley sa amin ni Monica. Kaya parang normal na lang sa akin ang lahat . “Wala pong problema, Tita,” nakangiti kong sagot. “Maraming salamat, Doc. Talagang napakabuti mo, at ang bango-bango pa. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend mo.” Natawa na lang ako sa sinabi ni Tita, at naghiyawan naman sina Riley nang marinig ang hirit niya. “Ay, hanep, Ang mama namin, parang nakukursunadahan pa si Doc. Miguel!” hirit ni Riley, at agad na umalma si Tita Emma. “Ayy, magtigil ka, ako’y matanda na at wala na akong interes sa mga lalaking ‘yan. Pero kung may irereto man ako kay Doc, Pogi, syempre itong si...” At hindi na naituloy ni Tita ang sasabihin dahil biglang sumingit si Riley na kunwaring nauubo-ubo. “Ehem! Ehem! Ano nga ulit ang sinasabi ng beautiful mom namin?” “Ay lintian naman, Riley! Doc, baka may mental dito nang maidala na itong haliparot na sirena na ito.” “Ayy, grabe naman sa akin si Mama, bakit hindi ba kami bagay ni Doc?” sabay kapit kay Miguel, with matching beautiful eyes. “Ay jusko, lumayas ka d’yan! Dito ka na lang kay Lucy kung gusto mo, at itong si Doc, para lang kay Monica!” At sa sobrang gigil ni Tita, parang gusto pa niyang tumayo para itaboy si Riley, kaya agad ko itong pinigilan. Pero hindi ko inasahan na sabay pa kami ni Monica sa pag-assist kay Tita. Kaya’t aksidenteng napahawak ako sa kamay nito. At, as usual, kilig na kilig ang mga tao sa loob. “Ohh, kita mo? Sabay pa ang dalawa. Talagang bagay na bagay,” hirit ni Tita Emma. At biglang inalis ni Monica ang kamay nito. “Hay nako, reto kayo ng reto kung kani-kanino, mamaya yang pinagreretuhan ninyo, may girlfriend na pala, edi nag-away pa sila,” biglang sabi ni Monica. Sabay-sabay na nag-react ang mga tao sa loob. Tila nag-isip sila na baka nga tama ang sinabi ni Monica, kaya nag-smile na lang ako. Hindi ko naman inaasahan ang linyang iyon kay Monica. Parang hindi pa rin maalis sa isip niya yung babaeng nakita niya noon sa condo ko. Hayy, bakit ba naman kasi hindi niya ako hinayaang mag-explain? Yung girl na nakita niya noon sa condo ko, hindi ko naman talaga ka-ano-ano. Isa lang siya sa mga naging stalker ko noon. Pinadakip ko nga siya sa sobrang inis ko at pinagbantaan ko pang huwag nang magpapakita dahil siya lang naman ang naging dahilan kung bakit lumayo si Monica sa akin. Sigh! “No, Monica. I am single ever since na nagkakilala tayo. At sa maniwala ka man o hindi, I never entertained someone dahil umaasa akong mahahanap din kita someday. Kaya salamat dahil na-open up mo yung bagay na ‘yan. I just wanna explain na yung babaeng nakita mo noon sa condo ko ay isang stalker lang. Wala talaga akong karelasyon that time. Kaya kung susumahin, halos 5 years na rin akong walang karelasyon or even fling. At hindi ko sinasabi ang lahat ng ito para magpa-impress o ipagtanggol ang sarili ko. Sinabi ko lang ito para ipaalam sa’yo, Monica, how long I have been waiting for you. Kaya sana, you can give me a chance para mapatunayan ang sarili ko. Sobra akong sincere sa nararamdaman ko para sa’yo, Monica…” At sobrang tahimik ng paligid. Alam kong nabigla silang lahat sa sinabi kong iyon. Hindi ko na rin nakuha ang mga reaksyon nila nang biglang may tumawag sa akin. Kaya agad akong nagpaalam at lumabas. --- “Wtf?! Ano ba kasi ‘yun?” “Malaking problema, boss. Hehehe.” Agad kong pinatay ang tawag, inis na inis habang nagmamadali akong bumalik sa office. May malaking problema daw kami, at hindi ko na kayang maghintay pa. Pagpasok ko sa room, nakita ko si Jeric, na may mga senyas sa akin. Balita nito na nandiyan daw sina Mommy at Daddy. Paglingon ko, nakita kong nakabukas ang pinto ko. Tsk, tsk, tsk… Pagpasok ko, bigla akong sinalubong ng mahigpit na yakap ni Mommy. Umiiyak siya, at ganun din si Daddy, niyakap din ako pagkatapos. Nakita ko na hawak nila ang envelope. Hindi ko na kailangang itanong; malamang, nakita na nila ang resulta. “Sobra akong proud sa’yo, anak. Sa wakas, nasagot na rin ang matagal naming kahilingan ni Mommy mo.” Umiiyak na sabi ni Daddy. Napabuntong hininga ako, umupo na lang sa chair ko. Parang biglang sumakit ang ulo ko. Teka, ‘di ko pa nga nababasa ‘yan! “Hay nako, talaga bang mas nauna pa kayong makaalam ng resulta kaysa sa’kin?” tanong ko, hindi mapigilang magtampo. “Pasensya ka na, anak, hindi namin sinasadya. Naging curious lang kami ng Daddy mo nang makita namin ‘yang envelope…” paliwanag ni Mommy. at agad namang kumontra si Daddy. “Teka, teka, bakit ako? Eh ikaw nga ‘yung nag-utos! Kaya paano mo sasabihing ako ang nagkainteres d’yan?” “Eh, sinong kumuha? Hindi ba’t ikaw? Oh?? Tapos ako pa ang pagbibintangan mo?” balik ni Mommy. “Ahhh! Ano ba ‘yan, nagtatalo pa kayo? Akin na nga ‘yan, hindi ko pa nga nababasa ‘yan eh. Mamaya mag-celebrate kayo ng mag-celebrate…” Nang binasa ko na ang resulta, nagulat ako nang makita na lahat ng mga sample na binigay namin ay nagmatch! At kumbinsido na ako... “ANAK KO NGA SILANG TATLOOOOO!” Hindi ko napigilang maluha at magtatalon sa saya pagkatapos kong mabasa ang resulta. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD