CHAPTER 9 – PLAN B

2356 Words
CHAPTER 9 – PLAN B ---- Sakay ng ambulansya ay magkasamang tumungo sina Monica, Faith, Rylie at Miguel papunta sa St. Rose Hospital. Kasalukuyan pa ring walang malay si Mama Emma at sinabi na-comatose nga ito matapos itong mabagok. Kaya ganun na lang ang pag aalala nina Monica sa kanilang Ina. At habang sila ay papunta ng Hospital ay tinatanong ni Miguel sina Monica ukol sa mga napapansin nilang kakaiba sa kanilang Mama Emma dahil tila nagdududa ito sa kinekwento nila na high blood lamang ang sakit nito. Samantala, masama pa rin ang loob ni Olivia at ang asawa nitong si Benjamin sa mga nangyari dahil bukod sa nasira ang event ay hindi rin natuloy ang pagkakasundo sana nina Blaire at ng nag iisang anak na babae ng Pamilya Gomez. At dahil dito ay umuwi rin ang pamilya nila na dismayado. At habang nasa hotel sila ay bigla namang sumakit ang ulo ni Blaire at tila ay sumusumpong ang kanyang sakit kaya agad itong pinainom ng kanyang ama ng gamot. Galit na galit pa rin ito hanggang ngayon at hindi makapaniwalang ibang lalaki ang kasama ni Monica kung kaya't nagpupumilit itong makapunta rin sa kanilang Hospital... ---- Few minutes later... GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Pagkarating namin sa hospital, agad na itinakbo si Mama sa emergency room. Dahil nga sa kasalukuyang limitasyon sa pagpasok sa loob ng hospital, isang tao lang ang pwedeng sumama, kaya napagdesisyunan namin na si Miguel na lang ang sumama. Unang-una, pinipilit kami nitong siya na lang ang magbantay kay Mama para masigurado niyang maaasikaso ito agad, lalo na’t kritikal nga ang lagay ni Mama. Pangalawa, nagtiwala kami sa kanya, dahil alam namin ni Riley na isa siyang Neurosurgeon, kaya alam namin na alam niya ang ginagawa niya. At sa lahat ng naroroon, siya lang ang kalmado, kaya nagkaisa kaming si Miguel na lang ang sumama. Kaya sumisilip-silip naman ako sa loob para matignan sila. Hayy, hindi talaga ako mapakali. Ayon kasi sa pag-uusap namin kanina, nakukutuban daw ni Miguel na hindi lang basta hypertension ang sakit ni Mama. Maaaring mas malubha pa, dahil naikwento namin na ang mga nangyari kay Mama noong mga nakaraang linggo—labis na pagkahilo, pagsusuka, panlalabo ng mata, at minsan pa ay inatake na siya ng seizure. Pero agad din naman siyang gumaling nang malapatan ng gamot, kaya akala namin ay maayos na. At nagulat din kami nang ikwento ni Miguel na isa pala si Mama sa mga nagpacheck-up sa kanya noong nakaraang Medical Mission, at dinaing ni Mama ang araw-araw na pagsakit ng ulo. Ikwento din daw ni Mama na parang lumalabo na ang mata niya. Lalo pa niyang ipinagdiinan nang maisa-isa ni Mama ang mga sintomas ng aneurysm, kaya doon na kami talagang nabahala. Kaya inabisuhan ni Miguel si Mama na agad magpacheck-up sa hospital. Hindi ko napigilang maiyak, kasi hindi ko lubos maisip na may mga ganito pala siyang nararamdaman, pero hindi man lang niya sinabi sa amin. Ang tagal niyang nililihim sa amin ang nararamdaman niya. Kaya sobra akong nagdadasal na sana magising siya, at sana maagapan agad ang sakit niya. Ipinagkatiwala ko na ang lahat kay Miguel, dahil alam ko, kung may makakagawa ng paraan, siya na iyon. --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Nandito na kami sa loob ng Emergency Room at abala akong binabantayan si Tita Emma. She’s in a coma, and I’m waiting for the nurse to bring her to the ICU so that they can monitor her condition closely and check if any blood vessels in her brain have ruptured. Hindi ko na matigil-tigil ang paglakad. Medyo nababagalan ako sa mga doktor dito, kasi kailangan na talagang matignan si Tita agad. As in, ASAP. Nang maya-maya, dumating din ang isang nurse. “Ahh, sir, hi po. Ililista ko lang po muna yung name ng patient. Ano po ang pangalan niya, sir?” Medyo napuno na ako ng inis dahil seryosong sitwasyon ito, tapos siya magtatanong pa ng mga detalye ng pasyente. Pero pinagbigyan ko na lang, kesa mag-cause pa ng aberya. Ang focus ko lang ay mailipat si Tita sa ICU nang mabilis. “Emma,” mabilis kong sagot. “Ohh, Emma? So kasama po pala si Nurse Monica sa labas? Kaano-ano niyo po si Monica, sir?” Habang naririnig ko ang sunod-sunod na tanong ng nurse, mas lalong napipikon na ako. Kaya't hindi ko na pinatagal. "Nurse," huminga ako ng malalim. "Alam ko kung gaano kahirap ang trabaho mo, and I respect that. But please, can you stop asking stupid questions? Kailangan nang matignan ang pasyente. She’s in critical condition—tumama ang ulo niya sa pader at nawalan siya ng malay. Kailangang maagapan ito agad. Please lang, unahin niyo siya, ipagpaliban niyo na muna yang pesteng details niya! F*ck that! I’ll give you 5 minutes. Kung wala pa kayong gagawing aksyon, lilipat kami sa ibang hospital." Nang ilang minuto na ang lumipas, wala pa ring doktor na dumaan. Hindi pa rin ako mapakali. “F*ck! This is bad,” pailing-iling kong sabi habang nagmamasid kung may doktor ba na dadaan. I think I have to do Plan B. Mukhang wala talagang balak ang hospital na asikasuhin si Tita Emma. Naalala ko rin na nakaalitan pala nila ang may-ari ng hospital, kaya’t hindi malabo na sinabihan nila ang mga empleyado na huwag asikasuhin si Tita. Kaya’t agad akong lumabas, at sakto, si Monica ay nasa bungad lang. “Monica, puntahan mo na muna si Tita Emma sa loob. Meron lang akong tatawagan sa labas. Urgent to. Tandaan mo, bantayan mo ang Mama mo, at huwag kang pumayag kung sakaling may ituturok sa kanya. Ako na ang bahala, antayin mo ako. Lilipad tayo pa-Maynila,” sabi ko, mabilis na iniiwasan siyang magtanong pa. At agad na akong umalis matapos kong sabihin iyon kay Monica. ---- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Dali-dali akong pumasok sa loob para bantayan si Mama. Si Riley naman ang naiwan sa labas kasama si Faith. Tahimik lang ako, nakaupo sa tabi ni Mama, at nagdadasal. Ilang minuto lang ang lumipas nang may pumasok na doctor. Si Dr. Alex Miranda, isang espesyalista sa sakit sa puso, at may kasama siyang nurse na hawak ang medical records ni Mama. Hindi ko mapigilang maiyak nang makita ko si Dr. Alex. Tiwala akong matutulungan niya si Mama. “Doc, please… pagalingin niyo po si Mama ko.” Humagulhol na ako sa sobrang takot. Ngumiti naman siya, halatang nagpapakalma. “Oo naman, Nurse Monica. Huwag kang mag-alala, akong bahala.” Ngunit bigla akong nagulat nang dumating si Dr. Blaire. "Oh, andiyan ka na pala, Doc. Hehe, heto yung gamot!" nakangisi niyang sabi kay Dr. Alex sabay abot ng vial sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita iyon. Ang vial na iyon ang ginagamit para sa injection. Bigla kong naalala ang bilin ni Miguel—"Huwag kang papayag na may ituturok kay Tita Emma nang hindi ko siya nakokonsulta." “T-teka? Ano ‘yang gamot na ‘yan?” Tumayo ako, halatang nabigla at napatingin silang lahat sa akin. "Nurse Monica, chill lang. Alam ni Dr. Alex ang ginagawa niya. Itong ituturok niya ang makakatulong sa Mama mo para mag-normal ang pagdaloy ng dugo at umayos ang pagtibok ng puso niya, di ba Doc Alex?" Nakangiting sabi ni Dr. Blaire, pero ang creepy ng pagkakangiti niya. Parang iba na siya—hindi na siya yung Dr. Blaire na nakilala ko. At habang nagkakatinginan kami, kinargahan ni Dr. Alex ang injection na hawak niya. Nag-aalangan pa rin ako. Dahil pakiramdam ko parang may mali sa mga kinikilos nila. Kaya agad ko pang pinigilan si Dr. Alex. “Monica, kanina ka pa nagmamakaawa sa akin na tulungan ko ang Mama mo. So, paano ko siya matutulungan kung pipigilan mo kami?” May bahid ng galit na ang boses ni Dr. Alex. Hindi ko alam kung kanino ako magtitiwala. Naiipit ako sa pagitan ng takot at pag-asa. Tama bang pigilan sila? Pero paano kung totoo ang bilin ni Miguel? “D-dr. Alex… S-sige na…” Pilit kong tinimbang ang sitwasyon pero bago pa niya maiturok ang gamot. Biglang may tumawag, at napatingin kaming lahat. Laking ginhawa ko nang makita ko si Miguel. Nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko. "Tara na, ililipat natin ng hospital si Tita." Nakakagulat ang mga nangyari. Biglang nawala si Dr. Blaire, Napansin ko rin na tinago nilang mabilis ang syringe na hawak nila kanina. Agad naman umalma si Dr. Alex nang marinig na ililipat si Mama. Maging ako, nagulat din sa sinabi ni Miguel. Malayo-layo pa ang susunod na hospital, at alam ko na sa hospital na 'to lang ang may pinaka-advanced na kagamitan sa lugar namin. “Teka, sir?" sabi ni Dr. Alex, galit na galit. "Mawalang galang na, pero bakit niyo ililipat ang pasyente? Hindi mo ba ako nakikita? Ako ang doctor ng pasyenteng 'yan, kaya para saan pa ang pagpapalipat niyo? Mahihirapan lang siya sa biyahe!” Huminga nang malalim si Miguel, ngunit kita sa mukha niya ang hindi natitinag na determinasyon. “I understand, Doc, and I respect your expertise. Pero pasensya na. I don’t trust your diagnosis. Hindi lang basta hypertension ang kondisyon ng pasyente. Based sa symptoms na ikinuwento ni Tita Emma—panlalabo ng paningin, pagsusuka, seizures—posible itong brain aneurysm. Ako ang Head Neurosurgeon ng Samaniego Medical Hospital. Marami na akong gamutin na may parehong kondisyon. Kung sa akin niyo ipagkakatiwala ang pasyente, mas mabilis at mas maayos ang magiging recovery niya. At mas alam ko ang gagawin ko kesa sa inyo. I’m sorry..." Napatulala ako sa mga sinabi ni Miguel. Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero nakita ko na nagwalk-out si Dr. Alex sa sobrang galit, kasama ang nurse. Humingi ng assistance si Miguel sa mga nurse para mailabas si Mama sakay ng transport stretcher. Ako, naiwan na lang na nakatulala, hindi makapaniwala sa lahat ng nangyari. Sobra akong bumilib kay Miguel—sa paraan nang pag aasikaso niya kay Mama, Hindi lang dahil sa mahusay siya bilang doctor, kundi sa dedikasyon niya na gawin ang lahat para matulungan si Mama. --- Hindi ko namalayan na naiwan na pala akong mag-isa sa silid. Tahimik at nakakabingi ang paligid. Nagulat ako nang bigla kong makita si Dr. Blaire, lumalapit siya sa akin nang may kakaibang ngiti. Bago pa ako makakilos, itinulak niya ako sa pader. Malakas ang pagkakadikit ng likod ko, at ramdam ko ang bigat ng kanyang bisig. Sisigaw sana ako nang bigla niyang inilabas ang isang patalim at itinutok sa leeg ko. “Subukan mo lang sumigaw, Monica,” bulong niya, nanlilisik ang mga mata. “Bagong hasa itong patalim ko.” Nanigas ako sa takot. Nanginginig ang buong katawan ko, at hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha. Dinala niya ako sa isang maliit na silid at itinulak ako sa kama. Nakadikit pa rin ang patalim sa leeg ko habang sinasara niya ang pinto. Hindi ko matanaw ang labas. Para akong ikinulong sa isang masikip na kulungan ng takot. “Dr. Blaire, pakawalan mo ako. Kailangan ako ng Mama ko,” umiiyak kong pakiusap, pero agad niyang tinakpan ang bibig ko. “Shh… quiet, Monica. Quiet lang,” bulong niya habang bahagyang tumatawa. Nang bigla niyang idinampi ang dila niya sa leeg ko. “Ahh sh*t, Monica. Ang sarap mo talaga…” bulong niya, may halong kasabikan sa boses. Pilit akong nagpupumiglas, pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. “Dr. Blaire, parang awa mo na! Pakawalan mo ako, ano ba ang kailangan mo? Handa akong ibigay lahat ng gusto mo, basta’t bitawan mo ako,” nagmamakaawa kong sabi, habang patuloy ang pagtulo ng luha ko. "Talaga ba, Monica? Ibibigay mo ang lahat?" Kumikislap ang mata niya, parang hindi siya makapaniwala. Lumuha siya, at bigla niya akong niyakap. "Monica, patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko sa'yo. Alam mo, kaya ko lang ginawa 'yon dahil hindi ko matanggap na sasama ka sa lalaki na 'yun. Mahal na mahal kita, Monica. Ayaw kita mawala..." Nawala na ang kanyang galit, at ang mga luha niya ay nagpatuloy. Habang umiiyak siya, unti-unti kong kinuha ang patalim sa gilid ng kama at dahan-dahang itinulak ito palayo. Kailangan kong maging maingat. "Oo, Dr. Blaire, hindi ako sasama sa kanya. Dito lang ako," nakangiti kong sinabi. Bigla niyang binitiwan ang yakap, pero hindi ko na kayang magpanggap. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko. Pero tila ito na lang ang paraan para mailigtas ang sarili ko mula kay Dr. Blaire. Ngunit nang hawakan niya ang mukha ko, napaatras ako. Akmang hahalikan niya ako, kaya pilit ko siyang inawat. Nang makita niyang tumanggi ako, nanlilisik ulit ang kanyang mga mata. Dinampot niya ang patalim.kinuha ko ulit ang atensyon niya. "Ano ba naman kasing halik yan, Dr. Blaire? Parehas tayong nakadilat. Dapat nakapikit para damang-dama natin ang labi natin," nakangiti kong sabi. Mabilis na pumikit siya at naghanda ng halik. "Okay, nakapikit na, mahal ko." Doon ko na nakita ang pagkakataon. Binigyan ko siya ng malakas na sipa sa pagitan ng kanyang hita. “Aray!” sigaw niya, hawak ang kanyang bay*g habang napaluhod sa sakit. Hindi ko na siya inintay na makabawi. Agad akong tumayo at tumakbo palabas ng silid. “Putng in ka, Monica! Bumalik ka rito! Papatayin kita!” sigaw niya, pero hindi na ako lumingon. Lakas ng t***k ng puso ko habang tumatakbo ko sa hallway pakiramdam ko hindi lumalapat sa sahig ang aking mga paa. at ramdam na ramdam ko din ang malamig ng pawis na bumabalot sa aking katawan sa sobrang kaba at takot. Hanggang sa mabangga ako sa isang matigas na bagay. Napahawak ako dito dahil sa sobrang pagod, hingal at panginginig. “Monica?” Nag-angat ako ng tingin at halos mapahagulhol nang makita kung sino ang nasa harap ko. “Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi ka sumabay sa amin?” sabi ng lalaking nagpapakalma sa pagkatao ko —si Miguel. At hindi ko na napigilan ang aking sarili na yumakap nang mahigpit sa kanya at humagulgol sa dibdib niya. “Monica…” malambing niyang sabi habang hinahagod ang likod ko, pilit akong pinapakalma. Sa sandaling iyon, pakiramdam ko ay ligtas na ako sa bisig niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD