CHAPTER 8 – CATFIGHT
----
Nang dahil sa pagpupumilit ni Dr. Blaire kina Monica at sa pamilya nito ay napapayag niya ang mga ito na sumama sa kanya papunta sa kanilang Hotel para sa isang victory party. Giit nito na isa lang kaunting salo salo ang magaganap ngunit lingid sa kaalaman nito ay may inihanda pala ang mga magulang ni Dr. Blaire na surpresa para sa kanilang nag iisang anak.
Pagpasok pa lang nina Monica sa loob ng events room ay bumungad na agad ang napakaraming tao at ang lahat ng ito ay nakatingin sa kanila.
Kita naman ang pagkagulat ng mag asawang De Guzman sa kanilang nakita, dahil sa gabing din iyon ay may kasunduan sanang magaganap sa pagitan ng kanilang pamilya at sa pamilya ng isa sa pinakamayamang tao sa buong bansa kung saan ipagkakasundo nila ang kanilang mga anak sa isa't isa.
---
LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV
For real?? Tanong ko sa sarili ko, hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko. Do they really have something? Pero bakit parang napipilitan lang si Monica?
Wtf, I’m starting to get a little nervous. Iba ang tingin sa kanya ng mga De Guzman, at pareho silang napatayo nang makita nila si Blaire. Iba rin ang tingin nila sa mga kasama ni Monica, na pakiramdam ko ay pamilya niya.
Agad akong tumingin sa kalapit na table na may isang empleyado ng St. Rose Hospital.
"Ahm, excuse me, pwede ko bang malaman kung meron bang namamagitan sa kanila?" tanong ko, medyo nag-aalangan. "I mean, bakit ganun ang reaksyon ng mga tao? Ang daming nagbubulungan, and everybody looks shocked."
Nagulat ako sa sagot ng nurse, dahil matagal na palang usap-usapan sa hospital nila na parang pinopormahan ni Blaire si Monica. Pero hindi nila makumpirma kung may relasyon na nga ba ang dalawa. Ang tanging naririnig nilang chismis ay nagde-date daw sila.
F*ck! Hindi ko alam na may manliligaw palang ganito si Monica. Pero sa totoo lang, hindi na rin ako magtataka...
Pero hindi ito maaari. Hindi ako papayag.
Habang naglalakad sila patungo sa gitna ng stage, halatang iba ang kilos ni Monica. Malakas ang kutob ko na labag sa loob niya ang mga nangyayari. She even refused to let him hold her hand.
Pinanatili ko na lang ang sarili ko na maging kalmado at mag-obserba. Nag-aantay ako ng maling galaw, at kapag nakita ko na, doon ko gagawin ang aking hakbang...
"So, can we hear some message from our new CEO? Dr. Blaire? On stage, please?" wika ng host, sabay ngiti. At ang lahat ay pumalakpak, sabay-sabay, na parang pinapalakas ang loob ng bagong CEO.
---
GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Wala akong kaalam-alam na ganito pala ang dadaluhan namin, taliwas sa inaasahan kong isang simpleng salo-salo lang. Ngayon, lahat ng mga tao ay nakatingin sa amin, at hindi ko alam kung paano ako kikilos.
Lalo pang tumindi ang kaba ko nang makita ko sina Madam Olivia at Dr. Benjamin. Kakaiba ang mga tingin nila—matatalim at mapanghusga. Parang sinisipat nila kami mula ulo hanggang paa. Halos gusto ko nang maglaho sa oras na iyon. Pakiramdam ko, hindi ko kinakaya ang kahihiyang nararamdaman ko.
Mas lalo pang tumindi ang inaalala ko para kina Mama at Faith. Nakakapit lang sila sa likod ko, at naririnig kong umiiyak si Faith.
"Ate, ano ba itong pinuntahan natin? Pinagtitinginan na tayo dito. Gusto ko nang umuwi, ate. Hiyang-hiya na po ako." naiiyak niyang sabi habang nakakapit sa likod ko.
Ngunit wala akong magawa. Alam kong mas lalong masama ang kalalabasan kung gumawa kami ng eksena. Kaya pilit ko siyang pinakalma.
"Wag kang mag-alala, mamaya lang aalis na tayo." Sinabi ko ito kahit sa totoo lang, hindi ko alam kung kailan iyon. Mahigpit ang pag kakahawak ni Dr. Blaire sa braso ko, at mukhang hindi kami basta makakaalis.
Nang tawagin na si Blaire papunta sa stage, naisip kong iyon na ang pagkakataon naming makawala. Pero hindi rin kami pinakawalan. Dalawang malalaking bodyguard ang humarang sa amin.
"Oh? Saan kayo pupunta? Dumito lang kayo!" Sigaw ng isa, habang ang pakiusap namin ay binalewala lang. Ayon sa kanila, utos daw iyon ni Madam Olivia. Lumingon ako kay Madam Olivia, at ang ngisi niya ay parang nanalo sa isang laro.
Hindi ko maintindihan kung ano ang plano ni Madam Olivia, ngunit habang nagsasalita si Dr. Blaire, pinapuwesto niya kami malapit sa kinauupuan nila.
Samantala, narinig ko ang mga bulungan ng mga tao sa paligid.
"Who's that girl with Blaire, Mare? Hindi ko alam na may girlfriend na pala ang anak mo," tanong ng isang babae.
"Naku, Mare, wag kang maniwala sa nakikita mo. Sa tingin mo ba papatulan yan ng anak ko? Tignan mo nga, ang baduy ng porma. Lukot-lukot na ang gown parang galing pa sa ukay-ukay. tapos tignan mo yung heels—my god! Halatang galing pa sa baul. Nakakadiri!" At nagtawanan sila, halatang pinaparinig sa amin ang usapan nila.
Si Faith ay tahimik na umiiyak habang nakayakap kay Mama. Patuloy pa rin ang bulungan at pangungutya ng mga tao, at ramdam ko ang sakit sa bawat salitang naririnig ko.
Nang natapos magsalita si Dr. Blaire, pumunta siya sa amin at halatang nagulat nang makita si Faith na umiiyak.
"What happened?" tanong niya sa akin. Pero hindi ko siya sinagot. Sa sobrang inis ko, wala akong lakas na makipag-usap sa kanya.
Maya-maya, tinawag sa gitna si Madam Olivia para magbigay ng speech.
"Good evening," panimula niya habang nakangiti pero halatang may halong pang-iinsulto ang tono.
"I know all of you are in shock right now. Actually, ako rin eh! Pero bago ang lahat, nais ko munang batiin ang anak ko bilang bagong CEO ng hospital. I am so proud of you, anak! Alam kong sobrang deserve mo ang posisyong ito dahil napakatalino mo at palaging binibigay ang best sa trabaho mo. Pero nakakatuwa din na sa ganitong okasyon, naisama mo pa ang... hmm... ano ba yan, mga kasama mo? Bodyguard? Alalay mo? Hahaha!" sabay tawa niya, na sinabayan din ng tawanan ng mga tao.
Napayuko na lang ako sa kahihiyan. Gusto kong umiyak, pero pilit kong pinipigilan. Sana pala hindi ko na sinama sina Mama at Faith. Nadamay pa sila sa kahihiyang ito.
Pero hindi pa tapos si Madam Olivia. Lumapit pa siya sa amin at hinawakan ang damit ko, sabay sabi, "Oh my god, nurse pala siya? Sorry, hindi halata eh! Ang cheap ng damit, pati na rin yung kasama niya. Mas maganda pa ata ang damit ng mga aso natin!"
Halos sumabog na ako sa galit, ngunit bago pa ako makapagsalita, biglang hinawi ni Mama ang kamay ni Madam Olivia mula sa akin.
"Bitawan mo nga ang anak ko! Kanina pa ako nagtitimpi sa’yo! Wag na wag mong hahawakan ang anak ko dahil baka mahawa pa siya sa bastos mong pag-uugali. Hindi naman kami mayaman pero pinalaki ko ng maayos ang anak ko—hindi kagaya mo na halatang walang pinag-aralan!"sigaw ni mama
Nagulat ang lahat, pero halata sa mukha ni Madam Olivia ang galit. Dinuro niya si Mama habang sumisigaw ito.
"Hoy, hampaslupa! How dare you call me bastos?! Kilala mo ba ako, ha? Wala kang karapatang pagsalitaan ako nang ganyan! Wala kang kwenta!"
Dalawang bodyguard na ang umaawat kay Madam Olivia, pero nagpupumiglas pa rin siya.
"Get the f*ck out of me! Hindi pa tayo tapos, matanda! Ipapakilala ko lang ang sarili ko sa’yo!"
Bigla siyang nakawala at sumugod kay Mama
"Ngayon, sino ang bastosss?!" sigaw niya habang nakaamba ang kamay niya.
"Mamaaaaaa!!" sigaw namin ni Faith. Sinubukan kong harangan ang kamay ni Madam Olivia, pero sa lakas ng palo niya, natamaan si Mama sa gilid ng ulo.
Napatumba si Mama at nauntog pa sa pader.
Nang makita ko ang nangyari kay Mama, tuluyan nang pumutok ang galit ko. Wala na akong pakialam. Sinugod ko si Madam Olivia at hinila ko ang buhok niya.
"Magbabayad ka sa ginawa mo sa Mama ko!" sigaw ko habang pareho kaming natumba sa sahig. Hinawakan din niya ang buhok ko, pero hindi ko naramdaman ang sakit dahil sa galit ko.
Ang tanging naririnig ko ay ang pag-iyak ni Faith at ang pag-ungol ni Madam Olivia habang pilit siyang umaalis sa pagkakahawak ko.
Sa mga oras na iyon, wala na akong pakialam kung ano ang mangyayari sa akin. Ang mahalaga, ipagtatanggol ko ang pamilya ko, kahit pa sino ang kalaban.
---
LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV
No f*cking way! Teka, eto na nga ba ang sinasabi ko? Sa pagpasok pa lang nila kanina, ramdam ko nang may hindi magandang mangyayari, at, syempre, hindi ako nagkakamali.
Sobrang gulo na sa loob at dami ng security na dumating. At napansin ko ang pagka-dismayado ng mga tao, at pati ako, Napatakbo na ako lalo na nang makita ko ang pagkakaumpog ng ina ni Monica sa dingding. Mukhang masama ang kalagayan niya dahil nawalan siya ng malay sa lakas ng impact ng pagkakauntog grabe kasi rinig na rinig talaga namin. Nakakabahala talaga ang kalagayan niya.
Mabuti na lang at puro mga Nurse at Doctor ang nandoon, kaya mabilis nilang nasaklolohan. Tumawag agad sila ng ambulansya, at habang naghihintay, binigyan siya ng CPR ni Riley.
Samantala, biglang nagsigawan at doon ko napansin na nawalan din ng malay si Monica. Agad ko itong nilapitan.
"Monicaaaa! Monicaaaa!" Nang lumapit ako, nakita kong hawak ni Blaire si Monica.
Nag-init ang ulo ko sa nakita ko. Naghihiyaw na lang si Dr. Blaire, habang tinatapik-tapik lang si Monica, kaya hindi ko na napigilan. Agad ko itong inagaw sa kanya.
"Tumabi ka! Bitawan mo si Monica! Gunggong ka ba?!" sigaw ko. Sa galit ko, tinulak ko siya. Nagpumiglas siya at parang may balak pa akong saktan, pero mabuti na lang at dumating si Jeric. Kaya hindi natuloy ang balak ni Blaire.
Dahan-dahan ko namang inihiga si Monica, checking her pulse. Salamat, mukhang okay naman siya. Inalalayan ako ni Dr. Charles, at ginamot namin ang mga sugat na natamo ni Monica mula kay Madam Olivia. At dinampian din namin ng yelo yung bukol niya sa ulo.
Maya-maya, naramdaman kong unti-unting gumagalaw si Monica. Dahan-dahan ko siyang inupo at inalalayan. Naisip kong buhatin na siya dahil nandiyan na rin ang ambulansya, at sinakay na rin ang nanay ni Monica sa stretcher.
Papunta na kami sa labas, pero bigla kaming hinarang ng mga pulis.
“Ah, wait sir, pero ‘yung bitbit niyo po si Monica kailangan ho namin imbestigahan. Nanakit po kasi siya. May mga minor injuries ho si Madam Olivia, at kailangan po siyang mag-report ukol dito, sir, para maimbestigahan.”
Napangiti lang ako sa kanila.
“Jeric?”
“Yes, sir?”
"Ikaw na ang bahala sa kanila. May kailangan pa akong ayusin."
“Okay po, sir.” At paalis na sana ako pagkatapos ng usapan namin ni Jeric nang muli kaming harangin.
“Pasensya na, sir, pero bawal talaga. Kailangan ho namin ‘yang bitbit niyo mag-report sa presinto,” giit ng mga pulis.
Nang lumapit si Blaire, galit na galit, pero hinarang siya ng mga security. “Teka, sino ka bang pakialamero? Tsaka bakit mo buhat-buhat ‘yan? Bitawan mo nga ‘yan!!” Sigaw niya.
“Mga sir, kung natatakot kayo sa kanila, well, ako, hindi. My assistant, Jeric, has a copy ng buong insidente, and you can review it any f*cking time. At ngayon, kung ipagpapatuloy niyo ‘yang imbestigasyon, siguraduhin niyo lang na patas kayo, dahil matibay ang ebidensya namin. Even the audio was clear, so think twice.” Nakangisi kong sabi sa kanila, at kitang-kita sa mukha nila ang pagkagulat.
I know for sure na hindi nila inaasahan na may naka-record kami ng buong insidente. Good thing I had Jeric prepare for this before the event even started.
At pagkatapos, umalis na kami.
---
Ilang minuto ang nakalipas...
GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV
Nakatulala lang ako habang papalapit kami sa ambulansya. Ewan ko ba, pero parang nawawala ako sa sarili ko. Parang hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Hanggang sa makarating kami sa sasakyan, at bigla kaming hinarang ng isang nurse.
"Ah, sir, pasensya na po, isang pasyente lang po ang kasya sa loob. Kung gusto niyo po, tatawag na lang po ako ng isa pang ambulansya?" Takang-taka naman ako. Sa pagkakaalam ko, si Mama lang naman ang kailangang isakay sa ambulansya. Tsaka, hala? Sir talaga? Nakakaloka…
"Te—Teka po, Nurse. Eh si Mama lang naman ang isasakay, at nasa loob na siya. Ano pa po bang problema?" Na-inis na akong sabi dito.
At siyempre, hindi ko nakalimutang tingnan sina Riley. Ang mga mukha nila, parang mga nangingiti pa! Kaloka, ‘di ba? Nasa isang seryosong sitwasyon kami, tapos sila, nakangiti lang. Hayy…
"Ah, sorry po, Ma'am. Ah, sir? Hindi po ba injured itong si Ma'am? Kasi kung ganun po, pwedeng sumakay na po kayo."
Dahan-dahan akong lumingon... O...M...G!!!
Wala akong kamalay-malay na habang naglalakad kami, buhat-buhat pala ako ni Miguel?!?!
AAHHHHHHH!!! NAKAKALOKAAAAA!!! Sa isip ko, parang gusto ko nang sumigaw ng malakas sa sobrang kahihiyan.
At sumakay na ako sa loob ng ambulansya na parang walang nangyari, deadma lang, patay malisya, kahit na gusto ko nang magtago sa sobrang hiya. x_x
---