CHAPTER 7 – THE NEW CEO

3490 Words
CHAPTER 7 - THE NEW CEO ---- At ngayon na nga ang ikalawa at huling araw ng Medical Mission kaya lalong dumagsa ang mga tao. At sa pagdami nito ay dumami din naman ang mga Hospital ang nag volunteer para tumulong galing sa kabi-kabilang panig ng bansa. Kaya dahil dito ay may mga naatasan na mag bahay bahay at may iba naman na naatasan na suungin ang kasulok sulukan ng lugar at nang sa gayon ay lahat ay siguradong mabibigyan. Maagang nagsagawa ang mga Nurses at Doctor sa kanilang pamimigay ng libreng konsulta at relief sa mga tao roon. Magkatulong pa rin ang malalaking Hospital na St. Rose Hospital at Samaniego Medical Hospital at nag anunsyo naman ang Chief Executive ng St. Rose Hospital na si Dr. Benjamin De Guzman, ang ama ni Dr. Blaire De Guzman na magkakaroon sila ng isang kaunting pagsasalo salo para sa matagumpay nilang operasyon. Samantala, kapansin pansin naman ang pagkaaligaga ng dalawang doctor na sina Dr. Blaire at Dr. Miguel dahil tila wala roon ang babaeng parehas nilang ninanais... ---- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV "Seryoso ka ba dyan, girl? Last day na natin, hindi ka ba talaga papasok?" "Oo nga, ano ba. Masakit kasi ang ulo ko, naulanan pa ako kagabi. Alam mo namang mabilis akong dapuan ng sakit lalo na't puyat pa. Sige na, at baka mapagalitan ka pa. Bye!" Call ended. Huminga ako nang malalim at muling bumalik sa pagkakahiga ko. Ang totoo niyan, umiiwas lang talaga ako. Simula nang mangyari ang insidente sa amin ni Miguel, parang ayoko na siyang makita o makasalamuha kahit saglit. Pagalitan na kung pagalitan. Kung ang kapalit naman ay ang katahimikan ng isip ko, mas pipiliin ko na lang manatili rito sa kama at magpahinga maghapon. Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang biglang umakyat si Mama. Halatang nagulat siya nang makita akong nakahiga pa rin, kayakap ang mga anak ko. "Oh, andito ka pa pala, anak. Wala ka bang pasok ngayon? Akala ko ba last day na ng Medical Mission?" tanong ni Mama habang nagwawalis ng sahig namin. "Opo, Ma. Masama po kasi ang pakiramdam ko. Naulanan kami kagabi ni Riley," sagot ko habang bumangon na rin para tulungan siya. Napansin kong 8:30 na pala ng umaga, kaya nagtataka si Mama kung bakit hindi pa bumababa ang mga bata. Normally, alas-siete pa lang o alas-otso ay nag-aalmusal na ang mga iyon. Kaya naisipan niyang umakyat para tingnan kami. Pagkatapos naming maglinis, sabay-sabay na rin kaming nag-almusal. Habang kumakain, ramdam kong may gustong sabihin si Mama, pero parang nagdadalawang-isip siya. Sa huli, napabuntong-hininga ito at nagsalita. "Anak, napapansin kong parang matamlay ka nitong mga nakaraang araw. May problema ba? Alam mo namang pwede mong sabihin sa akin kahit ano," tanong ni Mama habang maingat na tinitimpla ang kape niya. Saglit akong natigilan. Gusto kong magsabi, pero paano ko ba maipapaliwanag ang bigat ng nararamdaman ko? "Wala po, Ma. Medyo pagod lang siguro sa dami ng ganap nitong linggo," sagot ko na may pilit na ngiti. "Sigurado ka ba? Kasi alam mo, anak, kahit gaano pa ka-busy ang buhay, hindi mo pwedeng kalimutan na alagaan ang sarili mo. Hindi mo rin kailangang tiisin mag-isa ang mga iniisip mo," paalala niya. "Oo nga, Ma. Salamat po," sagot ko, pero ramdam kong hindi ko siya kumbinsido. Pagkatapos mag-almusal, nagdesisyon akong magpalipas ng oras kasama ang mga anak ko. Habang nilalaro ko sila, unti-unti kong nararamdaman ang bahagyang ginhawa. Sila talaga ang nagbibigay liwanag sa madilim na mga araw ko. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Mama noong buntis pa ako. "Anak, kahit gaano kahirap ang buhay, lagi mong tatandaan na ang mga anak mo ang magiging lakas mo." At totoo nga. Kahit anong hirap o pagod ang pinagdadaanan ko, basta nakikita ko silang masaya nagiging matatag at nagiging malakas ako. --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Ang buong paligid ay puno ng mga abala, at dahil dumoble ang bilang ng mga tao ngayon, wala na akong oras para magpahinga. Maaga pa lang ay dagsa na agad ang mga tao, kaya't naisip ko na lang na wala akong magagawa kundi magfocus sa trabaho ko. Pero, hindi ko talaga maiwasang mag-alala kung nakapasok ba si Monica. Sobrang nagwoworry ako, baka naman na-trauma siya sa nangyari kagabi. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makatulog ng maayos. Hindi ko mapigilan ang kunsensya ko na parang iniiwasan niya ako. Sana pala inaya ko na lang siyang magkape o lumabas para makapag-usap ng maayos. Kung ginawa ko yun, baka hindi naging ganito ang sitwasyon namin. Pinangunahan kasi ako ng gigil at emosyon nung araw na yun, at ngayon, parang gusto ko na lang magtago sa isang sulok. Lumipas ang ilang oras, at hindi na ako nakatiis, kaya't inutusan ko na ang assistant ko, si Jeric, na tignan kung nakapasok ba si Monica. Ilang minuto lang, bumalik na agad siya. "Boss, negative. Wala daw siya, absent kasi masama ang pakiramdam," bulong sa akin ni Jeric. Nagulat ako sa narinig ko, at dahil dito, nawalan na ako ng focus sa ginagawa ko. Na-realize ko na baka kailangan ko ng oras para makapag-isip, kaya't nagpasya akong magpalit muna kay Jeric. Halos isang oras akong nakaupo sa loob ng tent namin, nag-iisip ng paraan para makapag-ayos ng mga bagay. Sigurado kasi akong ako rin ang may kasalanan kung bakit hindi siya nakapasok ngayon at hindi maganda ang pakiramdam. Pagkatapos ng ilang minuto, nagdesisyon akong lumabas at hanapin ang isang tao na sa tingin ko ay makakatulong sa akin. "Uhm, hi Nurse Rylie," bati ko at iniabot ang kamay ko. Nagulat ako nang kinuha niya ang kamay ko at nakipagkamay, kahit na alam kong alam na niya ang nangyari sa amin ni Monica. Kita ko sila kagabi, sabay pa silang umuwi, kaya't hindi na kami nag-usap tungkol sa nangyari. Marami pang nakamasid sa amin, kaya't hindi ko muna sinabi ang tunay na pakay ko. Sinabi ko na lang na magkita kami sa tent mamaya pagkatapos ng duty niya. Nagkasundo naman kami, at matapos ang maikling usapan, Pagtalikod ko narinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid. " Ayy sana all talaga!!" " Nakuhanan ko yun, sissy! Omg, paamoy nga ng kamay mo, Nurse Ryle!" " Halaaaa! Grabe naman, ipahid mo naman sa akin yang palad mo, Nurse Ryle!!" Napangiti ako sa narinig. Sa kabila ng bigat ng sitwasyon, na-realize kong kahit papaano, may mga bagay pa rin na nagbibigay ng kaunting aliw. Ngunit hindi iyon sapat. Kailangang maayos ko ang gulong ito. --- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Time check, it's already 5:00 PM, and we're preparing for dinner. Naghuhugas ako ng mga sangkap para sa ulam namin habang si Mama ay naliligo. Since magkalapit lang ang kusina at banyo namin, hindi maiwasan na magkwentuhan pa rin kami ni Mama. Ang totoo, kahit na tapos na yung insidente, hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ni Mama sa akin. Pero sabi ko naman sa kanya na okay na ako. " Buti naman kung ganun. Eh, yun nga lang, sana hindi ka bigyan ng Memo ng boss mo dahil umabsent ka," wika ni Mama, may halong pagkabahala. " Hindi naman po siguro, Ma. Tsaka ngayon lang din naman po ako umabsent sa ilang taon ko nang pagtatrabaho sa kanila," sagot ko sa kanya, habang maingat na naghihiwa ng mga gulay. Ngunit bigla akong nakarinig ng malakas na lagabog mula sa taas, kaya napahinto ako at agad akong nakaramdam ng kaba sa dibdib. " Ma? Okay ka lang po ba? Ano pong nangyari?" tanong ko, medyo nag-aalala. Ilang segundo bago sumagot si Mama. "Okay lang ako, anak. Nahulog kasi itong sabon. Wala naman nangyari sa akin, ha. Ayos lang ako," tugon ni Mama, at sa boses niya, parang totoo naman ang sinabi niya. Kaya nagpatuloy na akong magluto, kahit medyo nangingilid pa ang kaba sa puso ko. Matapos kong magluto, inasikaso ko naman ang mga bata para sa kanilang half-bath, dahil maya-maya lang ay matutulog na kami pagkatapos kumain. Nang bigla akong tawagin ni Ate Lucy mula sa banyo sa taas. " Ate, nasa baba po sina Dr. Blaire at Riley, hinahanap po kayo," sabi ni Ate Lucy, at talagang nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Tama ba ang narinig ko? Dr. Blaire at Riley? Omg, anong meron?! Bakit sila magkasama? Ano'ng nangyari? Si Ate Lucy na ang humalili sa akin para ipagpatuloy ang paghalf bath sa mga bata, kaya't nag-ayos ako ng kaunti bago bumaba. Habang nag-aayos ako, hindi ko maiwasang mag-overthink. Baka nga, ibabalita na sa akin na tanggal na ako sa trabaho... Omg! Huwag naman sana, please! --- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Habang bumababa ako ng hagdan, umaarte ako na parang sumasakit ang ulo, para may dahilan kung bakit hindi pa ako agad bumaba. Pagbaba ko, agad ko silang binati. "Ohh, Hello po, Dr. Blaire at Riley. Kamusta po? Pasensya na po ah, inatake po kasi ako ng migraine ko eh," sabay hawak sa ulo ko at todo-akting pa ako para maniwala si Dr. Blaire. Bigla namang sumulpot si Mama mula sa kusina. "Oh, buti at bumaba ka na, anak. Kanina pa nandito sina Dr. Blaire, kinakamusta ka nga dahil nag-aalala sa'yo. Pero sabi ko okay ka na, at heto nga, nakapagluto pa ng pinakbet-ayan oh, tinitikman nila yung luto mo at sarap na sarap ang boss mo!" nakangiting sabi ni Mama. Ang totoo, parang gusto ko na lang maglaho mula sa kinakatayuan ko. Ibig sabihin, Nag-akting pa ako, tapos nilaglag na pala ako ni Mama sa harap nila nakakahiya, pero wala na akong magawa kundi magpanggap na lang. Si Riley naman, halatang pinipigilan ang pagtawa. "Grabe, Monica, may talent ka pala sa pagluluto ah! Ang sarap nito!" sabi ni Dr. Blaire. "Tita, pwede din po ba akong mag-take out? Babaunin ko 'to kasi parang ito na ata ang pinakamasarap na pinakbet na natikman ko sa buong buhay ko." Sh*t, hindi ko na alam kung seryoso ba siya o binobola lang ako. Pero iniabot na nga niya ang ziplock na baon niya. "Wow, Dr. Blaire, parehas pala tayong Sharonian!" biro ni Riley kay Dr. Blaire, at sabay silang nagtawanan. Habang pinagbabalot ni Mama si Dr. Blaire ng ulam, ipinakita naman nila sa akin ang mga dala nilang relief goods dahil hindi raw nakapunta sina Mama kanina. Sobra akong nahiya kasi ang dami nilang bitbit-hindi ko inasahan na ganoon karami. Pinabitbit pa ito sa mga kasama nilang bodyguards, at isa-isa nilang pinasok ang isang sakong bigas, mga groceries, at mga rechargeable na fan at flashlights. Grabe, para tuloy kaming nanalo sa sugod-bahay sa dami nilang dala sa amin. "Hala, nakakahiya naman po," habang tinitignan ko sila at ini-input ang mga dala nilang gamit. Si Mama hindi pa rin makapaniwala, kaya todo-pasalamat siya kay Dr. Blaire. "Salamat ho sa mga dala ninyong regalo, Doc. Talaga bang binitbit ninyo pa ito hanggang dito? Parang nakakahiya naman po," wika ni Mama habang iniaabot ang binalot na ulam kay Doc. "No worries po, Tita. Anything for Monica po and her loved ones. Talagang sa abot ng makakaya ko, tutulong ako," nakangiti niyang sagot kay Mama. Bigla kaming nagkatinginan ni Riley, at medyo nag-alala ako-baka mamaya ay machismis na naman kami. Nang sabihin nila kung bakit nga ba sila narito, bukod sa pagbibigay ng mga relief goods, ay talagang nagulat kami. "We will be having like a small party. Simpleng kainan lang, kaya sana hindi pa kayo nakapag-dinner para doon na lang tayo kumain, with your family. I also want to meet them, pero of course, only if you're okay with that," wika ni Dr. Blaire. Inimbitahan kami ni Dr. Blaire sa kanilang hotel para kumain. Nagdadalawang-isip ako dahil alam ko na sobrang sosyal ng hotel na yun, at hindi kami sanay sa ganung klaseng lugar. Alam ko, iba yung mga tao doon, at feeling ko hindi kami babagay sa mga ganung events. Pero as usual, knowing Dr. Blaire, once na ininvite ka nito, wala na-pilit talaga hanggang mapilitan ka na lang. Si Mama, ayaw ding pumayag dahil nahihiya siya, pero kalaunan, napapayag din siya. "Okay, good! Don't worry, sabay-sabay tayong pupunta doon. Wear your best outfits, and we'll be having dinner there," sabi ni Dr. Blaire, smiling. Nakaramdam ako ng pressure. Parang hindi lang "simpleng" dinner ang mangyayari. Sa totoo lang, base sa damit nila na parehas ay nakapang-formal wear, parang may espesyal na event na mangyayari. Kami naman, wala man lang kaming magagarang damit. Hindi kami sanay dumalo sa mga ganung klaseng event, kaya hindi ko maiwasang kabahan. --- A few hours later... --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV 8:00 PM na, at nandito na kami sa D.G Grand Hotel. Nakaupo na kami sa table namin, at in all fairness, napakaganda talaga rito. Hindi mo aakalain na may ganitong klaseng hotel sa probinsya. Its design rivals the aesthetics of five-star hotels in Manila. Tunay na high-class, may live band pang tumutugtog, at mukhang may programang magaganap. May microphone at speaker setup sa stage, at naroon sina Mr. and Mrs. De Guzman sa table malapit sa stage-mukhang sila ang magho-host ng event. Anim kami sa table. Kasama ko sina Jeric, Dr. Charles, at tatlo pa naming co-doctors. Pare-parehas kaming nagugutom dahil light snacks lang ang kinain namin bago pumunta rito. 7:00 PM pa lang, present na kami, at ngayong open na ang buffet area, nagtayuan na kaming lahat para kumuha ng pagkain. Habang nakapila kami, bigla akong binati ng isang pamilyar na mukha. "Uy, andito ka pala, Dr. Lorenzo Miguel? Long time no see," bungad ng isang babae na sabay beso pa sa akin. Nagpa-panic na ang utak ko, pilit na iniisip kung sino siya. Familiar ang mukha niya, pero wala akong mahugot na pangalan. Nakatingin lang siya sa akin, halatang naghihintay na batiin ko rin siya. "Ahh, s**t, sorry! Nakalimutan ko. Who are you again?" tanong ko, nakangiti para hindi masyadong awkward. Pero halata sa mukha niya ang pagkadismaya. "My God, really, Miggy the Piggy?" irap niya sabay taas ng kilay. At dahil sa sinabi niya, bigla ko siyang naalala. Fck! Nang marinig ko yun, bigla ko siyang naalala. "Ohh sht, Dani the Penguin. Really? Ikaw na yan?" Napatawa kami sabay yakap. At doon ko naisip, this girl is Danica Gomez, little sister of my best friend, Dale. Magkaklase kami nung elementary days at dun ko siya nakilala. Sobrang sungit nitong babae na to kaya nagkaroon kami ng sarili naming bansag sa isa't isa. Tinatawag niya akong "Miggy the Piggy" dahil medyo mataba ako nung bata pa ako, at siya naman ay "Dani the Penguin" kasi siya 'yung maliit at chubby na parang penguin maglakad. At syempre, asar na asar siya sa'kin noon. Talaga namang hindi kami magkasundo, pero as we grew older, hindi na puwedeng magkaaway kami, lalo na't kaibigan ko ang kuya niya. Ngayon, she's like a little sister to me, at siya yung parang baby sister na nakakainis. Pero siyempre, hindi naman puwedeng magkaaway kami habang-buhay. Kaibigan ko ang kuya niya, kaya eventually naging close na rin kami. She's like a little sister to me. "Wow, long time no see, Dani! Grabe, model na model ang datingan mo ngayon ah. So, flight attendant ka pa rin?" "Oo naman! Ano pa nga ba? Kung papasa lang sana akong pilot, eh, para napalitan ko na si Kuya. Char!" sagot niya, tumatawa. Magkatrabaho silang magkapatid sa sarili nilang kumpanya-si Dale bilang pilot at si Dani naman bilang flight attendant. Out of curiosity, tinanong ko siya kung bakit nandito siya sa parehong hotel. Akala ko nagbabakasyon lang sila ng family niya, pero hindi ko inasahan ang sagot niya. "To marry someone. I mean, Mom told me na may ipapakilala daw sa akin na guy to marry," casual niyang sabi na parang wala lang. Halos mabitawan ko ang hawak kong plato. "Wow, that's... unexpected. Congrats in advance, I guess," sabi ko, pilit pinapanatili ang poker face habang kinakamayan siya. Ngumiti siya pero halatang may halo ding pag-aalinlangan. "Thanks, I guess? Let's see kung anong mangyayari," sagot niya bago umalis para bumalik sa table nila. Hindi ko alam kung matatawa o maaawa sa sinabi niya. Arranged marriage? Sa panahong ito? Pagkatapos naming mag-usap, bumalik na rin ako sa table namin kasama ang mga kasama ko. Habang kumakain, hindi ko maiwasang mapaisip. Ang daming nangyayari sa hotel na ito ngayong gabi-may program, may mga bigating bisita, at apparently, may matchmaking din. Mukhang magiging interesting ang gabing ito. --- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Hindi ko maintindihan, pero bakit parang kinakabahan ako? Habang papalapit kami sa hotel, pakiramdam ko ay nanlalamig ang mga palad ko. Sinabi ni Dr.Blaire na "simpleng handaan" lang daw ito, pero sa laki ng Hotel at sa dami ng tao, parang mahirap paniwalaan. Mala-victory party daw bilang pasasalamat para sa matagumpay na Medical Mission, pero bakit ganito ka-formal nang vibes? Pagdating namin, hindi pa agad kami pinababa ng sasakyan. Kailangan daw hintayin ang staff na magbubukas ng pintuan, kaya naghintay pa kami ng ilang minuto bago kami nakababa. Kasama namin nina Riley at Dr. Blaire sina Mama at ang kapatid kong si Faith. Naiwan namin ang mga bata at si Ate Lucy sa bahay dahil antok na antok na daw sila. Ayoko na rin silang pilitin. Pagkapasok namin, kitang-kita ang pagkagulat ni Faith. Kapit na kapit siya sa braso ko habang lumilinga sa paligid. "Ate, ano ba tong pinuntahan natin? Napaka-gara naman dito. First time kong makapasok sa ganito kalaking bahay." Napangiti ako sa inosenteng tanong niya. Bago pa man ako makasagot, sumabat na si Riley. "Ano ka ba, Faith? Hindi bahay ang tawag dito. Hotel. Hotel ang tawag sa ganitong lugar." Sabay kindat niya kay Faith, na mukhang hindi pa rin sigurado kung tama ba ang narinig niya base kasi sa reaksyon niya . Habang naglalakad kami papasok, todo alalay din ako kay Mama. Alam kong hindi siya sanay sa ganitong klaseng environment, lalo na't pakiramdam ko, pinagtitinginan kami ng ibang bisita. "Monica, tingnan mo. Ang lalaki ng chandelier. Nakakasilaw. Ang yaman naman ng may-ari nito," bulong ni Mama habang mahigpit ang hawak sa braso ko. Napangiti ako. " Oo nga po ma. Ganyan din ang nasabi namin ni Riley ng unang beses kaming dinala dito ni Dr. Blaire."Habang naglalakad kami papunta sa ballroom, panay ang tanaw ko sa paligid. Grabe, sobrang sosyal. Nakapila pa ang mga waiter na naka-coat and tie habang hawak ang trays ng champagne. Pagdating namin sa loob ng ballroom, mas lalo akong namangha. Ang laki ng lugar at punong-puno ng tao. May tumutugtog na banda sa isang sulok, at may mga magagarang mesa na nakaayos. Mukhang high-profile ang mga bisita, base na rin sa mga suot nila-lahat naka-gown at tuxedo. --- "Magandang gabi po sa lahat, mga Nurses at Doctors ng iba't ibang hospital sa buong bansa. Nais naming iparating ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong walang sawang pag-sisilbi at pagtulong. Ang misyon na ito, na makapagbigay at magdulot ng kasiyahan at ginhawa para sa ating mga kababayan, ay naging matagumpay dahil sa inyong lahat. Palakpakan po natin ang bawat isa!" At ang buong lugar ay sumalubong ng malalakas na palakpak, isang tanda ng pagpapahalaga sa bawat sakripisyo at dedikasyon. "Manatili ho sana tayong nakatayo," patuloy na wika ng nagsalita, "dahil may isang mahalagang anunsyo po kami para sa lahat ng Nurses, Doctors, at mga empleyado ng St. Rose Hospital. Ang announcement po na ito ay isang pagkilala sa inyong mga kontribusyon at dedikasyon." Tahimik na at pansin ko ang biglaang pagbabago sa atmosphere-parang may matinding pahayag na mangyayari, at lahat ay tila nag-aabang kung ano nga ba ang susunod. Ang mga mata ng mga tao ay nakatuon sa harap, abot ang pagka-curious sa kanilang mga mukha. --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Ang lahat ng tao ay tumayo mula sa kanilang mga upuan. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang curiosity at excitement kung ano nga ba ang mahalagang anunsyo ng mga De Guzman. Base sa mga bulong-bulongan na naririnig ko, mukhang si Mr. De Guzman na mismo ang magta-turnover ng pagiging CEO ng St. Rose Medical Hospital sa anak niyang si Dr. Blaire. Samantala, hindi ko kayang palampasin ang pagkakataong ito kaya inutusan ko ang assistant ko na mag-cover ng event gamit ang video camera namin. At least, may souvenir kami pagbalik namin sa Maynila. "Everybody, please welcome the new CEO of St. Rose Medical Hospital. Ang unico hijo ng mag-asawang Olivia at Dr. Benjamin De Guzman... Please welcome the new Chief Executive Officer, Dr. Blaire De Guzman." At sabay-sabay silang pumalakpak, binigyan ng standing ovation ang bagong CEO. Alam ko na! Hindi na bago sa akin ang mga ganitong klaseng event, kaya naman nakatayo na ako at masiglang nagpalakpak para sa bagong CEO. Pero sandali... Tama ba ang nakikita ko? "Monica??" Napahinto ako sa pagpalakpak nang makita ko siya-kasama si Dr. Blaire. WTF! Nagkatinginan kami ni Dr. Charles, parehong hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Tinitigan ko siya at nakita ko rin ang reaksyon sa mata niya-pareho kaming shocked at confused. No way! May kutob na ako sa kung anong pwedeng mangyari dito. Hindi ko alam kung anong eksena ang magaganap, pero sigurado ako, hindi ito magiging ordinaryong gabing ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD