CHAPTER 6 – THE UNCONDITIONAL LOVE
---
Monica left speechless after that kiss from Miguel. Tumutulo ang luha nito nang maabutan ito ni Riley. Hindi naman ito umiimik sa kanyang kaibigan at nag aya na itong umuwi. At habang sila ay naglalakad ay tila wala sa sarili si Monica at patuloy pa din sa pag iyak.
Wala namang kaalam alam ang mga ito na nasa may gilid lang sina Miguel dahil nag aabang ito ng kanilang service pauwi ng hotel. Nasaksihan ng mga ito ang naging resulta sa ginawa niya kay Monica. Tila nakaramdam ng konsensiya si Miguel at tila pinagsisisihan ang kanyang ginawa.
---
LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV
Tahimik kaming naghihintay ni Jeric ng shuttle bus pabalik sa hotel nang mapansin niyang naghahanap ng masasakyan sina Monica at ang lalaking kasama niya. Ako? Nakatulala lang, masyadong abala sa iniisip. Pero nang makita ko ang kalagayan ni Monica, para akong sinampal ng guilt. She looked so lost, patuloy na umiiyak habang yakap-yakap ang sarili.
Fck.* Mukhang mali ang ginawa ko. Ang intention ko lang naman ay makausap siya, pero sa halip, parang lalo ko siyang tinakot. Hindi ko alam kung dahil sa pagbabanta ko o sa intensity ng approach ko, pero halata naman sa reaksyon niya na nasaktan siya.
Napalunok ako. Desperado ka na, Miguel. Alam kong mali ang naging diskarte ko, pero wala nang ibang pumapasok sa utak ko kanina. Pero siguro, kung naging mas kalmado ako... baka iba ang resulta.
"Ahh, f*ck," bulong ko sa sarili habang napapahilot ng sintido. Bakit ba kasi ganito? Pagdating kay Monica, parang nawawalan ako ng tamang pag-iisip. I always end up doing something impulsive—stupid, even. Kaya lalong lumalayo ang loob niya sa akin.
Pero kahit ganito, hindi ako susuko. Alam kong may pag-asa pa. Alam kong balang araw, babalik siya sa akin—kasama ang mga anak namin.
Samantala, nakasakay na sina Monica sa taxi, and just as they left, dumating naman ang service namin. Habang nasa biyahe, sinimulan ni Jeric magkwento tungkol sa "asawa" daw ni Monica. Parang may napansin siyang kakaiba dito. His hunch got me curious.
"Condiments," sabi niya bigla.
Napakunot ang noo ko. "What the f*ck? Anong condiments? Ano siya—betchin? Toyo? Suka? Jeric, lately parang niloloko mo na 'ko ah. Gusto mo talagang bawiin ko si Georgina sayo, ano?" pananakot ko habang pilit pinipigil ang tawa.
Napalingon siya sa akin, nanlaki ang mata. Halos hindi maipinta ang mukha niya sa kaba.
"Hala, boss! Huwag naman ganun! Akin lang si Georgina! Hindi ko pa nga siya masyadong nagagamit, eh. Ayoko pang malosyang agad!" halos may pagsusumamo niyang sagot.
Si Georgina—ang big bike na niregalo ko sa kanya. Georgina ang pinangalan niya. Syempre, biro lang yung banta ko. Hindi naman ako nagbabawi ng regalo.
Nagpatuloy ang kwento niya, and that's when he explained. Kaya raw niya nasabing "condiments" ang "asawa" ni Monica, dahil parang isang "paminta." Hindi ko agad na-gets hanggang i-explain niya nang maayos.
So "paminta" pala ang tawag sa mga gay or bisexual men na nagpapanggap na straight. Another new term learned, thanks to Jeric. Palagi kasi itong babad sa social media, kaya madalas siyang updated sa ganitong salita. Kaya talagang hindi ako nagkamali na siya ang ginawa kong assistant.
Nagkwento pa siya tungkol sa interaction niya sa lalaki. Apparently, bago pa ang nangyari sa CR kanina sa amin ni Monica, may encounter na silang tatlo sa tent.
"Boss, hawak po kasi ni Madam Monica yung ID mo, kaya kinuha ko. Pinalabas ko silang dalawa," kwento niya, sabay buntong-hininga.
"Eh, nung palabas na sila, akala ko dadampi yung labi niya sa akin, boss! Magka-height lang kasi kami. Hindi naman masikip ang daanan, pero nung siya na ang lalabas, parang sinadya niya akong i-corner. Nakatingin pa siya sa mata ko! 'Di ko na mausog sarili ko dahil sagad na ako sa pwesto," kwento ni Jeric, may halong pang-arte. Ang hirap pigilan ang tawa ko, kasi ramdam ko ang pagka-bad trip niya.
Nainiimagine ko ang naging eksena nila. "Tapos, anong ginawa mo?" curious kong tanong habang natatawa pa din.
"Hinamon ko ng suntukan, syempre!" sagot niya, medyo naiiritang naaalala ang nangyari. "Eh 'tong loko, pumalag—pero hindi sa suntukan."
"Oh, saan?" tanong ko, todo pigil na sa tawa.
"Pumalag sa pakikipagtitigan!" Sabay kamot ng ulo, hindi mawari ang hitsura. Natawa naman ako nang malakas. Ramdam na ramdam ko ang pagka-bwisit niya sa kwento.
Tinutukso ko siya matapos ng kwento. Kaya pala hindi sinaklolohan ng "asawa" niyang peke si Monica kasi nakipagkwentuhan lang naman pala kay Jeric. Kaya naman ako sobrang bumilib sa kanya.
"Syempre, nakipagbati na muna ako sa kanya. Nilapitan ko siya kasi balak na niyang buksan yung pinto ng restroom pang babae, pero napigilan ko. Nilapitan ko siya sa lugar na medyo malayo sa restroom. Tapos dun kami nagpalitan ng follows sa Instagr@m, tapos friend na din kami sa F@cebook." Sabi niya habang nakangiti.
Di ko napigilang asarin siya. "WTF, Jeric. What if type ka nga din nung lalaking yun? I mean, base sa kwento mo, bro, hindi malabo na ganun nga. Baka may 'something' na yan sayo."
Natawa naman si Jeric. "Boss, straight ako. Although ayoko magsalita ng tapos, pero hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na magkarelasyon ng same s*x. Tsaka boss, kung magiging gay lang din ako..." Napatingin siya sa akin ng malagkit.
"Goddamn, you creep! Umalis ka sa tabi ko, Jeric!" sigaw ko, natatawa habang bahagyang tumatayo ang balahibo ko.
Jeric just laughed with me, clearly enjoying my reaction. Sa totoo lang, kahit sa gitna ng tension, Jeric always found a way to lighten the mood—and for that, I'm grateful.
---
Samantala...
GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV
I was out of my mind, walang tigil sa pag-iyak hanggang sa makarating kami ni Riley sa bahay. Panay ang sorry niya dahil sa guilt na hindi niya agad ako nasaklolohan kanina. Nai-share ko na rin kasi sa kanya yung nangyari sa amin ni Miguel, pati na ang mga banta nito. She looked so concerned, kaya nag-decide siyang samahan ako sa bahay, at least for tonight.
Pagbukas ko ng pinto, bumungad agad sa akin ang tatlo kong anak, masayang naglalaro sa sala. Napalitan ng matinding emosyon ang lahat ng pagod at takot na nararamdaman ko nang makita silang puno ng saya. Hindi ko napigilan ang maiyak ulit.
Parang nag-slow motion ang paligid nang tumakbo silang tatlo papunta sa akin.
"Mommyyyyy!" sabay-sabay na sigaw ng tatlo kong anak, halos magtatalon sa galak habang papalapit sa akin.
My heart melted. I knelt to hug them, tears streaming uncontrollably. Ang saya nila, pero ako? Punong-puno ng takot at guilt.
"Aww, why are you crying, Mom?" tanong ni Alison, ang nag-iisa kong anak na babae, habang pinupunasan niya ang pisngi ko. Napangiti ako kahit basang-basa ng luha ang mukha ko.
"Mommy's just happy to see the three of you," sabi ko, pero ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko. "Mahal na mahal ko kayo, mga anak. Promise me, kahit anong mangyari, you'll always stay with me, ha?"
Biglang nalungkot ang tatlo, tapos isa-isa silang yumakap nang mas mahigpit. Halos sabay pa silang nagsabi ng "Yes, Mommy," habang umiiyak na rin.
"Ayy, ano ba naman 'yang ginagawa niyo? Akala ko baha lang ang issue dito sa lugar natin, pero mukhang pababahaing muli ng mga luha niyo ang bahay na 'to!" biro ni Mama, sabay lapit sa amin.
Napatawa naman ang tatlo kong anak. "Grandma, you're so funny po!" sabi ni Alison habang hinahaplos ang buhok ng lola niya.
"'Di ba sabi ko sa inyo, bawal umiiyak? Nakakapangit! Pero sige, bibigyan ko kayo ng free pass ngayon kasi cute kayong tatlo." Biniro pa ni Mama si Alison, at binuhat niya ito. Napansin ko, lahat kami biglang tumahan. Nakagaan sa puso ko yung saya nilang tatlo at ang effortless na pag-aalaga ni Mama.
Natigil din ang drama namin eventually. Napuno ulit ng tawanan ang bahay, lalo na nang sabay-sabay kaming kumain. Kasama namin si Riley, ang kapatid kong si Faith, at si Ate Lucy, ang all-around helper namin sa bahay. Typical na family dinner lang sana, pero dahil na rin sa natural na pagiging makulit ng mga tao sa paligid ko, naging comedy show ang gabi.
"Ate Lucy, alam mo bang naglalaway si Dr. Charles sa'yo kanina? Jusko po, anong gayuma ang ginamit mo? Sabihin mo na, baka kailanganin ko rin!" biro ni Riley habang naghihigop ng sabaw. Napahagalpak kami sa tawa, lalo na nang mag-panic si Ate Lucy.
"Hoy Riley, tumigil ka diyan! Baka kung ano na namang pakulo mo, ha!" sagot ni Ate Lucy, pero hindi na rin napigilang tumawa.
Hindi rin nakatakas si Mama sa asaran. "Hoy, mga anak, huwag niyo nang pag-agawan si Charles. Alam niyo bang akin na siya? Eto, oh! May selfie pa kami kanina!" sabay pakita niya ng litrato nila ni Kuya sa phone niya.
Nagtilian kami ni Faith. "Panalo ka, Mama! Ikaw na talaga!" sabi ko habang tumatawa nang walang tigil. Halos maiyak na ako sa kakatawa, lalo na nang mag-pretend si Riley na nagbigay kay Mama ng "crown."
"Mama, eto na po ang korona. Ikaw na ang reyna ng puso ni Dr. Charles! Aminado na talo na kami sa laban na ito!" biro niya.
Napahampas na lang ako sa mesa. Sobrang saya ng moment na 'yun. Sa totoo lang, kahit saglit, nalimutan ko lahat ng problema ko. Mga ganitong pagkakataon ang nagpaparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Sa kabila ng lahat, meron pa rin akong pamilya at mga kaibigang laging nandiyan para sa akin.
---
Pagkatapos naming kumain, umakyat na ako sa taas para patulugin ang mga bata. Namiss ko talaga ang ganitong pagkakataon—ang makatabi sila sa pagtulog at pagmasdan ang kanilang mga inosenteng mukha habang mahimbing na natutulog. Iba ang dulot na ligaya nito sa akin; parang lahat ng bigat sa mundo ay naglalaho tuwing nakikita ko sila.
Habang yakap-yakap ko ang tatlo, unti-unting bumalik sa alaala ko ang lahat ng pinagdaanan ko noong pinagbubuntis ko sila. Ang dami kong natutunan sa buhay—natutunan kong maging matapang sa kabila ng lahat, maging responsable kahit na pakiramdam ko'y mag-isa akong lumalaban, at higit sa lahat, natutunan kong muling sumaya.
Ang mga anak ko ang nagsilbing ilaw ko sa panahon ng dilim. Noong panahong halos sukuan ko na ang buhay dahil sa dami ng hirap at lungkot, sila ang naging dahilan ko para bumangon at lumaban muli.
Naaalala ko pa noong una ko silang nasilayan—parang tumigil ang mundo. Totoo nga ang kasabihan na ang anak mo ang magiging lakas mo. Lahat ng pagod, lahat ng sakit at paghihirap, parang balewala kapag nakikita ko ang kanilang matatamis na ngiti. Sa bawat yakap nila, nawawala ang lahat ng pangamba. Kaya kahit anong hirap, alam kong kayang-kaya ko basta kasama ko sila.
Napansin ko na lang na pumatak na ang luha ko.
Hindi ko talaga kayang hindi maging emosyonal pagdating sa mga anak ko. Sobrang babaw ng luha ko pag sila na ang usapan ang pinakamahalagang yaman ko. kaya't talagang nasaktan ako sa mga pagbabanta ni Miguel. Kasi hindi ko kayang mawala sila. Kaya muling bumalik ang takot sa puso ko.
Mahigpit ko silang niyakap at hinagkan isa-isa. "Mahal na mahal kayo ni Mommy," bulong ko habang pinupunasan ang mga luha ko.
Tahimik akong nagdasal sa isip ko, hinihiling na sana ay bigyan ako ng lakas na harapin ang lahat ng hamon. Para sa kanila. Para sa kaligayahan nila. Hinding-hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa mga anak ko.
---
Halos makatulog na ako nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto namin. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at binuksan ang pinto.
Nagulat ako nang makita ko si Mama Emma, kasama si Riley, na may mga bitbit na kape para sa aming tatlo. Agad ko silang pinatuloy at pinaupo sa sala ng kwarto namin.
Gusto lang daw makipag-chikahan ni Mama, kasi parang hindi pa daw sila dapuan ng antok.
Kinamusta naman ni Mama ang mga araw namin sa hospital dahil dalawang araw din kaming hindi nakauwi dahil sa baha. Naikwento namin ni Riley na pareho kaming nahirapan makatulog doon, kasi unang-una, namamahay kami, at pangalawa, sino ba naman ang makakatulog kung maya't maya ay naririnig mong may mga yapak ng tao at iyakan tuwing madaling araw? Sobrang creepy talaga sa hospital, kahit na bukas ang ilaw, wala pa rin silang pake, patuloy pa rin ang pagpaparamdam.
Kaya sobrang saya namin nang mabalitaan namin na humupa na kahit papaano ang baha dito sa lugar namin. Yun nga lang, mataas pa rin ang baha sa area nina Riley, kaya dito siya makiki-sleepover.
Hanggang sa mapunta sa seryosohan ang usapan namin, natanong ni Mama ang nangyari kanina tungkol kay Kuya Charles. Namangha siya na makisig pala si Kuya at isa pa pala siyang doctor.
"Ang gaganda pala ng lahi ninyo, anak. Artistahin ang mukha ng Kuya mo eh, kaya siguro ang haba ng pila sa booth, dahil sa dalawang doctor na nandun. Kilig na kilig ang mga Mommies," nakangiting sabi ni Mama.
"Opo, Mama. Diba nakwento ko na may kapatid ako? Yun nga lang, madalang na kami magkita kasi alam mo naman, kapag doctor, hectic ang sched. Lalo na siya, halos sa hospital na tumira," sagot ko. Namangha nga sila. Bukod sa gwapo, tapat pa sa paglilingkod.
"So, paano yan, anak? Andyan na ang Kuya mo, edi sasama ka na pauwi sa kanya?" tanong ni Mama, pero ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
Napabuntong hininga na lang ako. "Hayy, Mama." Sabay hawak ko sa kamay niya. "Hindi naman po porket natagpuan na ako ni Kuya, ibig sabihin ay sasama na ako sa kanya. Ma, hinding-hindi ko po kayo ipagpapalit. Tsaka diba? Hindi naman ako pwedeng umuwi kasi baka mapatay lang ako ni Mommy pag nagkataon. Gusto mo ba yun?" sabay biro ko.
"Sa tingin mo ba magagawa 'yan ng Mommy mo? Nanay din ako, anak. Siguro yung naging reaksyon niya nung nalaman niyang buntis ka, dala lang ng bugso ng damdamin, kasi diba, magkokolehiyo ka pa lang nun? Siguro para sa kanya may kaunting pagkadismaya. Pero isa lang ang sinisigurado ko, magbabago yang lahat ng pananaw niya sa 'yo once na makita na niya ang mga apo niya." Nakangiting sabi ni Mama.
Napaisip ako bigla sa sinabi ni Mama. Pero tuwing naaalala ko ang mga sinabi ni Mommy noon, parang naiisip ko na wag na lang. Magkaiba naman kasi sila ni Mama Emma. Si Mommy nga, ni-handa akong itakwil nung malaman niyang na buntis ako noon.
"Kaya nga girl, malay mo, napatakan na ng kaunting kabaitan ang Mommy mo," hirit naman ni Riley.
"Jusko girl, bakit naman 'patak' lang? Sana naman binuhusan na para umepek," sabay apir kami sa kalokohan namin.
Maigi na lang na nandiyan si Riley. Kung hindi, baka mag-iiyakan na kami ni Mama rito. At least may taga-balanse ng emosyon namin.
"Pero ikaw, Ma, matanong lang kita, kasi curious ako. Paano kung isang araw malaman mong buntis si Faith, anong gagawin mo?" seryosong tanong ni Riley kay Mama, sabay higop ng mainit na kape.
Bigla namang sumama ang tingin ni Mama kay Riley at kamuntikan niyang mabuga ang iniinom na kape. "Grabe naman ang tingin na yan, Ma! Tanong lang naman po. Tsaka wag kang mag-alala, napakabait ng anak mo. Alam kong magtatapos muna yan bago kumeme. Tsaka bantay-sarado namin yan, diba sis?"
At talagang dinamay pa ako...
"Naku, dapat lang. Magtapos na muna dahil sa hirap ng buhay. Pero syempre, knocks on wood, kung dumating man ang araw na mabuntis siya, magagalit ako, syempre, bilang nanay niya. Pero yun nga, gaya ng sinabi ko kay Monica, sa una lang naman 'yan na reaksyon ng magulang sa anak. Kasi hindi biro ang maging ina, kaya papaalalahanan ko siya, tapos tuturuan ko siya ng mga bagay na dapat niyang malaman. Pareho sa pag-gabay ko kay Monica kasi first-time mom eh." Sabay yakap sa amin pagkatapos ng sagot niya.
Sobrang swerte ni Faith sa Mama niya, kasi may isang Ina na sobrang lawak ng pang-unawa. Hay... Mapapa-sana all ka na lang talaga.
---