Chapter 24
As I look into those amazing green eyes. Sana ay manahin ng anak ko ang kulay ng mata ng kaniyang tatay.
Anong ginagawa niya dito...?
"What are you doing here?" Agad na tanong ko, naka-tingin lang siya sa akin.
He touch my arm, "Don't touch me..."I yell. jerking my arm away.
"Have you been crying?" He asks. his tone curious.
"You're beautiful." he said at ngumiti pa. Ang gulo ng buhok niya at amoy alak pa siya. But he is still handsome in my eyes.
"You're drunk." I said.
"Yes, I'm drunk. And you're beautiful." He chuckled." And tomorrow morning, i'll be sober but you'll still be beautiful." Kahit na lasing siya nagawa niya pa akong purihin at lambingin.
"Ano bang kailangan mo, Kerzen?"Tiningnan niya ako at ngumiti. Ang pungay ng mga mata niya.
"You, hindi ba halata?" He licked his lower lip. revealing its curve and redness.
"Just leave me alone..." He moves in front of me. his tall frame blocking my movements.
"Please, I am begging you wife. Please come back to me." Lumabas ang luha mula sa kaniyang mga mata.
I'm sorry Kerzen...
Pinipigilan ko ang sarili kung hindi maiyak. Ngayon ko lang nakikitang nagkakaganito si Kerzen. I'm so bad.
"I'm sorry, i just need to be alone."I don't care if he hears the embarrasment and desperation in my voice. I just need to be alone by him.
Tumalikod na ako at papasok na sa loob.
"Hindi ako nagsisisi na hindi ka hanapin. Kahit kailan ay hindi ko pag sisihan 'yon." Tumulo ang mga luha ko nang marinig ko iyon mula sa kaniya.
Fuck it!
"Kasi sa una palang ay ayaw mo na sa akin. Great!" Nakatalikod parin ako.
"Isipin mo na ang gusto mong isipin. Pero hindi ko talaga pagsisihan 'yon."Gusto ko siyang sampalin. Ipapa-mukha niya pa sa akin iyon?
"Papayagan kitang lumayo pero limitado iyon. Isang taon lang at pagka-tapos ay akin kana. Sa akin kana uuwe. Pag lumagpas 'yon kakaladkarin kita pabalik sa akin. At kung may lalake kang kasama i swear to god! Papatayin ko siya."Nalag-lag ang panga ko sa sinabi niya. What the!
Humarap ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.
"Are you serious?" He raises his brow.
"Yeah!"Anito.
"Hintayin mo ang annulment paper bukas at after wala ka nang magagawa sa kung anong gusto kung mangyare sa buha--"
"Wag mong idamay ang magiging anak ko."
"Wag mo akong subukan Quinzel." Mariin niyang sabi.
"Hindi mo hawak ang buhay ko. Malaya kung gagawin ang gusto ko na wala ang permisyo mo. Magtatagal ako kung gusto ko. Wala kang magagawa Kerzen!"
Ngumisi siya ng nakakaloko. "You're mine. Your soul, your body. Lahat-lahat Quinzel sa akin." Pagka-tapos ay tinalikuran na niya akong nakanganga at sumakay siya sa mustang niya. Tangina!
"f**k YOU! f**k YOU!" Dumungaw siya mula sa sasakyan niya at naka-ngiti siyang tiningnan ako.
"Kung hindi kalang buntis ginawa ko na." He said at tumawa pa siya bago paandarin ang kotse niya at iniwan akong naka-nganga. Tangina mo talaga! Arggh!
KINABUKASAN ay dumating na ang annulment paper at pinirmahan ko na 'to. Umiyak pa ako habang pinirmahan iyon. Mahal na mahal ko siya pero kailangan ko siyang pakawalan.
At mabilis pa sa alas kwatro dumating na ang annulment paper na pinadala ko sa mansion niya at ang walang hiya talagang hindi ako mahal pinirmahan niya talaga.
Nag-drama nanaman ako dun. s**t! Mabuti nalang at strong si baby kaya wala namang nangyayare sa aking masama. s**t!
And by the way naka-usap ko na ang mga magulang ko about this. Pumayag din silang pansamantala akong aalis at maninirahan sa ibang bansa. And napag-planuhan ko na sa Canada nalang ako mamalagi. At dun ko isisilang anak ko.
At bukas na ang alis ko going to canada. Sana hindi ako magsisisi sa disisyon kung ito?
At kung kami talaga ni Kerzen. Kami talaga. Alam ko na sa sarili ko na hinding-hindi ko siya makakalimutan. Pero gusto ko lang bigyan ang sarili ko nang space. Alam ko pagka-tapos ng lahat ng 'to siya parin.
Hindi ko alam kung siya rin ba? Kasi alam ko naman na hindi talaga ako minahal ni Kerzen. Bwesit na iyon binuntis pa ako.
Pero masaya ako kasi hindi ko nga siya nakuha atleast nabigyan niya ako ng regalo. Pasalamat nalang ako kasi binigyan niya ako ng lahi nila. Tch! Mag-iinarte paba ako?
"Ano totoo hindi kana ba talaga aatras sa mga desisyon mo?" Tanong ni Tamara sa akin.
Actually nandito ako sa condo niya. Si Ivo lang talaga hindi ko nakita kasi sabi ni Tamara na sa ibang bansa daw siya pagka-tapos kung mawala.
"Wala ng atrasan 'to Tamara." Sagot ko.
"Tch! Buntis ka pa naman tapos magta-travel ka?" She asks. Actually malakas naman daw kapit ng baby sa sinapupunan ko at pwede naman daw ako mag travel.
"Pwede naman daw. Nagpa-check up na ako."
"Okay, basta ingat ka lage sa canada tapos tawag ka sa akin pag may masakit sa'yo." Aniya.
"Oo naman."
"Matulog kana maaga kapa bukas. Wag mo na rin iistress-in ang sarili mo. Baka mag-mukhang kulugo ang inaanak ko. Tch!"
Tumawa nalang ako sa sinabi niya. Hindi magmumukhang kulugo ang magiging anak namin ni Kerzen. Alam kung mamana niya ang mukha ng tatay niya.
Tumunog ang cellphone ko at tiningnan ko 'to ng mabilis.
Unknown number?
'Be carefull. Te amo,'
Parang kiniliti ang puso ko ng mabasa ko ang mensahe. Alam ko na kay Kerzen 'to nanggaling. Sa Te amo palang ay alam ko na.
Ini-open ko ang pangalawang message.
'I miss you...'
Putakte! Kinikilig ako punyemas.
Binuksan ko ang pangatlong mensahe.
'I need you..'
Pinatay ko ang cellphone ko. Ayokong sundin ang ninanais ng puso ko,
"Who is that?" Tanong ni Tamara habang naka-tingin sa akin. Nasa sofa kami at nanonood ng paboritong palabas ni Tamara gabi-gabi,
"Hmm. I dunno. Unknown number e." I said at nginitian siya. Ayokong sabihin na si Kerzen iyon kasi panigurado siya nanaman ang topic niya.
"Okay, hindi kapaba antok?" She aks.
"Actually antok na. Mauna na ako matulog." Paalam ko. Tumango lang siya.
Pagka-pasok ko sa kwarto ay deretso akong humiga sa malambot na kama. Palaging nagpa-flashback sa utak ko ang mukha ni Kerzen. Kung paano siya magmakaawa sa akin, kung paano siya umiyak, masama na ba ako nun?
"I hate myself..."
TO BE CONTINUED....