Chapter 23
"Why would i kissed you?"
"Because you love me." Ani Kerzen at ngumisi.
I rolled my eyes at tinaasan siya ng kilay. He chuckle.
"You're so cute." Tch! Hindi mo ako mapapayag sa mga sinasabi mo. Tch!
"I know matagal na. Kaya manahimik ka diyan." Maslalo siyang ngumisi habang naka-tingin sa akin. Tapos kinindatan niya ako. Tae!
"Sira ba 'yang mata mo? Tch!"
"Bakit ang sungit mo sa akin?" Nagtanong kapa! Alam mo kung bakit ganito ako. Nagtatampo ako sa 'yo.
"At bakit kinakausap mo ako, hindi ba may Angela kana?" Sarkasmo kung tanong.
"Are you jealous?"
"At bakit ako magseselos? Gwapo kaba?" Nakakainis talaga. Bakit hindi nalang niya ako lambingin ngayon? Iniinis pa niya ako lalo.
"Yeah! I'm handsome. Katunayan niyan pati suka namumula. At wala pa akong ginagawa sa lagay na 'yon kinikilig na sila. Siguro pag nagpa-kilig ako pati toyo mamumula rin?" Ang hangin ng asawa ko.
"Manahimik kana riyan at baka lumipad 'tong sasakyan mo at pareho tayong mamatay sa kahanginan mo. Gusto ko pang isilang 'tong anak ko no!"
"Ilang months na pala 'yan?" Sabay tingin niya sa tiyan ko. Sumipa bigla ang anak ko. Siguro tinitigan din niya ang ama niyang mahangin?
"Bakit gusto mong malaman?"
"Kasi ako ang tatay. Gusto ko malaman para naman maka-pag prepair ako kung sakaling manganak ka." Parang kiniliti ang puso ko sa sinabi niya. Gusto kung umiyak dahil sa kilig na nararamdaman. s**t!
Marupok ka self!
"Hindi nga kasi ikaw ang tat--"
"I'm hurting sa kakadeney mo na hindi sa akin 'yan. Nasasaktan ako." Parang may bumara sa lalamunan niya nang sabihin niya ang katagang 'yon.
Parang ako 'yong nasaktan sa kaniya. Nangilid ang luha ko at yumuko.
"I'm sorry kung nasasaktan kita. Pero mas nasasaktan ako Kerzen." Humikbi ako sa part na 'yon. Ang sakit ng puso ko.
Ganito ba talaga pag buntis emosyunal? Kahit maliit lang na bagay nasasaktan na?
"Ang sakit Kerzen. Sinasaktan mo rin ako Kerzen." Patuloy ko habang hindi naka-tingin sa kaniya.
"I'm sorry..."
"Sa loob ng pitong buwan na 'yon Kerzen wala ka. Feeling ko hindi mo talaga ako hinanap para lang bumalik sa pagiging model, kasi pag wala ako babalik kana sa pag momodel mo."
"No! Hinanap kita. Believe me wife."
Maliit lang ang pilipinas hindi pa niya ako nahanap. Bakit hindi niya ginamit ang pagiging sikat niya para mahanap ako? Mayaman ang asawa ko at alam kung isang tawag lang niya sa mga tauhan niya mahahanap na ako.
"Hahaha! Ganun ba kalaki ang pililinas at isang tulad ko hindi mahanap? Samantala ako palagi kitang nakikita sa Tv na naglalampungan sa harap ng camera ke sa hanapin ako." Tiningnan ko siya ng masama. Lahat-lahat ng 'yong hindi ko makakalimutan. At nasasaktan ako ngayon.
"Wife..."
"Ganun ba kahirap Kerzen manawagan sa Tv para mahanap ako? Ni pangalan ko wala akong marinig mula sa bibig mo. Nakaka-tangina Kerzen. Kung talagang desidido kang mahanap ako isang banggit mo lang sa pangalan at picture ko mahahanap na ako! Pero wala."
"I'm sorry...i'm sorry wife." Tiningnan ko siya sa mga mata.
"Saan ang pagmamahal do'n Kerzen?" Patuloy parin sa pagpatak ang mga luha ko. Ang sakit lang kasing isipin.
Nung una ko siyang makita hindi ko sana isusumbat 'to at kaya kung intindihin ang lahat. Kaya ko siyang patawarin. Ganun ko siya ka mahal. Mahal na mahal ko siya pero parang hindi parin ako sapat sa kaniya.
"Believe me. Mahal na mahal ki--"
"Where's the f*****g love Kerzen? I can't see it," Tumawa ako ng mapakla." Wala kang bayag Kerzen. Nahihiya kang ipakilala ako sa publiko kasi wala naman talaga akong kwenta! Ang daling hanapin ako Kerzen. Pangalan ko lang at litrato Kerzen. Pero hindi mo magawa kasi mas mahal mo ang career mo. Kaya 'yan career mo nalang ang asawahin mo at wag na wag mo akong lapitan. Dahil tatapusin ko na ang lahat-lahat kung ano man ang pesteng namamagitan sa atin." Lumabas ako ng kotse niya habang umiiyak parin.
Narealize ko na maslalo akong nasasaktan pag ipag-papatuloy ko parin ang sinimulan ko. This time bibigyan ko naman ang halaga ang sarili ko. At isa pa hindi mag tatagal ay isisilang ko na 'tong anak ko.
"Wife please, don't do this to me. Ayokong mawala ka sa akin ulit. Please, mahal na mahal kota Quinzel. Kaya kung i give up kung anong meron ako ngayon babalik kalang sa akin." Nagulat ako ng lumuhod siya sa harap ko.
Tiningnan ko siya. I'm sorry Kerzen buo na ang desisyon ko. Mahal kita pero kailangan ko rin mahalin ang sarili ko.
"Tapusin na natin 'to Kerzen. Please lang. I'm tired. At isa pa ayokong maistress dahil buntis ako."
"Please, just give me another chance. Please i won't hurt you. Please wife hindi ako mabubuhay pag wala k--"
"Nakakatawa ka Kerzen. Nabuhay ka nga nung wala ako e. Nag enjoy kapa kasi finally wala na ako na sagabal sa buhay mo."
"Please let me explain. Please wife." Naka-luhod parin siya.
"Tumayo kana Kerzen. Maslalo akong naiinis sa 'yo."
"Hindi ako tatayo dito hanggat 'di mo ako mapapatawad." Desperado na talaga siya. Alam kung nagiging masama na ako. Pero ayoko na.
"Tumayo ka sabi e! Pinagtitinginan na tayo Kerzen. Hindi kaba natatakot na masira ang Career mo?"
"I don't f*****g care. Just come back to me." Ani Kerzen.
"Buo na ang desisyon ko Kerzen. Hindi na magbabago 'yon Kerzen."
"Don't do this to me. Asawa parin kita Quinzel at may karapatan parin ako sa batang 'yan." Tumayo na siya at nakipag-titigan sa akin. Umiigting ang mga panga niya. Pinunasan niya ang basa niyang mukha gamit ang kamay niya.
"Papeles lang naman ang nagpapatunay na kasal tayo."
"It was just a f*****g paper for you, but damn that paper means alot of me." I'm sorry hindi mo na mababago ang mga desisyon ko. I'm too much hurting.
"Mag file ako ng divorce Kerzen at hintayin mo 'yon. Ipapa-deliver ko nalang sa mansion mo. At tungkol dito sa bata wala kang karapatan dahil pinabayaan mo kaming dalawa." Pagka-tapos kung sabihin 'yon ay tinalikuran ko na siya.
"Don't provoke me Quinzel Aphrodite Alvarez Hidalgo." Nilingon ko siya at nginisian.
"Hindi kaba magiging masaya finally malaya kana? Magagawa mo na ang mga gusto mo? In the first place napipilitan kalang naman na pakasalanan ako. I know everything Kerzen." Nanlumo nanaman ang mukha niya. At f**k naawa ako. Pero tama na muna ang pagiging marupok ko ngayon.
"PAG HIHIWALAYAN MO AKO! MAGPAPAKAMATAY AKO! NARIRINIG MO BA 'YON QUINZEL?"
TO BE CONTINUED.....