Chapter 21

1297 Words
Chapter 21 "NASAAN AKO?" "Gising na siya."Sabi ng isang babae na nasa idad na 40's. Nag-aalala ang mukha niya habang naka-tingin sa akin?  Nakita ko ang sarili ko sa isang salamin na nasa gilid ko. May mga pasa ako sa mukha, may benda narin sa ulo.  "Ano pong nangyare sa akin?" Tanong ko, Nagka-tinginan ang mag asawa sa tanong ko.  "Pasensya na, nabangga ka nang anak namin, at nasa bahay ka namin." Sagot ng ginang sa mga tanong ko.  "At pasensya na talaga kung hindi ka namin na dala kaagad sa hospital dahil ni piso wala kaming pera, kaya dinala kana namin dito sa Bicol upang dito ka nalang gamutin. Pasensya kana talaga sana'y 'di mo kami ipaku--" "Salamat dahil kahit papaano ay tinulungan niyo ako at hindi iniwan. Salamat sa pagpapatuloy sa akin dito sa bahay niyo."Sabi ko at nginitian sila. "Ano ang pangalan mo?"Tanong ng ginang sa akin, sandali akong natahimik upang halungkatin sa utak ko kung ano ang pangalan ko, kung sino ako, at kung saan ako nagmula. Pero ni isang impormasyon ay wala akong nakalap sa utak ko. Anong nangyare sa akin at wala akong maalaala?  "P-pangalan ko?"Naguguluhang tanong ko habang nakatingin sa mag-asawa. Ang ginang ay humikbi sa itsura ko. "Wala siyang maalaala Gimo, Pasensiya na talaga, kasalanan namin 'to dahil hindi ka namin nadala sa hospital." Umiiyak na sabi ng ginang. "Wag kanang umiyak ale, alaala lang ang nawala sa akin hindi ang kaluluwa ko. Nagpapasalamat pa nga ako dahil hindi ako natuluyan, kung okay lang sainyo ay pwede bang pumarito muna ako habang wala pa akong maalaala?" Tanong ko. "Pwedeng-pwede ija, tawagin mo akong tatay Gimo." Sabi ni tatay Gimo. "At ako naman ay tawagin mong nanay Tere. Ang mabuti pa'y kumain kana dahil dalawang buwan nang walang laman niyang tiyan m--" "D-dalawang buwan?" Nagulat na tanong ko. Ganun katagal ako natulog dito?  "Pasensiya na talaga ija." Paunmanhin ni Nanay Tere. "Ano kaba nanay Tere okay lang." Sagot ko," Nanay Tere?" Nahihiyang tawag ko sakanya. "Ano 'yon Tessa?" "T-tessa?" "Yan nalang ang itawag namin sa'yo dahil hindi naman namin alam ang pangalan mo, okay lang ba sa'yo?" Tanong niya habang naka-ngiti. "Ayos lang hehe."  "May kailangan kaba?" Tanong niya sa akin. "Nanay Tere gusto kung kumain ng Santol."Nahihiya kung sabi. Nagkatinginan ang mag-asawa sa sinabi ko.  "Mabuti at may santol sa may likod ng bahay at sakto marami pang bunga."Sabi ni nanay Tere, gusto kung lumundag sa tuwa dahil marami raw na santol sa may likod bahay nila. At tinawag ni Nanay Tere si tatay Gimo upang kuhanan daw ako ng bungang santol. Lumipas ang limang buwan...... "Tessa, wag ka masyado mag pagod baka  makunan ka." Saway ni nanay Tere sa akin.  Five months na ang lumipas at walang naghanap sa akin, at napaka-saya ko dahil kahit walang naghahanap sa akin na pamilya o kung sino mang asawa ko ay may dadating naman sa buhay ko.  I'm seven months pregnant, at mabuti nalang at hindi ako nakunan. Nag patingin narin ako sa doctor dati nung dalawang buwan pa ang pagbubuntis ko. Isang himala dahil hindi daw ako nakunan nung maaksidente ako.  Nasabi ng anak nila nanay Tere na nung araw na mabangga niya ako ay wala daw ako sa sarili nun. Tila umiiyak daw ako.  Siguro ay sinaktan ako ng asawa ko o boyfriend. Sanay bumalik na ang alaala ko dahil ayokong makulong sa madilim na nakaraan. Kung ano man ang dahilan kung bakit ako umiiyak noon ay nakalimutan kuna. Gusto kung makipag usap sa tatay ng anak ko kung sino man siya.  Kaya ko naman buhayin ang anak ko, kaya ko siyang palakihin na walang kinikilalang ama. Pero bago ang lahat ay sana makausap ko manlang ang tatay niya.  "Oo na po nanay." Sagot ko. "Pitong buwan na simula ng maaksidente ka pero wala parin naghahanap sa'yo Tessa." Malungkot na sabi ni nanay Tere. "Bakit ayaw mo na ba akong kupkupin? Sawa ka naba sa akin nanay Tere?" Biro kung tanong. "Hindi na! Matigas kasi ang ulo mo! Kaya tayo lumipat dito sa Cebu upang hindi ka maistress doon sa bicol." Pagbubunganga niya. "Sige na nga behave na ako basta open mo na 'yon TV kasi 'yong idol ko limang araw kunang hindi nakikita!" Sabi ko.  "Iyong Xylem nanaman? Kahit anong gawin mong bata ka! 'di ka magugustuhan nun sus! Magiging ina kana Tessa!"  "Kahit hindi na magpakita ang tatay ni Baby basta si Xylem Kerzen Hidalgo na magiging tatay. Basta pag manganak ako apilyedo niya Hidalgo!"Naka-ngisi kung sabi.  Si Xylem yata ang pinaglihian ko at sana lang ay kamukha siya ng magiging anak ko. Wahh! Ang gwapo kasi niya e!  "Buang kana!"  "Si aleng Tere talaga kontrabida!" Sabat ni Marta na kakapasok lang sa bahay namin. "Oh! Nandito kananaman Marta! Kung ano-ano natutunan ni Tessa sa'yo!" Si Marta ay kaibigan ko, nakilala ko siya simula ng lumipat kami dito sa Cebu."Oh siya! Mag baliwan na kayo diyan sa Xylem niyo! Yawa!" Sabi ni nanay Tera at umalis na. Idol din kaya niya si Xylem kunwari pa siya. Hinarap ko si Marta, "Oh! Ano atin?" Tanong ko. Si Marta nagtatrabaho sa kumpanyang pinagtatrabahuan ni Xylem bilang isang Assistance ng isang actress na si Angela De Carpio.  Dati lang ay isa lang modelo si Xylem at nagulat ang lahat ng mag resign daw dati si Xylem bilang isang modelo at bali-balita ay pinakasal daw 'to. At masnakaka-gulat ay bumalik siya bilang isang actor na!  At kaya naging idol ko siya dahil napapadalas na siya ang laman ng balita, at bilang ako ay hindi ko magawang tanggihan ang kagwapuhan niya. hindi lang siya sikat na actor, dahil isa din siyang pinaka-mayamang negosyante sa buong mundo. "Tess! Makinig ka!" Seryosong sabi ni Marta at 'yong tipong naka-hawak pa siya sa nagka-bilang balikat ko at nakatingin ng seryoso sa mga mata ko! Okay! Sanaol seryoso! "I'm listening, what is it?!"Curious ako hehe! About nanaman kay Xylem 'to. "Tess! Si Xylem pupunta dito sa Cebu para sa bagong opening na mall diyan l--" "WHAT?! WEH?!" "Yawa! Seryoso ako. Kasama nga si miss Angela e!"Sabi niya. Ngumuso ako habang naka-tingin sa kaniya. "Totoo ba 'yong rumors na nagde-date sila ni Xylem?" Tanong ko! Nagseselos ako! Yawa naman oh!  Sino ba naman kasi ako para mapansin niya? Isang babaeng 'di kalaunan ay magiging single mom na, kaya ako hanggang paghanga nalang! Ayokong masaktan,  Tss! "Hmm, siguro. Madalas ko silang nakikitang nag-uusap."  "Kasi may camera sa paligid." Sabi ko. "Nope! Nung last month nga hinatid ni Xylem si miss Angela."  "Oh! Sanaol talaga!"Naka-nguso kung sabi. "Kiddin'." Naka-ngising sabi ni Marta!"Actually hindi, ang sungit ni Xylem sobra! Masungit siya dati pa, pero ngayon super duper masungit! 'Di nga magawang landihin ni miss Angela e!" Nabuhayan ako ng loob hehe. "Ay talaga?"Tiningnan niya ako. "Wag kanang sumubok Tess! Buntis ka pa'no ka papansinin nun! Pero ang swerte nung babae na gusto niya!" "May gusto siya?" Gulat na tanong ko. "Yeah! 'yon nga daw ang dahilan dati kaya siya nag resign as a model. Pero nagulat ang lahat ng bumalik siya. At ang balita lumayas daw 'yong babae! Aba! Nag iinarte pa."Madaldal niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng t***k ng puso ko. Kumirot ng bahagya ang ulo ko dahil sa sinabi ni Marta!  Bakit ganito ang pakiramdam ko?  "Okay kalang ba Tess?!"Tanong ni Marta sa akin.  "Sumakit lang ang ulo ko, pero okay na ako." Sagot ko. "Magpahinga ka muna kaya." Sabi niya.  "Okay lang talaga ako, hmm. Marta basta sama mo ako para makita ko naman si Xylem." Sabi ko. "Sure. Tutulungan kita hehe."  "Salamat." Sabi ko. Umuwe na si Marta at ako naman ay sumasakit ang ulo ko dahil sa mga alaalang nagpa-flashback sa utak ko.  Pinikit ko ang dalawang mata ko, at nakikita ko ang sarili ko na naka-ngiti. "Magpapa-check ako,tumaas yata ang dugo ko hanggang sa langit na yata!"  "Papansin ka talaga, Zel!" "Quinzel!" Salo-salong alaala ang bumalik sa isip ko, hindi Tessa ang pangalan ko. I'm Quinzel!  At sino ang doctor na 'yon. Maslalong kumirot ang ulo ko ng may nagpa-flashback nanaman sa utak ko. "Sanaol Doctor ang asawa!"  "Tamara! Mainggit ka please!" Fuck! I think tamara is my friend?  And f**k!  "I think my husband is a doctor?" Nasabi ko nalang bago ako bumagsak sa kinatatayuan ko. Fuck! My baby... To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD