Chapter 7
"I like you."
Dahil sa katagang narinig ko'y kusang dumilat ang mga mata ko, nagising ang katawang lupa ko sa katagang kaisarap pakinggan.
"Ano?"Tanong ko, tiningnan niya ako ng naka-kunot ang noo.
"You need to sleep Quin, may lagnat ka." Sabi niya at masama akong tiningnan.
"You said, you like me? Narinig ko 'yon." Naka-nguso kung sabi. Alam kung masamang mag assume pero rinig ko talaga e o baka naman dahil sa kadisperada ko kung ano-ano naririnig ko.
"See, you're sick! At kung ano-ano naririnig mo." Sabi niya at inirapan ako.
"Meron akong narini-"He cut me off.
"You're dreaming so shut up brat, you need to rest."He said, napanguso nalang ako.
Assume pa ghurl! 'Di talaga niya ako gusto. Bakit kasi narinig ko 'yon? Haist!
"Okay, umalis kana nga. 'Di ako maka-tulog kasi nandito ka." Sabi ko, nagsisinungaling lang ako. Gusto kung mapag-isa. Gusto kung sampalin ang sarili ko. Assumera ako.
Taena! Sanaol gusto nang crush nila, sanaol kina-crushback. Hanap nga ako ng jowa sa RPW! (Role player World)
Umalis na siya sa harap ko, kinuha ko ang selpon ko para mag log in sa RP( Role player) account ko.
Nag post ako ng ' Finding Jowa, 'yong kasing gwapo ni Xylem Kerzen Hidalgo.' Na post ko na.
In 3minutes nasa 50 comment na. Daming lalakeng RP'er na nag-comment kaso 'tong utak ko ayaw palitan si Kerzen. Ayokong magkaroon ng kabit sa RPW. Baka barbie din 'yon sila. Haist!
Love na love ko talaga asawa ko. Idedelete ko na sana ang post ko nang may makita akong comment. At literal na nanlaki ang mata ko.
'Sleep now, wag mag-hanap ng iba. Kakabit kapa e.'
Napa-nganga ako sa nag comment, ang name ng nag-comment ay "Xyke Montefalco' Ayokong mag assume ulit duh! Hindi naman si Kerzen 'to.
Si Xylem Kerzen Hidalgo? Isang RP'er what the f**k? Ang seryoso nun. Tapos busy pa.
Nag scroll mo na ako sa newsfeed ko, hanggang sa may isang post akong mabasa. Literal na nalaki nanaman ang dalawang mata ko. Luh!
Naka-tag sa akin ang post at sabi dito'y "Wag niyo jowahin 'tong naka-tag, may asawa na 'to sa real world" Tangna! Pa'no niya nalaman? Like what the f*****g hell?! Seryoso?
Dahil ayokong mag assume nanaman ay nag offline nalang, remember may lagnat ako baka imahimasyon kulang ang mga nakikita ko sa Role player account ko. Tulad kanina kung ano-ano naririnig ko.
Natulog nalang ako dahil hiyang-hiya ako sa sarili ko kanina na itangging 'di talaga nasabi ni Kerzen 'yon. Napahiya ako, ang ganda ko tapos tanggihan lang. Like duh! Ang daming manliligaw sa akin sa school.
Si Kerzen lang talaga ang matigas ang puso, hindi siya mabihag-bihag ng ganda kung taglay. Sarap naman mag bakasyon sa mars. Tapos mag dala ng alak. Tapos mag take ng picture pang profile sa f*******: With matching caption 'Ayoko na sa earth' isa pang buntong hininga ang ginawa ko sabay pikit ng mga mata ko.
NAGISING ako ng mga alas siyete ng gabi, mahaba-haba din ang tulog ko kanina. At medyo okay na ang pakiramdam ko. Tumalab naman ang gamot na binigay ni Kerzen sa akin.
Pumasok si Kerzen na may dalang pagkain. Since naka-pulupot sa akin ang comporter ay nag akto akong giniginaw. Kitang-kita ko na para siyang nataranta sa ginawa ko. Mabilis niyang nilapag ang dala-dala niyang tray at lumapit sa kinaroroonan ko.
"Ayos ka lang?" Tanong niya. Nilakasan ko pa ang panginginig kuno ko."f**k! Nanginginig ka?!" Ay hindi nag tu-twerk ako pahiga.
"H-hug m-me."Sabi ko while nanginginig kuno, gusto kung matawa sa itsura ni Kerzen. Kinakabahan siya.
Agad niya akong niyakap ng mahigpit. Inayos niya ang sarili niya sa tabi ko.
Lord gusto ko na ma dead, ang bango niya.
Binagalan ko ang panginginig kuno ko. Baka magkatotoo talaga patay ako.
"Feel comportable now? Tell me." Tanong niya. Medyo nilakasan ko ang panginginig ko
"A-ang l-lamig, g-gusto k-ko ng m-mainit."Sabi ko.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang tanggalin niya ang pang-itaas niyang damit. Luh! Heto na heto na talaga Zel.
Nasayangan ako ng ibaba niya agad ang damit niya at masama akong tiningnan.
"W-why?" Tanong ko. Tapos tiningnan ko ang sarili ko. s**t! Ang tanga mo Zel.
Guys! Tumigil pala ako sa panginginig dahil sa abs ni Kerzen. Hala! Paktay!
"Tsk! Nag-aalala ako sa'yo tapos magpapanggap kalang na nanginginig at giniginaw? For what reason? Para mayakap ka? Alam mo nakaka-inis ka." Sabi niya at tumayo habang masama akong tinitingnan.
Hindi ko alam kung bakit kusa nalang tumulo ang mga luha ko. Pinapagalitan niya ako? Dahil lang dun? E gusto ko siyang kayakap e. Masama ba 'yon? Asawa ko naman siya a?
"I'm sorry, gusto lang kitang yakapin. Gusto kung maramdaman ang init ng katawan mo. Is it bad?" Tanong ko habang umiiyak.
"YES! IT'S BAD!"Sigaw niya. Napa-pikit ako sa sigaw niyang 'yon.
"Bakit kaba naninigaw?"Tanong ko.
"Kasi ang landi mo, umakto kapang nanginginig para lang mayakap kita?"He said at ngumisi.
Bumangon ako at sinampal siya ng ubod ng lakas, oo malandi ako at sa kanya lang 'yon. Hindi ko akalain na magagawa niyang sabihin 'yon sa akin?
"Tangina mo! Sa'yo lang ako lumalandi ng ganito kasi alam mo gusto kita! Gustong gust-"He cut me off.
"And i don't really like you, sinabi ko na sa'yo hindi ka pwedeng magka-gusto sa akin. Mag asawa lang tayo sa papel. Pero sooner or later maghihiwalay din tayo. Alam mo kung bakit kasi may gusto akong iba. At hindi ikaw 'yon. Itatak mo 'yan sa kokote mo." Sabi niya.
Napahikbi ako ng malakas sa katagang binitawan niya sa pagmumukha ko, ang sakit naman nun pre! Ang sakit! Tangna ang sakit sakit.
KINABUKASAN nagising akong nagugutom. Hindi ko kasi ginalaw ang pagkain na dinala ni Kerzen sa akin. Taena niya.
Akala mo naman ang gwapo-gwapo ng ulupong na anak ni satanas na 'yon.
Nagugutom na ako s**t! Bumaba ako ng sala upang mag hanap ng malalamon ngayon.
Mabuti at walang Kerzen na pakalat-kalat sa buong mansion.
So malaya akong kumain ngayon, bahala na siya sa buhay niya.
Kumakain ako ngayon at natulala nanaman dahil sa mga sinabing masakit ni Kerzen kagabi. Tapos tumawa ng pagak.
"Nabusted nanaman ang beauty ko." Sabi ko nalang sa sarili ko. Akala ba niya susuko ako. May araw karin sa akin Kerzen. May araw karin.
Paiiyakin din kita tulad ng ginawa mo sa akin. Pa hard to get kapang loko ka.
Nang matapos na akong kumain ay umakyat na ako sa taas nag kulong sa kwarto ko and yes wala na akong lagnat, at heto ako parang baliw. Staring blankly at the ceiling, my brain keeps on giving me flashbacks of what happened lasnight.
Taena! Baka mabaliw ako ng wala sa oras. Bakit kasi ang hirap abutin ni Kerzen e. At dun sa gusto niya. Kailangan malaman ko kung sino man 'yon.
Alam ko naman na hindi si Amanda 'yon. 'Di naman kasi mukhang kagusto-gusto si Amanda. Tsk! Mukhang tae na 'yon. Tsk!
"Humanda ka lang Kerzen, di naman ikaw 'yong marunong manakit. Tsk! Paiinitin ko ang ulo mo lalo."
To be continue..