Chapter 6
Bumaba ako pagka-tapos kung mag palit ng pambahay. Nadatnan ko parin ang babae.
Umupo ako sa harap nila ang saya naman nila? Grabi! Grabi!
"Okay ka na?"Tanong ng babae. Hindi ako okay. Sarap mong supalpalin e.
"I'm okay."Sagot ko at pekeng ngumiti.
"Kuha muna ako ng maiinom."Sabi ni Kerzen.
Nang wala na si Kerzen ay tinaasan ko ng kilay ang babae.
"What are you doing here?" Tanong ko. Ngumiti siya sa akin. Ang sarap mong sampalin ng sofa.
"Pumasyal lang kay Kerzen."Sagot niya at ngumiti.
"Park ba siya para pasyalan? Sa pagkaka-alam ko hindi dito banda ang luneta!"Sagot ko habang naka-ngiti.
"You're funny, joker ka pala?" Sagot niya. Tumawa ako ng konte. Pero nasusuka na ako sa ka plastikan ko.
"Ay hindi, kriminal ako."Sagot ko. Sumeryoso ang mukha niya.
"Really? So ma attittude pala asawa ni Xylem?"She said habang naka-tingin sa akin. So alam niya? Tapos nilalandi niya si Kerzen? Aba e potangina po niya.
"So alam mo?"Tanong ko habang naka-taas ang kilay na isa."So ano pa ang ginagawa mo dito? Out! O baka naman gusto mo maging kabit niya. Duh! Ang pangit mo." Sabi ko ulit.
Tumawa siya ng mahina at tinaasan din ako ng kilay, aba taray a!
"Ang pangit ng ugali mo, sa bagay bata ka pa?"Sagot niya na ikinaiinit ng ulo ko.
"Sanaol matanda."Naka-ngiting sagot ko. Ang sama ng tingin niya sa akin. Nginisian ko lang siya.
"Maagaw ko si Xylem sa 'yo. Watch me little girl."She said at nag aktong inosente nanaman ng dumating na si Kerzen na may dalang tubig.
"Ang funny ni Quinzel, friendly pala siya?" She said, edi wow! Nagba-bait baitan talaga ang baliw.
Ngayon alam ko na ang ugali mong bruha ka hindi ako magpapatalo sa iyo. Mas demonyo ako sa iyo.
"Really? Great!" Sagot ni Kerzen.
"I'm so happy dahil nakilala ko kaibigan mo Kerzen. Friendly din siya."Sabi ko. Pwe! Nasusuka ako.
"Mabuti at nagkaka-sundo kayo. Mabait talaga si Amanda."Papuri ni Kerzen. Pwe! San banda? Sa kilikili? Eww!
"Hindi naman hehe." Ganda ka na niyan te? Sarap mong sampalin.
Tumingin si Amanda sa akin at nginisian ako.
"Xylem, bukas a wag mo kalimutan. Magiging masaya kasi si mommy pag nakita ka." Sabi ni Amanda the kabit.
Ngumiti si Kerzen. Ampota! Anlandi mo rin hubby e. Nasasaktan ako.
Selos na selos ako.
"Sure, miss ko din naman si tita e." Sagot ni Kerzen. Matagal na silang magkakakilala ganun?
"Hmm. Kuya Kerzen. Gusto ko nga palang magpaalam sa iyo lalabas ako ngayon." Paalam ko. Gusto ko magpahangin. Naiinis ako.
"Nang ganitong oras?" Tanong niya. Naka-kunot ang noo niya.
"Payagan mo na Xylem. Nandito naman ako e." Aba! Kasali yata ang malandi na 'to sa grupo ng mga salisi gang?
"Yeah! Hang out with friends." Pagsisinungaling ko.
"With Ivo?"Taas kilay niyang tanong. Mag selos ka please.
"Yes."Sagot ko at nag aktong kinikilig pag naririnig name ni Ivo.
"NO!"Matabang niyang sagot.
"Why? Kasama mo naman si Amanda e. Why not?" Tanong ko. Wala naman talaga akong planong mag hang out.
Trip ko lang. Parang nag selos nga siya.
"Kasi gabi na. Magagalit asawa mo."He said. Gusto kung palakpakan ang sarili ko. Ayyie selos siya.
"Wala naman siyang kwenta e. Kasama niya kabit niyang pangit."Sagot ko. Napaubo si Amanda.
"No f*****g way dito ka lang."Sagot niya at sinamaan ako ng tingin.
"Pupunta ako, saglit lang naman e. I'm with Ivo naman e. He always care for me. Alam kung 'di niya ako pababayaa--"
"Shut up! I'm sorry Amanda pero kailangan mo ng umalis. Mag uusap pa kami ni Quin." He said at hinatak si Amanda palabas.
Masamang naka-tingin si Amanda habang hinahatak ni Kerzen palabas. Nilabas ko ang dila ko at hinawakan ang tenga ko. Nang-iinis ako.
Bumalik na si Kerzen. Nakatayo sa harap ko. Ako naman parang tanga nilalaro ang kuko.
"Matutulog na ak--ahh!"
Bigla niya akong hapitin sa bewang at hinalikan. Nang bumitaw na siya ay nginisian niya ako.
"Wag na wag mo akong tawaging kuya, and one more thing. Bawal kang makikipag kita sa Ivo na 'yon. Ayokong masira ang career ko. Now sleep."He said at pinakawalan ako.
Napa-hawak ako sa labi ko habang tulala. Naestatwa ako taena!
"Okay ka lang ba? Para kang baliw diyan. Halatang nagustuhan mo ang halik ko? Gusto mo isa p-"
"GO!"
"What?"
"I mean NO, ayoko na! Baka hinalikan mo yung timang na si Amanda eww." Sige isa pa! Sarap ng labi mo hubby. Isa pa please.
Nag iinarte ka pa kasi Quinzel e. Isa pang kuya bukas hehe. Tapos halik nanaman. Ayyie! Matawag nga ng kuya everyday. Para halik everyday nadin. Ang talino mo Zel.
Apir!
"Listen to me. Magkaibigan lang kami ni Amanda." Mahinahon niyang sabi.
"Tinanong ko?" Masungit kung sagot. E yung higad hindi kaibigan ang turing sa'yo. Isa 'yong higad na nagkatawang tao.
May maitim siyang balak sayo. Basta di ako magpapatalo sa malanding iyon.
"Tsk! Sleep." Pagsusungit nanaman niya sa akin. Bipolar talaga.
Napa-dilat ako ng mga mata ng may maramdaman kung may bumuhos sa akin ng malamig na tubig. s**t!
Sinamaan ko ng tingin si Kerzen na may hawak-hawak na timba na maliit. Binuhosan niya ako ng tubig! Reall!?
"Ano bang problema mo?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Bangon!" Maotoridad niyang sabi sa akin.
"Bakit?" Tanong ko. s**t! Nilalamig ako."Patayin mo aircon please." Sabi ko.
"No!"Sagot niya.
"M-malamig."Sabi ko.
"Bumangon kana faster!"Sabi nanaman niya. Bakit ba ginising niya ako ng ganitong oras? Wala akong klase ngayon so why?
Bumangon na nga ako habang niyayakap ang sarili. Basang-basa ako remember.
"Bakit ba kasi ginising mo ako ng ganitong oras. Gusto mo bang dumede?" Sarkasmo kung tanong.
God! It's 3:00am for god sake! Ang lamig pa pota!
"Mag bihis kana. Tapos ipag-timpla mo ako ng kape." Utos niya sa akin. What the f*****g hell! Marami siyang katulong tapos ako ginising! Ayyie! Baka type niya timpla ko. Okay fine. Di na ako galit.
"Okay, just wait." Sabi ko nalang habang kinikilig.
Nagkakape siya ng ganitong oras? 'Di ko alam 'to a?
Nang tapos na akong timplahan siya ay naka-upo lang ako sa harap niya at nangalumbaba habang naka-tingin sa gwapong lalakeng nasa harap ko na humihigop ng kape.
"Samahan mo ako mag jogging ngayon."Sabi niya.
Ngumiti ako ng matamis sa kanya."Talaga? Sige ba!" Sabi ko agad.
"Oo kasi walang taga bitbit ng mga gamit ko." Masungit niyang sagot.
So gagawin niya akong taga bitbit ng gamit niya? Aba matinde! Sa ganda kung ito? Taga bitbit ng gamit niya. Okay fine.
"Edi wow! Hintayin mo ako mag palit lang ako saglit." Walang gana kung sabi.
--
"Kerzen wait!"Sigaw ko sa asawa kung ang bilis tumakbo. Habang ako sumasayad na ang dila ko sa baba. Ang payat ko tapos pinapa-jogging pa ako.
Nahihirapan akong bitbitin ang mga gamit niya tapos siya pa cool lang habang tumatakbo? Sarap niyang halikan mula ulo hanggang paa.
"Bilisan mo naman." He said habang masama akong tinitingnan.
"E kung buhatin mo kaya ang gamit mo. Ikaw diyan pa cool lang. Jakulan kita diyan e." I said.
"Kababae mong tao ang bastos mo." Sabi niya at pinaikot niya ang mata niya. Ugh! Ang cute.
Kinuha niya ang gamit niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko habang tumatakbo kami ng mabagal.
Kinikilig ako putsa! Para akong nakasakay sa ulap.
Maraming naka-tingin sa aming dalawa. Maiinggit kayo. Bleh!
"Wag kang feeling maganda diyan. Bilisan mo ang takbo umuulan na." Sabi niya.
At dahil medyo may pagka-pagong ako naulanan kaming dalawa.
"f**k! You look like turle. s**t!" Todo mura siya habang tumatakbo kami pabalik sa kotse niya.
Nang marating na kami sa kotse niya ay agad kaming pumasok.
Inalis niya ang pang-itaas niya at nag punas ng katawan.
Binigay niya sa akin ang isang pangpunas. "Mag punas ka baka sipunin ka." He said habang naka-tingin sa akin. Parang kakaiba yung mga tingin niya sa akin.
Nag punas ako ng buhok at siya nagmamaneho na pauwe sa mansion niya. Bumahing ako ng dalawang beses. s**t! Sisipunin pa yata ako e.
"Dahil sa kakuparan mo magkakaroon ka yata ng corona virus." he said. What? No!
"You're bad to me." I said while pouting.
"Wag kang mag pout tsk!"
Dumating na kami sa bahay at ang init ng pakiramdam ko ngayon at the same time parang giniginaw ako.
Hinawakan ko ang leeg ko para itest kung may lagnat ako. And hellyeah! Meron nga.
"Take this." Gamot ang binigay niya.
"Thank you." Malumanay kung sagot at deretso kung ininom ang gamot.
"Rest now." He said. Alas des palang ng hapon tapos hihiga nanaman ako?
"Buhatin mo ako." Sabi ko habang nagpapacute sa kanya.
Akala ko di niya ako bubuhatin at kahit nilalagnat ako kinikilig ako.
"Happy?" Masungit niyang tanong habang pa akyat na kami sa kwarto namin.
"Yes." Sagot ko. Pinitik niya ang noo ko.
"Kahit may lagnat ka pasaway ka parin." Sabi niya at ngumiti. Nakita niyo 'yon? Yung ngiting iyon. s**t!
Nilapag niya ako sa malambot na kama at kinumutan. Nararamdam ko parin yung lamig. s**t! Giniginaw ako.
"I need your hug." Nasabi ko na lang. Dahan-dahan siyang humiga at niyakap ako patalikod.
Antok na antok na ako at gusto na nang mga mata kung pumikit.
"I like you."
To be continue