PROLOGUE
"KYLIE YOU KNOW HOW MUCH I LOVE YOU RIGHT?" agad naman akong tumango hanggang sa unti unting lumalapit ang muka niya sa akin, gaya ng unti unti ko ring pagpikit, kaunti nalang unti----- KRINGGG KRINGGG~~~~
Arghhh... Bwis*t na alarm clock to oh, mag mmmm a anu mag ki-kiss na sana kami ni LEE MIN HO ko e! Kabanas naman oh. Sapilitan kong binuksan ang mga mata ko saka hinampas ang alarm clock na nakapatong sa maliit na lamesa sa tabi ng kama ko, muling naman akong bumalik sa dating pwesto, nagbabakasakaling mapanaginipan uli ang muka ng bebe ko....
lWala pang limang minuto'y nakarinig na naman akon ng malakas na katok sa kwarto ko, "Ate ate baba na tinatawag ka ni papa!, akala ko ba ngayon ka maghahanap ng trabaho."
Agad naman akong napabalikwas at napahampas noo ng maalala kong ngayon pala yon. Sh*t oo nga pala!
"Bababa na!" Agad naman akong bumangon tsaka tinupi ang mga kumot ko at dumiretso sa Cr, nang makapag gayak na. Pagkatapos kong makapag ayos agad ko nang dinampot ang bag ko, oo nga pala pati narin yong mga resume and requirements ko! Saka ako bumababa ng hagdan.
"O anak, ang aga mo namang magbihis"
bungad sakin ni papa
"Oo naman pa ng mas maagang makapaghanap ng trabaho" sabi ko habang papunta sa kusina
" Alam mo namang kaya ko----"
" Ayan ka nanaman pa, magtratrabaho ako para ho makatulong sa inyo , si Alex mag co-college na next year, si Livia gagraduate na ng highschool. Yong mga babayarin natin sa bahay, tiyaka ikaw muna ang magpahinga rito sa bahay, kahit papano'y nakapagtapos naman ako ng kolehiyo, dapat naman talagang pagkatapos na pagkatapos ko ng college ay dapat nagtrabaho na sana ako" mahabang sabi ko.
Pagkatapos ko kasing tapusin ang kolehiyo koy dumito pa ako sa bahay para tulungan ang mga kapatid ko tsaka pati narin si papa ng dalwang taon. Ngayon nama'y babaliktarin ko, ako naman ang magtratrabaho, dapat naman talagang ako na ang magtratrabaho kaya lang ayaw pa akong pagtrabahuin ni papa noon kaya heto at si papa naman ang magpapahinga sa bahay.
Tiyaka naawa narin ako sa kanya matanda narin siya at kulang na kulang rin yung sweldo niya para sa amin kaya sabi ko ako nalamang ang magtratrabaho.
" Pasenya ka nak a, kung hindi lang kasi tayo iniwan ng mama mo----- "
"Shhh pa, ayaw ko muna siyang pag usapan"
sabat ko
"Oo na ,oo na kumain ka na ng may lakas ka sa paghanap ng trabaho"
Habang kumakain hindi ko na naman maiwasang isipin uli si mama, umalis siya nang tatlong taong gulang pa lamang si Livia ang bunso namin para makapagtrabaho sa ibang bansa ,dahil narin sa kagipitan. Sa dalawang taon niyang pamamalagi roon maayos pa naman ang lagay nila ni papa, nagpapadala siya ng pera at may contact pa kami sa kanya .
Ngunit sa mga sumunod na buwan hindi na siya nagpadala hanggang sa umabot isang taon hanggang ngayon , 24 years old na ako...(6 yr. old nagstart mag school, 6 years sa elementary, 6 years sa highscool, 4 years sa college ,2 yrs tambay sa bahay.) O diba talagang kwinenta ko pa talaga! HAHAHAH tinawanan ko na lamang ang sarili kong kabobohan. Hindi narin namin alam kung ano na ang nang yari sa kanya doon , kung nakapagasawa na ba siya o kung ano. Kaya rin hindi ko magawang magalit sa kanya ngayon dahil hindi ko naman alam kung anong pinagdadaanan niya roon. Buti na lang may maganda siyang iniwan sa akin. Yung muka ko HAHAHAH. Well I do received a lot of compliment from my tita's ang uncle's ,and of course from my friends too..
Diba nakapag English ng wala sa oras HAHAHA.
Tinapos ko nalamang ang kinakain ko saka agad nagpaalam sa kanila.
" Ate pasalubong " sabi ni alex
" Magtigil ka nga Alex! Anong pasalubong pasalubong diyan FYI, trabaho ang pupuntahan ko hindi pamamasyal at ano ka bata?" rinig na rinig ko naman ang hagikgik niya habang palabas ng bahay
"Mag iingat ka anak! rining kong sigaw ni papa mula sa labas ng bahay.
Si papa talaga...