Maaga pa akong sinundo kanina ni Luke sa mansyon. Exam week narin kasi namin ngayon kaya kailangan naming mag-aral ng mabuti. Nag-aya din kasi si Patricia na mag-aaral kami mamaya after class sa paborito niyang cafe, at mabuti naman dahil pumayag si Luke. "Hindi ba pupunta ngayon Prof natin sa major?" tanong naman sa akin ni Patricia habang naka-upo lang kami dito sa mga desks namin. Nagkibit-balikat naman ako. "Hindi ko nga rin alam eh, ilang minuto na siyang late sa klase ngayon," sagot ko naman sa kanya. Kinalabit ko naman si Luke na kanina pa nakatitig sa akin. "Wala bang sinabi sayo Prof natin kung darating siya ngayon?" tanong ko sa kanya. Napatawa naman ako kay Luke dahil patuloy parin siyang nakangiti lang sa akin ngayon. Umiling naman siya agad. "Nope. He didn't sent any mess

