Tahimik lang kaming dalawa ni Luke habang nasa byahe. Wala naman akong alam kung saan kami pupunta, pero patuloy lang akong nakadungaw sa labas habang pinagmamasdan ang kalangitan. Nagulat naman ako ng matanaw ko ang dapat malapit lang sa amin. Napangiti naman agad kao sabay bukas ng bintana ng sasakyan. "Ang sarap naman ng simoy ng hangin," pahayag ko naman habang nilalanghap ang hangin sa gabi. "Are you feeling okay now?" tanong niya naman sa akon kaya napatingin ako sa kanya. Agad naman akong ngumiti ng malapad. "Salamat, Luke," saad ko naman sabay halik sa pisngi niya kaya nagulat siya sa akin. Bumaba na kami ng sasakyan niya. Binuksan niya naman ang likuran nito at nagulat ako na marami siyang dalang pagkain at isang tela. Agad niya naman itong kinuha at inilatag na sa buhangin p

