Kasalukuyan naman kaming nandito ni Aidan sa isang coffee shop malapit lang sa mansyon nila Madam. Niyaya ko kasi siya ngayon dahil Sabado naman at walang pasok ng makapag-usap kami ng maayos. "Break up with Luke!" Nagulat naman ako sa sinabi ni Aidan kaya napatigil ako sa pagkain ng cake na inorder niya. Agad naman akong napatingin kay Luke na puno ng pagtataka ang mukha. "Anong sinasabi mo?" pagtatakang tanong ko naman sa kanya. "He's not good for you," dagdag niya pa kaya lalo naman akong nagtaka. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Paano mo naman nasabing hindi siya makabubuti para sa akin?" tanong ko kay Aidan na umiinom ng yogurt smoothie. Sumeryoso naman ang kanyang mukha kaya bigla akong kinabahan. "Gusto mo ba talagang malaman ang dahilan kung bakit si Luke ang pinili na gab

