Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan na naming umuwi. Nagulat naman ako nang bigla kaming tumigil ni Ann sa isang drugstore nang palapit na kami sa bahay namin. "Hey, you don't have to do that Ann. Besides maaga pa naman ngayon for that test," pahayag ko naman sa kaniya. I tried to stop her pero mukhang hindi ko na nga ito magagawa. "Hayaan mo na, mas mabuti na 'tong maaga bumili atsaka ako naman ang bibili hindi ikaw," ani niya pa at pumasok na sa loob. I waited for how many minutes at maya-maya pa ay bumaba na siya na may bitbit na paperbag. "Let's go home," she uttered. Nang maka-uwi kami sa bahay ay agad kong kinamusta si Dos. Si Mama naman at si Ann ay abala na nag-uusap sa terrace. Pumasok na ako sa kwarto ni Dos at nadatnan ko naman siyang nakahiga. "Baby?" tawag ko sab

