We were having a hard time habang ginagawa 'tong illustrated design ng mga women's wear na ipinasa sa amin. "Ano, kaya pa diyan sa inyo?" tanong ni Tyron sa amin habang tumatawa. Kanina niya pa kasi kaming pinagmamasdan ni Ann, ang of course having this as our first day at wala naman kaming idea talaga about fashion illustration ay medyo mahirap. Kinalabit ko naman si Ann. "Tingnan mo nga 'tong gawa ko, okay na ba ang layer ng texture niya?" "Mas ayos nga 'yung kanina mong ginawa Bell, ano ba 'yan nakaka frustrate naman pala 'to," ani niya naman kaya napatingin ako sa kaniya. Wala talagang preno 'tong bibig ni Ann kaya hanga rin ako sa kaniya dahil nakapa transparent niyang tao. "Girls, I think we'll have an overtime tonight. Okay lang ba sa inyo?" tanong naman sa amin ni Sir Nativi

