Pinapanood naman ito ni Valerie habang naka pikit ang papa nya. Hindi pa rin nya mawari kung anong dahilan kung bakit nag resign noon ang papa nya mula sa pag tatrabaho dito sa villa ng mga Bartolome ngunit kahit ano pa man iyun ay hindi na nya lamang iisipin sapagkat matagal tagal na rin naman iyun. Ang importante ay nandito na naman sila ulit nakatira. Agad naman na pumunta si Valerie sa kama nito at bahagya na humiga. May klase na naman kase pagka sunod na araw kaya naman kailangan nya rin nagumising nang maaga dahil na nakakahiya naman kung hindi sya ang maunang gumising sa kanila ng papa nya. Nang sumunod na araw, hindi naman alam ni Valerie na naunang nagising ang papa nya habang natutulog pa ito. Lagi kaseng nagigising ang papa nya sa punto ng alas kwatro ng umaga dahil sa trabah

