Chapter 4

1062 Words
Nagsimula naman ang hapunan ng pamilya ng mga Bartolome kasama si Valerie at ang papa nya na si Enrique. Nag uusap usap na lamang ang mga matatanda habang tahimik naman na kumakain sina Derek, si Valerie at si Nathan. "So Enrique, I'm glad you came back an md as expected eh mabuti ka pa rin sa trabaho mo up until now. Hindi ko rin inaasahan na sa ilang bwan ko na wala dito ay marami na pala ang nag bago sa bahay," saad naman ni Bethany sabay subo ng pagkain nito ulit sa bibig nya. "Ah opo bumalik ako dito kase alam ko na wala talagang kasama dito si Lolo Elmer kapag umaga kase pupunta naman si Derek ng school tapos si Nathan naman eh may trabaho pa naman kaya kailangan talaga na may makausap dito si lolo Elmer," wika ni Enrique. "Wag kayong mag alala sa akin eh okay lang naman ako dito sa bahay kahit walang kasama kaay wag kayong mag alala sa akin dito okay," agaran na wika ni lolo Elmer. "Pa, wag na kayo mag pasaway. Kailangan mo ng makausap at bantay mo para hindi ka madaling mapagod. Gusto ko nga kumuha ng isang personal assistant mo para naman may makasama ka pero you won't even let me do it. Baka kung anong mangyari sayo once the maids aren't home," huminga naman ng malalim si lolo Elmer sa sinabi ng anak nya na si Bethany. Sa sobrang pag alala kase ng anak nya sa kanya ay minsan hindi nya rin ito gusto dahil sa napaka strict na mga sinasabi nito. Hindi rin nya masisisi ang anak nya dahil alam nyang mahal na mahal sya ng mga ito ngunit minsan ay hindi rin nya gusto ang pagiging overprotective ng mga ito dahil hindi nya magawa ang mga gusto nya katulad ng pag laro ng aso kahit bawal sya nito dahil sa sensitive na lungs niya. "Alright fine, enough na tayo sa lahat ng bagay tungkol sa atin. You should check the kids if they're fine or kung ano man," saad ni lolo Elmer. Agad naman na ninguya nguya ni Bethany ang kinakain nito sabay inom ng tubig. "So Valerie and Derek, how's school I mean ano na ang nangyayari doon sa inyo. I heard from a friend that the school has so many events and activities sa mga linggo at bwan na ito," saad naman ni Bethany habang naka tingin sa dalawa. "Okay naman po ang lahat tungkol sa school and kaka tapos lang din naman sa mga examination namin and malapit na lang din naman ang yung finals so nag reready na po kami about that," sagot ni Valerie kay tita nya Bethany. Napa ngiti naman si tita nya Bethany sa kanya at agad na binaling ang paniningin nya kay Derek na tahimik lamang na kumakain. "How about you Derek? Kamusta naman ang school anak?" mahinahon na tanong ni Bethany sa anak nya na si Derek. "It's fine mom. Everything's fine here," sagot naman ni Derek sabay ngiti sa mama nya. "Oh right Nathan anak, ang mama mo pala nag message sa akin na dadating daw dito si Clarice, kaylan mo raw pwedeng sunduin kung available ka na kay tita mo Jona," napa tingin naman agad si Nathan kay tita nya Bethany. "About that tita, anytime po pwede ko po masundo si Clarice." "Wait, who's Clarice Nathan?" Tanong naman ni lolo Elmer. "Ay opo si Clarice po, kaka adopt lang ni mama sa kanya sa Japan. Ipapadala daw ni mama sya dito pero pinoy po yung bata na yun, hindi nag jajapanese hindi rin po nag tatagalog, english lang talaga kung maka pag salita." "So ilang taon na sya?" Tanong ulit ni lolo Elmer. "She's about thirteen years old mga ganon po. I don't know why my mom wanted to send her here pero I'm happy naman na madadaggan ang kasama nyo dito sa bahay lo," ani ni Nathan. "Ay mabuti nga iyun diba," nakangiti na tugon ni tita Bethany. All throughout this dinner ay nag usap usap lamang sila tungkol sa buhay nila Valerie at ni Enrique o 'di kaya tungkol sa mga sitwasyon ni lolo Elmer at nadadamay na rin si Derek at ang girlfriend nya na si Janelle. Alam naman din ni Bethany ang tungkol sa girlfriend ng anak nya ngunit hindi nya masyado na nagugustuhan ang babae na iyun para sa kanyang anak dahil sa una pa lang na pakilala ni Derek through video call ay hindi talaga ito masyadong malaki ang ugali. Hindi manlang nag effort na pahabain ang kanilang convo kung kaya ay sa unang impression pa lang ni Bethany ay hindi na nya ito type na maging manugang kung kaya ay minsan nag aaway sila ni Derek tungkol lamang kay Janelle dahil tutol talaga si Bethany dito. Matagal na rin nangyari ang away ng mag ina. Maayos na rin ang kanilang relasyon na dalawa at hindi na masyadong pinapakialaman ni Bethany ang buhay ni Derek except sa mga pangangailan ni Derek sa buhay nito. Financially man o mentally support. Pagkatapos ng dinner nila ay agad naman na pumunta ang papa ni Valerie sa bahay nila sa likuran ng mansion na dati nilang tinitirahan. Napag sabihan naman ni Valerie si lolo Elmer at si tita nya Bethany na simula ngayon ay dito na sila matutulog at doon sa likod ng bahay na tinirahaan din nila noon. Ipinag pilit naman sya ng dalawa na sana doon na lang sa dating silid nya sa loob ng mansion sya matutulog at ang papa nya ngunit nag insist na lamang sya at nagpasalamat sa lahat lahat ng offer ng mag pamilya sa kanya. "Matutulog na po kami, lolo Elmer, tita Beth. Punta na po ako ng likod bahay, salamat po ulit sa hapunan," ani ni Valerie. Binigyan naman sya ng matamis na ngiti ni Bethany. Pagkatapos naman ng pagpapaalam nya kay tita nya Bethany at kay Lolo Elmer ay agad naman sya sumunod sa bahay nila sa likuran ng mansion. Nauna na kase ang papa nya kaya naman alam na nyang natulog na ito dahil sa pagod ng pag mamaneho. Nang makarating naman si Valerie sa dati nila bahay ay agad ito dumiretso sa isang kwarto. Iisa lamang ang silid ng bahay na iyun kaya naman maliit lamang ang space nito. Nakita nya naman na natutulog na ang papa nya sa ibabaw ng mahaba na upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD