Chapter 3

1881 Words
Pagkatapos naming kumain ng dinner ay nagligpit na ako dito sa kusina. Hot seat na nga ako kanina si hapagkainan pagkatapos ngayon ay nandoon silang lahat sa veranda, ayoko namang makipagplastikan doon kasama ni Janelle. "Come and enjoy with us sa veranda, Val. Ako nalang ang maghuhugas ng mga 'yan mamaya," sambit naman ni Tita nang makita niya ako rito sa kusina. "Nako po, hindi na po. Pagkatapos ko kasing maghugas dito ay mag-aaral pa ako," tugon ko naman sa kaniya. The real thing is hihiga lang talaga ako sa kama ko dahil kanina pa ako nasasaktan sa mga nangyayari. "Are you sure? They're having desert upstairs." Ngumiti nalang ako kay Tita. "Okay lang talaga, Tita." "Okay sige, ikaw ang bahala Val. Kung gusto mo kumain kumuha ka lang sa ref," ani niya naman at agad nang lumabas. Tinapos ko na ang paghuhugas at bumalik na sa bahay. Nadatnan ko naman si Tatay na nagpapahinga habang nanunuod ng paborito niyang teleserye sa telebisyon, ang probinsiyano ni Coco Martin. "Hindi ka ba sasama doon sa kanila sa taas, Val?" tanong niya sa akin nang dumaan ako sa harapan niya. Umiling ako habang nakatalikod sa kaniya. "Hindi na po, Tay. Kailangan ko pa kasing pag-aralan 'tong sa major subject ko," tugon ko sa kaniya. Kinuha ko na ang libro ko at pumwesto sa labas ng labas ng bahay. Hindi kasi ako sanay mag-aral sa hindi open area kaya dito kami palagi ni Derek nagkikita sa labas. Sadyang matalino na talaga si Derek sa Mathematics pero ni minsan ay hindi ako nagpatulong diyan. I know that Derek is beyond perfect. He deserves Janelle and I hate the fact that I'm annoyed by their sweetness. Alam ko namang hindi ko mapipigilan ang nararamdaman ko towards him, pero I should know my place. He's not mine either. And will never be. Ang hirap naman pala ng patagong feelings lang ang nararamdaman mo sa isang tao. You can admire him from a far, but you will never make him yours. I know Derek only sees me as a sister and hindi ko pa natatanggap 'yon hanggang ngayon. "Ingat kayo ha?" Napalingon naman ako sa veranda sa taas nang marinig ang boses ni Tita. Pauwi na nga siguro si Janelle at alam kong ihahatid pa siya ni Derek sa Recto. Wala pang isang minuto at nandito na sila naglalakad sa harapan ko ngayon. "I'll go ahead na Val. Bye!" sambit niya naman sa akin. Ibinigay ko naman ang pinakamatamis kong ngiti kay Janelle. "Ingat," maikling sagot ko at ibinaling ulit ang paningin ko sa libro ko. I didn't even glance at him. Bahala siya, magsama sila ni Janelle habang buhay. Ay no! Hindi pala. "Sungit." Napasulyap naman ako kay Derek nang marinig ko ang binulong niya. Nakalabas na silang dalawa ni Janelle sa gate at pumasok na sa sasakyan niya. Napa-iling nalang ako sa kanilang dalawa. Knowing that Janelle is her first love. Alam kong mahirap kalabanin 'yon, but I still can't accept my defeat. Napabuntong-hininga nalang ako at tiningnan ang mga Math equations na nasa harapan ko. Kung mahirap intindihin si Derek, mas mahirap naman 'tong unawain. "Ano ba 'yan, nakakapagod mag-aral!" ani ko naman sabay tapos ng dalawang piraso kong scratch paper sa sahig. Bigla namang lumabas si Tatay kaya dali-dali akong tumayo para damputin 'to. "Okay ka lang ba diyan, Val?" pag-aalalang tanong niya naman sa akin. I smiled widely. "Yes naman, Tay. Nag-aaral po ako ng mabuti rito kaya ipagpatuloy niyo lang diyan ang panunuod," tugon ko. Tumango naman sa akin si Tatay at dali-dali pumasok sa loob. Hindi niya talaga pwedeng ma-skip ang pinapanuod niya. Napa-iling nalang ako at nagfocus nalang din sa pag review. Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa narinig ko na ang tunog ng pagbukas ng gate. Nandito na pala si Derek. Sadya ko namang hindi siya pinansin at ipinagpatuloy nalang ang ginagawa ko. Kunwari ay wala siya ngayon sa harapan ko. Bahala ka diyan! "Sungit," tawag niya naman sa akin habang binubuksan ang gate. "Hoy Valtot!" dagdag niya pa. Hindi na nga ako makapagfocus dito sa ginagawa ko tapos dadagdagan niya pa. Don't be fooled by his sweet voice, Valerie! Nang mapansin kong hindi na niya ako tinatawag ay napasulyap ako sa kaniya. Nasa loob na pala siya ng sasakyan niya papasok dito kaya hinihintay ko nalang hanggang sa maka-park na siya sa garahe. Nang tumigil na ang pag-andar ng kotse ay naramdaman ko ang mga yapak na papalapit sa akin. Hindi ko naman alam ngayon kung bakit ako natataranta kaya dali-dali kong dinampot ang libro ko at notebook para tumakbo sana sa loob, pero naunahan niya namang hawakan ang braso ko. "Ano sungit, saan ka pupunta ha?" tanong niya naman sa akin habang nakangisi. Binuklas ko ang kamay ko, pero masyado naman siyang malakas para sa akin. He's not even intimidated by my glaring eyes. Derek knows the hell out of me. Alam niya paano ako inisin, pero mas lalong alam niya naman paano ako patahanin and that makes him attractive for me. He's a damn caring person. "Bawas-bawasan mo naman ang pang bi-bwisit sa akin Derek!" bulyaw ko naman sa kaniya. Hindi ko masyadong tinaasan ang boses ko dahil baka marinig kami ni Tatay o kaya naman nila Tita. Noong minsan kasing nahuli nila kaming nag-aaway noong mga bata pa kami ay ikinulong nila kami sa isang kwarto buong magdamag and I can't imagine doing that right now. Baka ma rape ko lang si Derek. It shouldn't happen. "May dalaw ka ba ngayon linggo? Bakit napakasungit mo ha?" tanong niya pa. "Wala!" sambit ko. "Naiinis lang ako everytime na nakikita ko 'yang pagmumukha mo," ani ko pa. He let go of me and crossed his arms in his chest. Seryoso naman siyang nakatingin sa akin ngayon kaya bigla akong kinabahan. Marahan siyang lumapit sa akin. "Are you hiding something from me, Val?" His hazel brown eyes is gleaming towards me. Ngayon ko nalang ulit nakita siya nakita this close dahil hindi na ako masyadong lumalapit kay Derek. I've been learning my distance from him it could've been worse. "W..wala," utal kong sagot at ibinaling ang paningin ko sa ibang direksyon. Stop doing that Derek! Ang hirap-hirap na ngang magpanggap sa nararamdaman ko tapos ganito pa ang ipapakita mo sa'kin? Torture lang? Napahinga nalang siya ng malalim sabay titig sa akin ng marahan. "I didn't remember doing something to make you mad at me, pero kung ano man 'yon, I'm sorry Val. After the preliminary pageant last month nahahalata kong medyo lumalayo ka na sa amin ni Janelle. What could be the problem?" The problem is definitely not you, it's me. Iniisip kong dahil ganito ang pakikitungo niya sa akin kaya ako nagkagusto sa kaniya, pero it isn't. I let my feelings for me grow, and now I'm suffering. Ngumiti nalang ako sa kaniya kahit na ngayon ay nasasaktan na ako. "Walang problema, Derek. I'm just having a bad day siguro at exhausted narin sa hirap ng major natin kaya ako nagkakaganito. Sige na, magpapahinga na ako at maag pa tayo bukas," saad ko. Tinapik niya naman ako sa balikat. "Kapag natapos na 'tong pageant babawi ako sa'yo next semester. I've been busy these days and you know namam having a girlfriend, she's ny top priority I hope you understand that." Napayuko nalang ako. Feeling ko I betrayed my bestfriend. He's been a good person to me, pero sometimes I wish na maghiwalay sila ni Janelle where in fact he's always praying that they would last forever. How bad I am for doing that. "Of course I do. Kung mayroon mang tao na pagtuunan mo ng pansin ngayon, that's Janelle. I'm happy for you," pinipigilan kong umiyak in front of him. I should restrain myself from crying although I'm hurting a lot. "Sige na, magpahinga ka na at saka nalang ulit kita tuturuan sa Integral Calculus," sambit niya naman sabay gulo ng buhok ko. Hindi ko namang mapigilang mapangiti. "Oo na, bati na tayo. Magpahinga ka na rin at matutulog na ako," wika ko pa sa kaniya. "Good night," sambit niya. Naglakad na siya papasok sa bahay nila habang nasa bulsa ang mga kamay. Pumasok narin ako sa bahay at tumungo na sa kwarto ko. Wala narin kasi dito si Tatay sa sala baka nagpapahinga narin. Kinaumagahan ay maaga pa akong nagluto ng almusal namin ni Tatay. Maaga rin kasi ang alis niya kaya pasado alas-singko palagi ako gumigising para ipaghanda siya. "Tay huwag niyo namang kalimutang magbaon ng pagkain para sa tanghalian. Nagprito po ako ng bangus, bumili nalang kay ng sabaw kay Maribeth sa Manila," ani ko naman sa kaniya. Palagi nalang kasi niyang hindi nadadala ang inihahanda kong pagkain. "Pakilagay nalang sa bag ko Val para hindi ko makalimutan." Dati kasi ay bago pumasada, hinahatid muna ako ni Tatay sa school. Hanggang sa binilhan na si Derek ng sasakyan kaya sa sasakyan niya nalang ako nakikisakay. "Okay na po. Alis na po ako Tay, baka uminit na naman ang ulo sa akin ni Derek dahil ang tagal kong mag-ayos," saad ko pa sa kaniya at kinuha na ang bag ko. Pinuyod ko na ang buhok ko at lumabas ng bahay. Nakita ko naman si Tito Max na nagkakape sa veranda sa taas. "Good morning, Tito!" bati ko sa kaniya. Napadungaw naman agad siya sa akin. "Ang aga mo naman Val," wika niya. "Derek, bilisan mo na diyan. Nakabihis na si Val at nandito na sa labas," bulyaw naman ni Tito kaya napatawa ako. Binuksan ko na ang gate ng bahay para hindi na mahirapan si Derek mamaya. Ganito palagi ang routine ko tuwing umaga. "Val!" Napalingon naman ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Derek. Nagulat naman ako nang may bitbit siyang mga costume kaya dali-dali akong lumapit para tulungan siya. "Final rehearsal niyo ba ngayon?" tanong ko sabay kuha ng ilang costume sa braso niya. "Yup." Ipinasok ko na ito sa compartment ng sasakyan sa likuran. "Friday na pala ngayon at sa susunod na linggo na ang pageant. Sa dami ng iniisip ko muntikan ko nang makalimutan na founding anniversary na pala namin sa susunod na araw," sambit ko pa at pumasok na sa sasakyan. "Wala ng pasok ngayon araw until next week Val. Pwede mo ba kaming tulungan ni Janelle for the preparations?" he asked after started the engine. Napatigil naman ako ng ilang segundo bago mapatingin sa kaniya. "Oo naman. Wala rin naman akong sinasalihan sa event kaya I got your back." Balak ko kasi sanang sumali sa mural painting kasama si Aubrey at Reese pero masyado raw silang busy sa major namin kaya hindi na kami natuloy. Ang hirap nga naman ng engineering! Tahimik na kaming dalawa ni Derek hanggang sa makarating sa TUP on time. Mabuti nga at hindi rush hour at ganoon ka peak ang traffic ngayon araw kaya nakarating din kami. "Dadaan muna ako sa student council para kausapin si Lucas," ani niya naman nang makababa kami ng sasakyan. Ikaw ba anong gagawin mo ngayong araw?" tanong niya pa. "Uhmm, manunuod daw kami ni Aubrey ng cheerdance sa field mamaya, nag text siya sa akin ngayon lang." Ginulo na naman niya ang buhok ko. "Sige, ingat ka. Tatawagan nalang kita mamaya," saad niya at kinuha na ang mga costume nila sa likod ng sasakyan. Naglakad narin ako papunta sa canteen kung saan kami magkikita ni Aubrey. "Val!" Napalingon naman ako ng tawagin ulit ako ni Derek. "Bakit?" "Messy hair looks good on you, trying changing that buns next time," sambit niya naman at tuluyan nang umalis kaya nagulat ako. Hindi ko naman alam kung namumula na ba ngayon ang pisngi ko dahil everytime I blush sobrang namumula ang pisngi at tenga ko. Bwisit ka talaga Derek! Tumungo nalang ako sa canteen at mabuti nalang dahil wala pang ilang minuto akong naka-upo doon ay dumating na si Aubrey. "Val, huwag na muna tayong manuod ng cheerdance," bungad niya naman sa akin nang makarating siya kaya nagulat ako. "Bakit naman?" Inilgay niya naman ang kamay niya sa braso ko kaya alam kong may plano na naman 'to. "Manuod muna tayo ng laro nila Rio at Ian maya-mayang 8," saad niya naman kaya nagtaka ako. "Ha? Sino si Rio at Ian?" pagtatakang tanong ko pa. Wala rin naman kasi akong kilalang ganyang pangalan. "Loka! Si Manurios at si Damian girl, seniors natin." Napahawak naman ako sa noo ko dahil hindi ko naman alam na ganoon pala ang mga nicknames nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD