Chapter 2

2063 Words
Nagpasama nalang ako kay Aubrey papunta sa business office para mag process ng refund ng tuition ko pati narin ang scholarship. Kinalabit niya naman ako habang naglalakad kami kaya napatingin ako sa kaniya. "Bakit?" "Kailan 'yang scholarship na 'yan?" tanong niya naman sa akin. "Last semester pa 'to. Nawala narin nga 'to sa isip ko pero noong sinabi sa'kin kanina ni Ma'am Sitjar ay nagulat nga ako," sagot ko naman sa kaniya. "Saglit lang ha, umupo ka muna diyan at pipila lang ako," dagdag ko pa at humiwalay na kay Aubrey. Mabilis lang naman 'tong proseso ngayon dahil wala ng masyadong pila kaya matatapos ko narin 'to kaagad. Makalipas pa ang ilang minuto ay nasa last phase na ako kung saan pipirma nalang ng mga papers. "Thank you po," wika ko at umalis na papunta sa kinaroroonan ni Aubrey sa labas ng business office. "Okay na ba?" tanong niya naman nang makita niya ako. Tumango naman ako sa kaniya. "Oo, matutuwa nito si Tatay mamaya kapag namalan niyang iskolar ko ako. Hindi na siya mahihirapan para sa tuition ko," tugon ko naman sa kaniya. "That's good to hear, Val. Paano ba 'yan una na ako sayo, hintayin mo nalang si bebe mo Derek at alam ko namang magkasabay kayong umuuwi," saad naman ni Aubrey kaya nagulat ako sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Akma na sana siyang maglalakad kaya agad kong hinawakan ang bag niya dahilan upang mag bounce back siya pabalik. Tawang-tawa naman siya sa akin ngayon. "Akala mo hindi ko alam 'no? Huwag nga ako Valerie Sandoval, kaklase ko kayong dalawa at ka-close kita isa pa ang dali mo lang basahin kaya alam kong may gusto ka diyan sa bestfriend mo," pahayag niya pa kaya agad kong tinakpan ang bibig niya. Jusmeyo naman Lord! Off all people bakit isa pa sa kaklase ko ang makaka-alam ng tinatago kong sekreto? Lumapit naman agad ako sa kaniya. "Aubrey, 'wag mo nalang sanang banggitin kahit kanino 'to ha, crush ko lang naman si Derek atsaka alam kong may girlfriend na 'yung tao kaya dumidistansya narin naman ako," bulong ko pa sa kaniya. Mahinahon lang ang pakiki-usap ko kay Aubrey pero sasakalin ko talaga 'yan pag may nakaalam ng sekreto ko. Hinampas niya naman ako sa braso nang malakas sabay ngiti ng malapad. "Bakit ba kasi hindi mo nalang sabihin diyan kay Derek ang feelings mo? Alam mo ba, kapag nag-confess ka raw sa crush mo ay mawawala rin ang pagtingin mo sa kaniya in a matter of time." Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi ni Aubrey sa akin. May nakapagsabi narin noon sakin na effective nga 'yan daw, pero ewan sa ngayon kasi hindi ko pa talaga kayang sabihin lalo na at ang turing sa akin ni Derek ay parang kapatid lang sa ibang magulang. "Ah hayaan mo nalang 'yan, basta wala lang talagang makaka-alam at sasakalin talaga kita to the highest level. Alam mo namang problema ko pa ang mahor subjects natin ngayon kaya huwag na sanang magdagdagan pa," ani ko naman sa kaniya. "Ay siya ikaw ang bahala, Val. Sige na mauna na ako at dadaanan ko pa si Mommy sa opisina niya. Bye!" Kumaway na sa akin si Aubrey at naglakad papalayo. Naiwan naman ako ritong nakatunganga sa labas ng main gate ng school namin. Napansin ko namang vibrate ng vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha galing sa bulsa ng uniform ko. Tawag na naman ng tawag si Derek ngayon sakin. Luh, asa ka! Akala mo naman eh sasabay pa ako sa iyong umuwi. Padabog kong ibinalik ang cellphone ko at nagbantay na ng jeep pauwi sa Rizal. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay nila Derek kung saan na kami nakatira kaya hindi masyadong mahirap kahit maliban nalang kung rush hour. Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko agad si Tita Brenda na kausap ang iba niyang tauhan sa bahay. Hiwalay kasi ang bahay nila sa bahay namin na nasa gilid lang kaya malaya kaming nakakakilos ni Tatay. Nagulat naman si Tita nang makita niya ako kaya napatigil siya sa ginagawa niya. "Nasaan si Nonoy, Val? Bakit hindi kayo magkasama? Nag-away na naman ba kayong dalawa?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Tita nang umalis na ang tauhan niya. Napangiti naman ako at lumapit sa kaniya para mag beso. "Ay hindi po, Tita. May practice pa kasi ngayon si Derek para sa pageant kasama si Janelle kaya nauna na po akong umuwi," saad ko naman at inilabas ang scholarship paper ko. "Atsaka umuwi agad ako para ipakita 'to kay Tatay, iskolar na po ako ng paaralan namin kaya hindi na siya mahihirapan pa sa pagtatrabaho para sa tuition ko," dagdag ko pa sa kaniya. "Talaga? Talagang matutuwa nga niyan ang tatay mo, Val. Keep on chasing hour dreams dahil alam kong malayo ang mararating mo sa huli," sambit niya naman sa akin. Napapigil naman agad ako ng tawa. Hindi alam ni Tita na anak niya ang hinahabol ko until ko. Ka landi! "Kaya nga po, sige po pasok na po ako at maghahanda pa kao ng hapunan namin dahil marami pa akong gagawin mamayang gabi." "No need to cook for dinner, Val. Nagluto ako ng mga paborito niyong pagkain ni Nonoy kaya dito nalang kayo kumain mamaya," sambit naman ni Tita Brenda kaya napangiti ako. Siguradong nagluto siya ng adobong atay ng manok at chopsuey. Simula bata pa kasi kami ni Derek ay iyan palagi ang niluluto ni Nanay at ni Tita Brenda para sa akin. Napatawa naman ako dahil naalala ko na namang galit na galit sa akin si Derek dahil tinawag ko siyang Nonoy kanina sa school. "Ganoon po ba? Sige po. Ay nga pala kanina Tita, inis na inis sa akin si Derek dahil tinawag ko siyang Nonoy sa school," ani ko naman sa kaniya. Napa-iling nalang si Tita sa kwento ko sa kaniya. "You're the only one Derek could stand, napansin ko nga na kahit sa girlfriend niya ay hindi ganoon kahaba ang pasensya niya." Marahan naman akong napangiti dahil para sa Mommy ni Derek ay gusto niya ako para sa anak niya, pero hindi naman ganoon para kay Derek. "Nako nga po, sige magbibihis muna ako Tita para matulungan ko narin kayo sa ginagawa niyo," saad ko naman at naglakad na patungo sa bahay. Nagbihis na ako ng damit pambahay at iniwan na muna ang cellphone ko roon. Kadalasan kasi gabi na umuuwi si Tatay dahil sa trabaho kaya hindi narin siya tumatawag sa akin dahil alam niyang busy din ako sa pag-aaral. Nang makalabas ako ng bahay ay tamang-tama naman na dumating na si Derek at nagulat ako nang makita si Janelle sa likuran niya. Mag-iisang taon na kasi sila sa December pero dalawang beses ko palang yata nakitang pinapunta niya rito si Janelle. "Bakit hindi mo ako hinintay, Val? Tawag ako ng tawag sayo kanina pero hindi mo naman sinasagot," iritang wika ni Derek nang makita niya akong lumabas. Agad namang pumagitna sa aming dalawa si Janelle at napatingin sa akin. "Babe, hayaan mo nalang si Valerie atsaka ayaw mo bang masosolo lang kita sa sasakyan?" wika niya naman kay Derek kaya hindi ko alam kung masusuka ako o ano eh. Dali-dali na akong naglakad papasok sa bahay nila dahil hindi ko na masikmura ang ginagawa ng dalawang 'yon. Hindi ko nga maintindihan kung bakit diyan pa nahulog sa babaeng 'yan si Derek, hindi porket kapareho lang sila ng paboritong kape sa coffee shop dati noong enrollment palang sa college ay feeling niya nakatadhana silang dalawa. Pwe! "Nandito na po si Derek, Tita," saad ko naman kay Tita nang makita ko siyang naghahanda sa kusina. "Uhmm, kasama niya po si Janelle," dagdag ko pa. Napatigil naman si Tita sa kaniyang ginagawang plating. "Ang aga naman pala nila, akala ko kasi mamaya pa sila darating dahil sa practice," wika naman ni Tita at lumabas na ng kusina. Ipinagpatuloy ko nalang ang ginagawa niya rito at nilinis ang mga pinaglutuan. Kahit kasi na mayaman sila Tita ay hindi sila kumukuha ng katulong dahil nandito lang naman siya sa bahay nila. "Hi Hija, I hope my son's treating you right," dinig ko namang sabi ni Tita Brenda. "Derek has been the best boyfriend for me, Tita," sagot naman ni Janelle. Sana all nalang talaga. Hindi ko alam kung paano ko natitiis ang ganitong sitwasyon hanggang ngayon. Wala rin naman silang alam sa nararamdaman ko para kay Derek. Bakit ba kasi Lord? Bakit kailangang si Derek? May manliligaw din naman ako kahit papaano ah, atsaka sabi ni Nanay at Tatay maganda rin ako, kaya bakit kay Derek pa talaga Lord? "Val!" "Ay giatay ka!" nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni Derek sa harapan ko ngayon. Mabuti nalang at hindi ko nabitawan ang plato sa kamay ko. Trip na trip talaga akong asarin ni Derek, ba't hindi niya nalang hinarap 'yung jowa niya at maglaplapan nalang sila, hindi ba? Char, joke lang! "Mamaya nalang 'yan. Tara muna sa sala at nag-uusap si Janelle at si Mama," wika niya naman sa akin kaya inirapan ko nalang ako. "Mauna ka na, tatapusin ko lang 'to." Bahala ka diyan! Magiging cold ako sa'yo hangga't hindi mo hiniwalayan 'yang si Janelle. Pero syempre joke lang 'yon. Ayoko namang manira ng relasyon ng iba just because I love the person. Napakunot naman ang noo niya sa akin at lumabas nalang. Sinamaan ko naman siya ng tingin at tinapos na ang pagpupunas ng plato. Maya-maya ay lumabas narin ako at umupo sa tabi ni Tita Brenda. "Val is like a family to us na. Ilang taon narin silang tumitira rito with us kaya hindi na sila iba," wika naman ni Tita kaya biglang pumait ang tingin sa akin ni Janelle. Akala mo naman eh inaagaw ko ang boyfriend niya sa kaniya kung makatingin. Pasalamat ka ngang ako ang naging bestfriend ni Derek at mabait ako. "So what are your plans this Christmas break, Tita?" tanong naman ni Janelle. "We are planning to spend our Christmas sa province," wika ni Tita sabay tingin sa akin. "And we are planning to go with Val," dagdag niya pa kaya nagulat ako. Napatingin naman sa akin si Janelle. "You are higly privileged now, Val. How lucky of you," sambit niya. Ngumiti nalang ako sa kaniya dahil mukhang nagiging awkward na ang sitwasyon. "I'm home!" Nakahinga naman ako ng maluwang nang biglang pumasok si Tito Max sa bahay kaya doon na ako tumayo. "Excuse me po," mahina kong sabi at agad na pumunta sa kusina. Hindi ko kayang makitang masaya silang apat samantalang ako ay nasasaktan. Napapatingin nalang ako kanina habang hinahawakan ni Derek ang kamay ni Janelle. Ang sakit lang isipin. Ayoko pa namang nasasaktan ako dahil sobrang bilis kong umiyak sa maliliit na bagay. "Hanep na luha 'to, hindi na maubos-ubos," sambit ko naman sa sarili ko habang pilit ko itong pinupusan ng kanang kamay ko. "Bakit naiiyak ang prinsesa ko?" Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses ni Tatay galing sa likuran ko. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at napatingin sa kaniya. "Ang aga niyo naman ngayon, tay," sambit ko habang sobrang cracked ng boses ko. Ayaw ko kasing nakikita akong umiiyak ni Tatay dahil alam kong dadagdag lang 'yon sa iisipin niya. Nilapitan niya naman ako sabay bigay ng towel niya sa akin. "Bakit ka umiiyak? May nangyari ba sa paaralan niyo kanina? May nang-away ba sa'yo?" sunod-sunod niya namang tanong sa akin kaya napangiti ako. Umiling agad ako sa kaniya. "Wala po, tay. May good news nga akong sasabihin sa inyo eh, tears of joy lang po ito," sagot ko naman sa kaniya. Napatitig din sa akin si Tatay ng ilang segundo. "Ano namang good news 'yan?" "Iskolar na po ang anak niyo, Tay!" agad ko namang sabi. Natigilan naman siya sa sinasabi ko at nagulat ako nang maya-maya pa ay may mga luha nang tumutulo sa kaniyang mga mata. "Tatay naman, kita niyo pati kayo naiyak na?" biro ko pa sa kaniya. Tinapik naman ako ni Tatay sa balikat. "Pasensya ka na Val kung hindi ko maibigay sayo ang maginhawang buhay kagaya ng tinatamasa ngayon ni Derek, pero nagpapasalamat ako dahil may isang mabuti at mabait akong anak na katulad mo," ani niya naman. Pati ako ay naiiyak narin kay Tatay. "Huwag po akong mag-alala Tay, darating ang panahon na hindi niyo na kailangang mamasada ng jeep para lang may pabaon ka sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD