Third Person's POV Biglang natahimik si Sydney at hindi nagsalita. Alam niyang lumalalim na at iba na ang sinasabi ng Kuya Robi niya pero bakit parang na-excite pa yata siya roon. Pagkarating sa tapat ng kumpanyang pinapasukan ni Sydney ay bumaba na agad siya. Paalis na sana si Robi ng kumatok si Sydney sa bintana. Nang buksan ni Robi ay dumungaw si Sydney mula sa labas. "Kuya, sunduin mo ako mamaya, ha?" "Okay-okay... Sige na. Pumasok ka na." "Thank you, Kuya!" Hinintay naman muna ni Robi na makapasok si Sydney sa loob ng kumpanya niya bago niya ipasok ang sasakyan niya sa basement. "Goodmorning, Boss!" Bati ng guard na tauhan rin niya. "Goodmorning, si Dreco ba nandito na?" "Opo, Boss! Kanina pa po siya nandyan." "Okay." Nagmamadaling sumakay si Robi sa kanyang priva

