bc

One Hot Night With Mafia Boss (SPG)

book_age18+
1.0K
FOLLOW
6.9K
READ
dark
possessive
one-night stand
escape while being pregnant
dominant
twisted
serious
kicking
disappearance
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Blurb:

"You are in the wrong VIP ROOM, Miss." malamig na turan ng lalakeng nakatalikod.

Naninigarilyo ang lalake at umiinom na mag-isa. Napakadilim sa loob ng Vip room na napasukan niya.

Para bang takot ang lalake sa liwanag at parang mas lalo yata siyang natakot sa napasukan niyang silid pero no choice naman siya. Hindi niya gaanong maaninag dahil tila ba nanlalabo na rin ang paningin niya dahil sa epekto ng drugs na ini-inject sa kanya.

"I-I'm begging you, d-don't let me out. There are people who are looking for me and want to do me harm. Please, help me." nagmamakaawang saad ni Sydney. Punong-puno ng takot ang boses niya dahil hindi na niya maintindihan ang pakiramdam niya.

Humarap ang lalake kay pero talaga blurred na talaga pero pamilyar naman ang boses nito sa kanya.

"Don't worry, I'll save you for tonight, Sydney..."

At kinabukasan nga ay nagising na lang siya na katabi ang stepbrother niya na isa palang Mafia Boss!

ROBI MONDRAGON X SYDNEY ORTALEZA

chap-preview
Free preview
New Family
Third Person Pov "Boss! Tumawag si Don Enrico! Kailangan mo daw munang umuwi sa inyo dahil may importante daw siyang announcement." Pabatid ng kanang kamay ni Robi na si Draco. Nakatalikod si Robi habang naninigarilyo. Isang hithit pa ang ginawa niya sa kanyang yosi at agad na pinatay ang apoy at inilagay sa ashtray saka hinarap si Draco. "What kind of announcement?" Yumukod si Draco kay Robi. "Walang sinabi, Boss! Basta ang sabi niya ay kailangan nyo agad umuwi sa mansion nyo ngayon din!" Diretsong saad lang ni Draco. Napatiim-bagang si Robi kasabay ng pagkuyom ng kanyang kamao dahil tila ba may ideya na siya kung bakit gusto siyang pauwiin ng kanyang daddy Enrico. "Okay! Ihanda mo ang sasakyan at uuwi ako ngayon din!" "Okay, Boss!" Ani Draco at nagmamadali ng umalis sa harapan ni Robi. Tumayo si Robi at isinuot ang kanyang leather jacket. Naglagay ng dalawang baril sa bewang ngunit natatakpan naman iyon ng jacket na suot niya. Ang "Black Underground Organization" ay ipinamana kay Robi ng kanyang Daddy Enrico. Ayaw pa sana niyang tanggapin ang pagiging Boss ng organisasyon pero wala siyang mapagpipilian dahil siya lang ang nag-iisang anak ni Enrico Mondragon at Amelia Mondragon. At isa pa rin na nagtulak sa kanya ay ng hindi siya suklian ng pagmamahal ng babaeng minahal niya sa buong buhay niya kaya inilaan na lang niya ang kanyang sarili sa iba't ibang training na ipinagawa sa kanya ng kanyang ama. Anong ginagawa ng isang Robi Mondragon at ng buong grupo ng Black Underground Organization? Kabilang dito ang pagpatay, pangingikil, katiwalian sa mga pampublikong opisyal, pagsusugal, paglusot sa mga lehitimong negosyo, labor racketeering, loan sharking, tax fraud schemes at stock manipulation schemes. Sinusunod niya ang lahat ng sabihin ng daddy niya sa kanya. Lahat ng utos nito ay walang reklamong naririnig sa kanya. Ngunit ang hindi niya nagustuhan ay ang pakikipagdiborsyo ng daddy niya sa kanyang inang si Amelia sa hindi niya malaman na dahilan. "Kay idea ka ba sa announcement ni Daddy?" Ani Robi kay Draco dahil talagang hindi siya mapakali. "Wala rin boss dahil nitong mga nakaraang araw ay naging malihim ang iyong ama. Kahit nga si Benedict na pinagkakatiwalaan niya ay hindi niya isinasama sa lakad niya." Napabuntong-hininga naman si Robi. Sa isip-isip niya ay huwag sanang tumama ang bagay na namumuo sa isipan niya. Nang makarating sa mansion ay tahimik naman. Akala ni Robi ay kagaya din ng ini-anunsyo nito noon sa hiwalayan ng kanyang mommy at daddy na may event at sobrang dami pa ng tao. Pero ngayon ay iba na tila ba sa kanilang pamilya lamang ang anunsyong sinasabi ng kanyang ama. Bumaba si Draco at pinagbuksan si Robi ng pintuan ng sasakyan. Pagbaba ni Robi ay inayos muna niya ang suot niyang black leather jacket at saka naglakad na papasok sa kanilang big double door. "Sorry, dad. I'm late..." aniya sa kanyang ama dahil kahit naman hindi niya nagustuhan ang pakikipaghiwalay nito sa kanyang ina ay iginagalang pa rin naman niya ang kanyang ama. "No worries... You're just on time anak dahil paparating pa lang sila," ani ng kanyang Daddy Enrico. Napakunot naman ang noo ni Robi sa tinuran ng ama. "Paparating? Sino sila, Dad?" Nagtatakang tanong ni Robi. Buong akala niya ay babawiin na sa kanya ng daddy niya ang pamumuno ngunit tila mali yata ang kanyang hinala kanina lang. "You'll see it through yourself, hijo," wika ng kanyang ama at naglakad na palabas ng pintuan ng makarinig ng sunod-sunod na busina. Makisig pa rin ang daddy ni Robi kahit na nasa 48 years old na ito. Hindi mo nga aakalain na ganun na ang edad dahil maganda pa rin ang pangangatawan at higit sa lahat ay may abs pa rin ito dahil batak sa work out! Ilang sandali pa ay pumasok si Draco at may ibinulong kay Robi. "May bisita pala si Boss Enrico..." anito. Umayos ng upo si Robi. Pumwesto naman si Draco sa gilid ni Robi at pareho nilang hinihintay kung sino man ang bisitang paparating at pagpasok nga ng kanyang ama ay may kasama na itong babae at hawak pa ng daddy niya ang kamay nito. Tatayo sana si Robi pero inunahan na siya ng kanyang Daddy Enrico. "Maupo ka muna, anak. At huwag kang magsasalita hangga't hindi ko sinasabi." Nag-galawan ang magkabilang panga ni Robi at hindi na naman napigilan ang pagkuyom ng kanyang kamao saka umupo sa harapan mismo ng kanyang ama at ng babaeng kasama nito. Halatang may edad na rin ang babaeng kasama nito pero nangingibabaw pa rin ang angking ganda nito na dahilan siguro kaya nagustuhan pa rin ng kanyang ama. "She is Cornelia Ortaleza... siya ang magiging stepmother mo. So, be good to her and also to her daughter, Sydney..." pakilala ng kanyang daddy. "Kamusta ka, hijo..." tatayo pa lang sana ang babaeng nagngangalang Cornelia pero tumayo na at umalis agad si Robi sa harapan nito. "Robi! Huwag kang bastos!" Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong mansion. Maging ang mga katulong ay agad rin na yumukot at nahintakutan. "Dad- iutos mo na ang lahat sa akin pero huwag lang ang maging mabuti sa babaeng ipinalit mo kay Mommy!" "Hindi pa ako tapos!" Aniya ng kanyang daddy na pilit pinipigilan ni Cornelia. "Hayaan mo na siya, Enrico. Naiintindihan ko siya. Hayaan mo muna siya at huwag mong biglain na tanggapin ako ng ganun kadali. Hayaan mo at paghihirapan ko. Magiging maayos rin ang pakikitungo ng anak mo sa akin. Sinisigurado ko yan, sa'yo..." Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Robi sa railings ng hagdanan dahil sa sobrang laki ng tiwala ni Cornelia sa kanyang sarili. Naiisip pa lang niya ang nararamdaman ng kanyang mommy ngayon ay mas nasasaktan na agad siya para rito. Paakyat na sana ng tuluyan si Robi ng sundan siya ni Draco. "Boss! May isa pang bisita. Kakarating lang." mahinang sambit ni Draco kay Robi. "Finally hija... You're here..." rinig niyang sambit ng kanyang ama kaya agad siyang napalingon. Sinundan ang pupuntahan ng kanyang ama pati na rin ni Cornelia. "I'm sorry po... Na-late ako. Medyo traffic po e..." narinig ni Robi na boses ng isang babae. At ng tuluyan na ngang makapasok si Sydney ay natigilan si Robi ng makita niya ito at hindi inaasahang napatitig sa magandang mukha ng dalaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook