Scared

1012 Words
Third Person Pov "Dad, I'm leaving because I still have a lot to do there," ani Robi na hindi matukoy kung ano talaga ang gagawin dahil kaharap nito sa hapag-kainan si Cornelia at si Sydney. "Stay for a week," diretsong sabi ng kanyang daddy Enrico. "But, Dad?" "Robi!" May pagbabantang sambit ng kanyang ama and gave him a deathglare look! Nakita niya pang medyo nagulat si Sydney ng ibagsak ng kanyang ama ang kubyertos sa lamesa. "Okay, fine, Dad! No need to shout!" Walang choice na sambit ni Robi dahil kilala na niya ang ugali ng kanyang ama. Alam niyang kahit kailan ay hindi pa ito nagpatalo sa kanya. Napatingin ulit siya kay Sydney at hindi niya inaasahan na nakatingin rin pala sa kanya ang dalaga ngunit nagbaba agad ito ng tingin. Halatang naiilang rin sa kanya ang stepsister niya kaya napangisi siya. Sobrang ganda ni Syney. May maliit siyang hugis pusong mukha. Medyo singkit ang mga mata na may makapal na pilik-mata. Maayos ang pagkakadisenyo ng kilay, matangos ang ilong na bumagay sa maliit niyang mukha, manipis ang labi at sobrang pula na tila ba hindi pa nahahalikan ng kahit sinong lalake. Pero tila ba dedma ang lahat ng katangian na yun kay Robi. "Anak, kumain ka pa," ani Cornelia kay Sydney at nilagyan pa ulit ng isang sandok ng kanin sa plato nito. "Okay na po ako, mommy. Busog na po ako," ani Sydney na bakas ang pagkailang sa hapag-kainin. "Sigurado ka, hija?" Wika naman ni Enrico. "O-opo, ti-" "Just call me daddy too, hija." Ngumiti naman ng bahagya si Sydney. "O-okay po, d-daddy..." ani Sydney sabay sulyap kay Robi na mataman rin na pinagmamasdan pala siya. "Huwag ka ng mahiya, Sydney. Magmula ngayon ay isa na tayong pamilya rito. Right, Robi?" "Yes, dad..." walang ganang sambit ni Robi. Uminom lang ng tubig at nagpunas na ng table cloth sa bibig pagkatapos ay tumayo na. "I'm full. Mauna na ako sa inyo," ani Robi at tuluyan ng umalis sa hapag kainan. Napahabol na lang ng tingin si Sydney kay Robi ngunit paglingon ni Robi ay nanlaki ang mga mata nito dahil nahuli siyang nakatingin kaya agad ulit siyang yumuko. Nag-aalangan tuloy siyang iangat ulit ang mukha niya dahil baka nakatingin pa rin sa kanya ang kanyang kuya Robi. Robi is twenty eight years old while Sydney is twenty two years old. Marangya din naman ang buhay ni Sydney ngunit ng maaksidente ang kanyang daddy ay naubos ang lahat ng yun sa pagpapagamot. Naubos ang lahat ng negosyo at ari-arian nila pero na rin naman gumaling ang daddy nila at binawian rin ito ng buhay. Hanggang sa nakilala ng mommy niya ang tito Enrico niya na ngayon ay magiging stepdad pa pala niya. Nagka-utang ang mommy niya rito at hanggang ngayon nga ay hindi pa nila nababayaran pero hindi niya inasahan na ganito pala ang magiging kapalit ng utang na yun. Kakagaling niya nga lang sa trabaho ng sabihin sa kanya ng mommy niya ang tungkol sa pakikipagpisan ng kanyang Ina kay Don Enrico. Kung siya lang ang masusunod ay ayaw na talaga niyang mag-asawa ng panibago ang kanyang ina pero wala rin naman siyang nagawa dahil ngayon nga ay narito na sila sa mansion ng mga Mondragon. "Tulungan ko na po kayo," ani Sydney sa isang maid pero hahawakan niya pa lang ang isang baso para imisin ay mariin na siyang tinutulan ng mayordoma at sinabing... "Kung ayaw mong mapagalitan kami ni Don Enrico ay hayaan mo na kami dito sa gawaing ito, hija..." "Sydney na lang po," nahihiyang sambit niya sabay hindi ng paumanhin sa mayordomang pumigil sa pagtulong niya. Tila ba naiinip si Sydney dahil hindi siya sanay ng walang ginagawa kaya naman lumabas muna siya at tumingin-tingin sa paligid. Maraming pananim na halaman sa mansion ng mga Mondragon. May malawak rin silang swimming pool na animo'y ginagamit sa isang kompetisyon. Napansin rin niyang hindi ito mansion na nasa syudad dahil may mga puno rin na nakapalibot sa paligid. May tambayan rin sa likod bahay. May duyan din at mga bulaklak na tila ba alagang-alaga. Hahawakan niya sana ang isang pulang rosas na naroroon ngunit may pumigil sa kanya. "Don't you ever touch that! That flowe belongs to my mom and everything you see here." Tila ba parang nakuryente si Sydney sa bulaklak dahil na rin sa gulat sa pagsulpot ni Robi sa likuran niya. "S-sorry po, Kuya..." hinging paumanhin ni Sydney. Napangisi naman si Robi dahil sa pagtawag sa kanya ni Sydney ng Kuya dahil wala pang tumatawag sa kanya ng ganun dahil wala naman siyang kapatid. Do I gave you the permission to call me, Kuya? Kapatid ba kita para tawagin mo akong Kuya?" Ani Robi habang papalapit kay Sydney. "S-sorry... Hindi ko na uulutin..." ani Sydney na halatang natatakot sa awra at boses ni Robi. Habang papalapit si Robi ay siya namang paghakbang patalikod ni Sydney. Nahalata ni Robi ang paglayo nito sa kanya kaya huminto siya sa paglapit. "Aalis na po ako," nakatungong saad ni Sydney. Maglalakad na sana ito at lalampasan si Robi pero mabilis na hinawakan ni Robi ang braso ni Sydney. "Hindi pa ako tapos sa pakikipag-usap sa'yo. At kapag kinakausap kita ay ayaw kong tatalikuran mo ako. Naiintindihan mo?" Napalakas ang boses ni Robi at dahil hawak pa niya ang braso ni Sydney ay ramdam niya ang pagkagulat ng dalaga. "O-opo! S-sorry po ulit!" ani Sydney at pilit na hinila ang braso niya kay Robi at nagmamadali ng pumasok sa loob ng mansion. Sinundan ni Robi ng tingin ang papalayong si Sydney sa kanya. Ni isang kurap ay hindi niya ginawa na para bang gusto lang niyang pagmasdan ang bawat kilos ng dalaga at hanggang sa makapasok na nga si Sydney ng tuluyan sa loob ay nakapako pa rin ang tingin niya rito. Hindi maintindihan ni Robi kung bakit lagi na lang nakapagkit ang mga mata niya sa dalaga gayong gusto naman niyang kamuhian ito dahil sa panghihimasok sa pamilya nila. Napailing na lang si Robi at pumasok na rin sa loob ng mansion nila para sundan ang nahihintakutang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD