Third Person's POV "Daddy Enrico! Please po! Huwag nyo po akong dalhin sa ibang bansa! Huwag nyo po akong ilayo kay Kuya Robi!" Nagmamakawang saad ni Sydney. Hindi mapuksa ang luha niya. Iniisip pa lang niya na hindi na niya makikita si Robi ay parang hindi na niya kakayanin. "Enough! Sydney! Hindi mo na mababago ang isip ko kahit lumuha ka pa ng dugo!" Matigas na sambit nito. "Napakalupit nyo po sa akin! Daig nyo pa ang tunay kong ama!" Sigaw na ni Sydney. Tila ba nakalimutan na rin niyang galangin ito dahil sa sobrang pasakit na ibinibigay nito sa kanya. Batid niyang natigilan ang daddy Enrico niya pero hindi na ulit ito nagsalita at tinitigan lang siya ng ilang segundo. Pagkarating nila sa isang safehouse ay may lumabas agad na dalawang kalalakihan na naka-men in black. "Hawa

