Third Person Pov "Next is... Miss Sydney Ortaleza," "Ako po yun, Miss!" Nagmamadaling lumapit si Sydney ng marinig ang pangalan niya. Eksaktong kakarating lang din niya. Mabuti na lang at nakaabot pa siya kahit na trenta minutos na siyang late. "Direcho ka na sa office ni Boss." "Okay po," natutuwang saad ni Sydney at sumunod na siya sa babaeng sa babaeng nagturo ng daanan sa kanya. "Kumatok ka lang ng tatlong beses bago ka pumasok," dagdag pa nito. Pagtapat sa pintuan na may nakalagay na Office of The CEO ay kinakabahang kumatok si Sydney. Sinunod niya ang sinabi nung babae na kumatok ng tatlong beses bago pumasok. Pagpasok niya ay tila ba nagulat pa siya dahil supposed to be lalake ang inaasahan niyang Boss niya pero babae pala. "Goodmorning, Ma'am! Sorry, I'm late!" Bati

