Third Person's Pov Nang magising si Sydney kinaumagahan ay medyo maayos na ang pakiramdam niya. Napansin niyang iba na rin ang damit na suot niya na hindi niya alam kung sino ba ang nagpalit niyon. Nakarinig naman siya ng munting katok at pagpasok nito ay nakita niyang si Ella pala na may dalang pagkain. "Utos ni Sir Robi na dalhin ko ito sa iyo. Siya rin ang nagluto niyan dahil may lagnat ka raw kagabi." Kwento pa ni Ella. Bahagya pang bumangon si Sydney mula sa kanyang higaan pagkababa ni Ella ng pagkain sa ibabaw ng kama niya. Nakalagay sa wooden tray ang pagkain kaya hindi naman matatapon iyon. Ramdam niya pa rin ang panghihina ng katawan niya pero sa tingin niya ay kaya naman na niyang kumilos ng maayos. "Siya ang nagluto nito?" Ulit pa ni Sydney. "Oo, arrozcaldo yan tapos

