Third Person POV "Wow! Sobrang ganda naman dito!" Namamanghang saad ni Sydney ng makita kabuuan ng lagoon. Pagkatila ng ulan ay inaya na siya ni Robi. Pumasok sila sa kagubatan. Maraming mga malalaking puno. May iba't ibang uri nf bulaklak at may mga puno rin ng saging na hitik na hitik sa bunga at ng malampasan nga nila ang liblib na lugar ay bumungan na nga sa kanila ang lagoon na kulay blue ang tubig. Agad na lumangoy at lumusong si Sydney sa tubig hanggang sa kanyang baywang. "Robi! Halika! Ang sarap dito at ang lamig ng tubig!" Aya niya kay Robi. Napansin kasi niyang nakatanaw at nakatitig lang sa kanya ang kanyang nobyo. Agad namang hinubad ni Robi ang bathrobe niyang suot at itinapon sa kung saan at mabilis na sumunod sa nobya. Nang makalapit siya rito ay sumisid siya palil

