Third Person's Pov Ngiting-ngiti si Sydney habang yakap ang isang bouquet of roses. Ngunit pagharap niya ay bigla niyang nakita ang nakasimangot na mukha ni Robi habang nakasandal sa pader at nakahalukipkip pa. "Oh? Kuya? Anong ginagawa mo rito?" Gilalas ni Sydney pero hindi pinansin ni Robi ang tanong niya bagkus ay nagtanong rin ito. "Sino yun?" Tanong ni Robi na hindi maipinta ang mukha. Nang makababa kasi si Robi ay nakasakay na rin ang lalakeng nagbigay kay Sydney ng bulaklak. "Sino?" Maang-maangan pa ni Sydney dahil natutuwa siya sa hitsura ng Kuya niya ngayon. "Sino pa? E di yung nagbigay ng bulaklak na yan?" "Ah- yun ba? Manliligaw ko, Kuya. Ang sweet diba? Inaaya pa nga niya akong lumabas kaso sabi ko ay mamaya na lang pag-out ko ng hapon." Natutuwang kwento pa ni Sydney

