bc

Hunt the Renegade

book_age16+
43
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
second chance
humorous
lighthearted
kicking
straight
lucky dog
magical world
kingdom building
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Hunter is not a renegade, nor he is a wanted criminal, but when he is mysteriously transported into a magical yet dangerous world called Eldan after a fatal incident, everybody in this new world considered him as one, calling him the King of Darkness, the fallen King of Eldan who posed a serious threat to the Eldan Tyrant King and his army.

And not only did Hunter resemble the fallen King of Darkness, but they both also share the rare ability to control the rare Eldan Generals--- mysterious and powerful beings that are said to have the power to destroy the whole universe. With him a burden that was not even his in the first place, Hunter will try to escape Eldan and go back to his normal life, but that is only easier said than done as everyone who wants to have the powers that he has are all after him.

Will Hunter survive, or will he rise from the ashes and embrace his shared fate with this unknown fallen king?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Si Van Renegade
Walang tigil sa pagtakbo si Hunter. Kanina pa siya hinahabol ng mga armadong lalaking hindi niya naman kilala. Aminado naman siyang isa siyang bulakbol at malapit siya sa away lalo na sa baranggay nila, ngunit hindi tungkol sa pagiging basag-ulo niya ang dahilan kung bakit may mga taong gusto siyang mahuli.  Ang nakakagulat nga lang para sa kanya, hindi niya alam kung bakit siya hinahabol ng mga ito. Bigla na lang nagsulputan ang mga lalaking ito nang makarating siya sa lugar na ito at tinawag pa siya sa pangalang hindi naman kanya. May mga armas ito, na hindi niya sigurado kung mga armalite ba o mini version ng mga kanyon, pero nang makita niya ang mga yun na nakatutok sa kanya, tumakbo na siya kaagad. Hindi niya nga alam kung nasaan siya, kaya't sigurado siya na hindi siya ang tinutukoy ng mga humahabol sa kanya. Malakas ang kutob niya na napagkamalan siya ng mga ito na ibang tao. Kaya nang mapagod na siya sa kakatakbo, huminto na si Hunter at napasandal siya sa isang pader. Hindi niya talaga alam kung ano ang nangyayari ngayon sa kanya, pero malakas ang kutob niya na hindi ordinaryong bagay ang nangyayaring ito. Ang alam niya kasi ay dapat patay na siya ngayon. Tandang-tanda pa ni Hunter kung paano siya nahulog mula sa ikasampung palapag (na tinatawag din nilang rooftop kahit na may palapag pa sa taas nito) ng building kung saan siya nagtatrabaho bilang isang isang hotel employee. Nakipagsuntukan siya sa isa sa mga katrabaho niya na nalaman niyang isinumbong siya sa boss nila. Nauwi sa matinding sapakan ang confrontation nila ng katrabaho niya, hanggang sa aksidente siyang mapunta sa gilid ng rooftop ng building. Sa sobrang gulat niya ay nawalan siya ng balanse kaya nahulog siya. Sigaw nga siya nang sigaw noon. Alam niya kasi na katapusan na niya. Nag-flashback na sa kanya ang buong buhay niya. Isang buhay na walang masyadong nangyari pero masaya rin naman. Isang buhay na ayaw niya muna sanang matapos, kaya noong mga sandaling iyon, napapikit na lamang siya at napadasal na kung maari ay mabigyan sana siya ng second chance. Na kung sana ay mailigtas pa siya mula sa tiyak na kamatayan.  Pagkabagsak niya, buong akala niya ay unti-unti na siyang mauubusan ng hininga. Tumama siya sa isang matigas na bagay, pero hindi iyon konkretong semento gaya ng inaasahan niya. Doon na siya napaisip, lalo na nang ma-realize niya na nakakakilos pa siya. "Ano'ng nangyayari?" tanong ni Hunter sa sarili niya. Napatingin siya sa paligid niya, at laking gulat niya nang mapansin niyang wala siya sa lugar kung saan siya pumapasok sa trabaho niya. Ni hindi niya nga makita ang building kung saan siya dapat galing. Kinilabutan si Hunter, dahil nalaman niya na wala na siya sa Manila kung saan dapat siya naroroon ngayon! "What the---?" Hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya nang maramdaman niya na gumagalaw pala ang sahig na pinagbagsakan niya. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil nakita niya na isang tao pala ang pinagbagsakan niya! Kaya naman pala hindi ganoon kasakit nang bumagsak siya!  Niyugyog ni Hunter ang lalaking pinagbagsakan niya ngunit wala itong malay. Naisip niyang baka nasakatan ito sa pagbagsak niya mismo sa katawan nito kaya naman kaagad siyang umalis dito at chineck niya pa kung buhay pa ba ito. Mabuti na lang at humihinga pa ang lalaki na nabagsakan niya. Isa itong lalaki na siguro ay nasa mid 40s. Ang napansin nga lang ni Hunter ay nakasuot ito ng kakaibang costume. Para itong isang mandirigma sa suot nitong armor na gawa pa yata sa kumikinang na bakal.  Muntik nang mapamura si Hunter dahil na rin sa magkahalong pagkalito at kaba. Ang alam niya kasi talaga ay dapat patay na siya. Dapat nagkandalamog-lamog na ang katawan niya pagkabagsak niya sa sementong parking lot ng building kung saan siya nagtratrabaho. Pero narito siya ngayon sa isang lugar na hindi niya nga alam kung ano. Ang alam niya lang ay mistulang nasa isang abandonadong theme park siya, dahil nakita niya na nasa labas lang siya ng isang sira-sira at lumang palasyo na gawa sa bato. Parang ito 'yung makikita mo sa mga theme parks abroad, kaya hindi maintidihan ni Hunter kung bakit narito siya. Lalo pa at wala man lang nangyari sa kanya. Maya-maya, bago pa man siya makabawi sa gulat at pagkalito, nakarinig siya ng tunog ng mga sapatos at sa isang iglap, napapalibutan na siya ng grupo ng mga kalalakihang may suot na costume na kagaya ng lalaking walang malay na nabagsakan niya nang hindi sinasadya. Kaagad nilang nakita ang kasamahan nila na nakahandusay sa lupa, at kaagad din nilang initutok ang kakaiba nilang mga sandata kay Hunter. Napaatras siya dahil doon. "Huwag kang gagalaw!" sigaw ng lalaking nasa gitna nila na parang lider nila. "Sa wakas, nagpakita ka rin, Van Renegade!" Itinuro ni Hunter ang sarili niya dahil hindi niya sigurado kung siya nga ba ang kinakausap nila. Lumingon pa siya sa kastilyong nasa likuran niya para siguraduhing walang ibang tao roon. Wala siyang nakita kaya ngayon alam na niyang siya talaga ang kinakausap ng mga ito. "Alam namin na magbabalik kang muli ngayon dito sa dati mong palasyo! Kaya sa ngalan ng Mahal na Haring Octavius ng Kaharian ng Eldan, ikaw ay inaaresto namin!" Napalunok ng laway si Hunter sa biliis ng pangyayari. "Teka mga 'tol, nagkakamali yata kayo---" "Hindi kami nakikipaglaro sa 'yo, Van Renegade!" "Gatorade? Ano'ng Gatorade ang sinasabi niyo?" "Tama na ang laro! Kung hindi ka kusang susuko sa amin, idadaan namin ito sa marahas na pamamaraan! Mga Kawal ng Eldan, paputukan siya!" Napasigaw si Hunter dahil hindi niya inaasahang totohanin ng mga 'to ang pagpapaputok nila sa kanya. Wala siyang nagawa kung hindi ang tumakbo papasok sa lumang palasyo. Sunod-sunod ang malalakas na pagsabog na narinig niya, kaya buti na lamang at nakaalis siya sa kinatatayuan niya kanina kaya nakaiwas siya doon. Yumanig pa nga ang buong palasyong pinasok niya dahil sa mga pagsabog na iyon. May nagbagsakan pang mga bato at alikabok mula sa taas dahil sa lakas ng impact ng mga pagsabog mula sa kakaiba nilang mga armalite. "Mga Kawal ng Eldan, sundan siya!" Narinig iyon ni Hunter, kaya mas lalo lang siyang tumakbo mula sa mga lalaking gusto siyang hulihin. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit siya hinahabol ng mga ito. Napagkamalan ba siya ng mga ito bilang ibang tao? O baka naman sinasadya ng mga 'Kawal ng Eldan' na ito na lituhin siya? At bakit siya nandito sa lugar na ito in the first place? Dapat nasa Manila siya, patay at nakahandusay na sa sementong dapat ay pinagbagsakan niya nang mahulog siiya mula sa rooftop ng hotel na iyon. Kaya imposible ang nangyayaring ito. Hindi kaya nasa impiyerno na siya? Ito na ba ang itsura ng impyerno? Ito na ba ang parusa sa kanya dahil sa pagiging barumbado niya? Naguguluhan talaga siya.  Pero kailangan niyang makatakas mula sa mga humahabol sa kanya. Kailangan niya ng tulong.  "Andito siya sa may hagdan!" sigaw ng isa sa mga kawal na humahabol sa kanya. Nagpaputok ulit ito at sa kasamaang palad ay tinamaan na si Hunter sa binti niya. "Ayun! Nasapul din kita!" Napamura na talaga si Hunter. Napuruhan kasi ang binti niya. Tiyak mahuhuli na siya ngayon. Pero ang ikinagulat niya pa, hindi siya kaagad nilapitan ng mga Kawal ng Eldan na ito. "Ano? Ngayon niyo lang na-realize na hindi ako ang hinahabol niyo? Mga siraulo kayo! Kailangan ko pa palang mapilayan para makita niyo na hindi ako ang Gatorade na hinahanap niyo!" "Humanda kayo sa pagdating niya, mga Kawal ng Eldan! Dahil kung ang lalaking ito nga si Van Renegade, magpapakita ngayon sa atin ang babaeng yun!" Galit na talaga si Hunter sa mga Kawal ng Eldan na ito. "Bakit niyo ba ipinagpipilitan na ako ang taong tinutukoy niyo? Hindi nga ako siya! At walang darating na babae rito, kaya lubayan niyo na ako mga tsong!"  Ngunit pagkasabi lamang noon ni Hunter, isang babae ang bigla na lamang sumulpot mula sa kawalan. Isang babae na sigurado siyang hindi niya pa nakikita kahit kailan.  "Ayan na siya! Ang babaeng anino na si Luna!" sigaw ng mga Kawal ng Eldan, at nagtakbuhan ang mga ito. Nakita naman ni Hunter na hinabol sila ng misteryosang babae na nakasuot ng costume na parang sa ninja. Itim at fit ang suot niya na parang kay Catwoman, tapos may hawak siyang isang mahabang katana. Mahaba rin ang nakatali niyang buhok, at nakatakip ang mukha niya kaya mata lang nito ang nakita ni Hunter. Natigilan pa nga siya dahil pula ang mga mata ng babae. Pula na parang umaapoy ang mga ito. "Ayos ka lang Van?" tanong nito sa kanya pero hindi makasagot dito si Hunter. "S-Sino ka?" Sa wakas ay nakapagsalita siya. Pero natatakot na talaga siya dahil mas lalo lang gumulo ang lahat sa pagsulpot ng babaeng ito. "Ako? Hindi mo na ako matandaan? Ako si Luna, ang iyong anino," sagot naman nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.2K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.2K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook