The Encounter: Part 1
Napabuntong hininga ako at bagsak balikat na pumasok sa Grocery, bakit kasi kailangan pang magisa ako?! Haiisstt wala naman akong magagawa kung di sumunod na lang, baka masermonan pa ako ng bruha este ni Mama ehe, at alam ko namang gagabihin siya ng uwi at bored din ako sa bahay kaya grocery na lang talaga ang magagawa ko for now, and I'm also tired dahil sa school mag hapon bakit kaya kailangan pang pumasok eh may libro naman pwedeng mabasa. Mindset ba mindset, anyways bakit ko ba kinakausap sarili ko? Nababaliw na talaga ako umiling-iling ako at kumuha na ng cart nagsimula na akong maglakad habang hawak ang cart, kinuha ko ang listahan mula sa bulsa ng jacket ko at binasa ang listahan, simple lang naman ang pinapabili ni Mama yung mga kailangan lang though I'll add some things para sa mga nakalimutan niyang ilagay. Isinampa ko ang paa ko habang tulak ang push-cart, naglakad ako papunta sa isang Aisle at kumuha ng mantika inilagay ko na ito sa cart at kinuha ang pen para lagyan ng line ako nakuha ko na, natapos kong kunin ang kailangan sa kusina ay naglakad ako papunta sa aisle ng hygiene section, as I scanned the products I sighed seeing that the toilet paper is on the top shelf. I pursed my lips as I tried to reach it, pero dahil sa maliit ako ay syempre hindi ko naabot, bakit kasi kailangan nasa top shelf pa?! I crunched my nose trying to reach it but before my fingers touched it, a long slender hand grabbed it.Tinignan ko ito at inayos ang sarili ko, her eyes scanned me as she gave me the bundle. I took it from her hands and put it in the cart, looking back at her.
"T-Thank you..." I muttered, she just turned around and walked away but stopped and tilted her head to look at me.
"Don't try and reach it, if you really can't," She muttered. Hindi na ako nakapag salita pa ng maglakad na ito palayo, weird niya pero parang hindi naman siya nagtatrabaho rito, tinitigan ko siya sa malayo ng kumukuha siya ng chips, her outifit caught my eye. A loose black poloshirt na longsleeves and ripped tight jeans, paired with white converse shoes and buhok naman niya ay wolf-cut. Damn, that outfit kahit sino sigurong lalaki ay mapapatitig sakaniya also girls, namulagat ang mata ko ng bigla itong tumingin saakin at bumuntong hininga nag-iwas ako ng tingin at kinuha ang shampoo na gamit ko. I had my eyes on my feet as I could feel her presence beside me.
"Kung pulis ang tinititigan mo, kanina ka pa hinuli." Napatingin ako sakaniya.
"H-Huh?" Nauutal na tanong ko sakaniya, tinignan naman niya ako ako at umiling-iling.
"You're staring." She simply said, parang umakyat ang init papunta sa pisngi ko. Nakakahiya ka talaga Shin!! Nilagay niya ang kamay niya sa loob ng bulsa niya, ang singkit niyang mata, her sharp jawline and nose, her thin pinkish lips. Mas lalo siyang gumanda ng malapit ko na siyang matignan, g*go kasi Shin nakakahiya ka bat mo pa tinitigan. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at hinawakan ang handle ng push-cart ko: tinignan ko siya at tinignan niya ako.
"Tulungan na kita, ano pang tira jan sa list mo?" Tanong niya at tinignan ang listahan sa kamay ko. Umiling ako ng mabilis at tumawa ng mahina. "You don't have to! I can manage," I smiled. She looked at me for awhile before taking it back in her pocket, giving me a nod. "If you say so," She walked off, making me sigh and walking away. Well, is that weird? Pero, bihira na lang ganiyang tao tulad sakaniya na gustong makatulong but, these days kailangan din magingat naku daming manloloko, hirap na magtiwala. Natapos kong kunin ang spices ay napabuntong hininga ako, finally nakuha ko na din lahat. Tulak ang push-cart ay naglakad na ako papunta sa cashier para magbayad, nilagay ko na ang lahat sa counter para ma scan na ng magring ang phone ko napangiti ako ng makita ko ang caller, agad ko itong sinagot.
"Ma," Rinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Saan ka na, nak?" Tanong niya saakin.
"Nasa grocery pa, bakit?" Tanong ko pabalik. "Sorry, di kita masusundo jan. Pinag extend kami ng boss ko, ingat ka sa paguwi ha? Ikaw na din magluto ng makakain mo, sorry talaga nak." Nagaalalang saad niya, napabuntong hininga ako at ngumiti ng tipid. "Okay lang po naiintindihan ko po, sige na ma. Focus ka na jan," Binaba ko na ang call at binalik sa bag ko ang phone, pano ko naman ka toh mabibitbit lahat?? Hayyyy, pag minamalas ka nga naman. Binayaran ko na ang lahat at kinuha ang tatlong mabigat na bag, napakagat ako ng labi. Ang bigat! Bakit kasi andaming pinabili tas di naman pala ako masusundo! Hands took 2 of the bags as I heard a light chuckle. "Now, you need my help." Nag-angat tingin ako at natawa na lamang. Tangina talaga nakakahiya, it was the same woman na nagbigay sakin ng tissue haiisstt.
Tahimik kaming naglakad, the only thing you can hear is the cars passing by at ang tunog ng sapatos namin.
"First year?" Napatingin ako sakaniya.
"H-Ha?" Nauutal kong saad. Napatawa siya ng mahina at tinignan ang uniform ko.
"Your uniform, first year ka lang." Sagot niya saakin, napatingin naman ako sa uniform ko at tumango.
"Yeahh, kakalipat lang kasi namin dito. Today was my first day," Nakangiting sagot ko sakaniya. She hummed.
"Ohh, how was it?" She asked. I sighed grabbing on the strap of my bag na parang doon ako kumukuha ng lakas.
"It was great, tiring at the same time." I answered, looking up at the skies. She smiled, making me stop and stare at her. Like the world stopped and looked at her, her smile looked peaceful yet something was... Wrong with it, or ako lang? Natigilan siya at tumingin saakin. "May problema ba?" Tanong niya. Nabalik ako sa realidad at ngumiti, umiling ako at tumakbo pabalik sa tabi niya. Umihip ang malamig na hangin at nagsimula ulit kaming maglakad. "Where did you came from?" Tanong niya.
"Sa sinapupunan ng nanay ko," Simpleng tanong ko sakaniya. She tsked, shaking her head at Inirapan ako.
"Tangina, saan kayo nakatira dati? Sinapupunan ka jan." Natawa naman ako sakaniya ng tignan niya ako at tumawa din, umiling-iling ako at tumango.
"Bakit kasi!? Dapat klinaro mo, anyways. Sa Japan ako lumaki," Nagkunot noo siya at tinignan ako.
"Japan? Pero ang galing mo mag-tagalog," Tumango ako at ngumiti. "Lumaki kasi ako sa bahay ni Mama, but it changed when I moved to my grandmother's. She's strict and you have to speak in pure katanaka strictly. It was hard, yet I enjoyed it." Sagot ko sakaniya. Tumango naman siya at tumigil kami sa pedestrian para tumawid, hinawakan ko ang jacket polo-shirt niya na ikinatingin niya saakin at ngumiti, inalis niya ang kamay ko sa shirt niya at hinawakan ito. Narinig ko ang pagtawa niya. "B-Bakit?" Nauutal kong tanong. "Namumula ka," Tawa niya. Tumingin na lamang ako sa dinadaanan ng makatawid kami, binitawan niya ang kamay ko ng maglakad muli kami, nakita ko na ang building kung saan kami nakatira kaya naman ay binilisan ko na ang aking pahlalakad.
"Wait lang, malapit na ba?" Tanong niya. Tumango naman ako at tumigil na sa harap ng building. "Dito na tayo," Ngiting saad ko. Tumango naman siya ng lumapit saamin ang guard at kinuha ang bags mula sa kamay niya. Bumuntong hininga ako.
"Thank you," Nakangiting sabi ko sakaniya. She smiled and shook her head.
"No need... Ingat ka," Napatawa naman ako ng mahina. "Ikaw mag-ingat, sige na. Late na, thank you ulit. Miss?" She lent her hand out. "Jin," She said. I nodded, smiling and shaking her hand. "Thank you Jin, have a good night." I smiled and walked off, akmang papasok na ako sa glass door ng... "Hey!" Napatingin ako sa likuran ko at kumunot ang noo ko. "Yes? You need something?" I asked.
"I didn't catch your name," She replied. I smiled, shaking my head. "You'll know..."
"If we meet again..."