CHAPTER 5 [Meet]

1388 Words
Katana's POV "Kat, try mo naman ito, sambit ni Tif at saka iniabot sa akin ang isang dress. Napakunot ang noo ko. Damit pa ba ito? Parang kinulang na sa tahi, walang manggas, nasa bandang dibdib na 'yong natatakpan tapos hindi man lang umabot sa tuhod ko ang haba. Tube yata tawag dito. "Aba naman Tif. Pang ilang damit na ba 'to? wala ka parin ba napipili. 'yong mga damit na pinapatry mo mga kulang ang pag kakatahi," kunot noo kong sabi sa kanya habang hawak hawak itong damit na binigay nya sa akin. Wala na bang mas titinong damit ang ipapatry nya sa akin. "Trending 'yang mga damit na pinapatry ko sayo, wag ka nang umangal pa. Sige na pumasok ka na sa fitting room, itry mo na yan." Sabi nya habang tinutulak ako papasok ng fitting room. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pagpipilit nya sa akin. Wala ngayon dito si Cherry dahil sinamahan nya muna si Travis gumala, kaya eto ako ngayon kasama si Tif para pumili ng damit maisusuot ko mamaya sa interview. Di ko nga alam kung interview pa ba ang pupuntahan kasi 'yong mga damit na pinapatry nya sa akin ay pang party. Nang makailangtry ako ng damit ay nakahanap na rin si Tif ng damit na susuotin ko mamaya, 'yong ibang damit natinry ko na nagustuhan nya ay binili nya rin. Tultol man ako sa pag bibili nya non ay hindi s'ya nag patinag, binili nya parin. Ang tigas ng ulo eh. Alas-dose na ng tanghali nang matapos kami sa pamimili ng damit. Grabi si Tif, inabot kami ng ilang oras para mamili lang ng damit. Kanina pa sumisigaw ang mga alaga kong dragon sa tiyan dahil gutom na gutom na. "Tara na Kat, nasa Mcdo ngayon sila Cher, puntahan na natin. Kanina pa 'yn nag hihintay," nag mamadali nyang sabi sabay buhat ng mga pinamiling damit, ang iba naman ay ako na ang nag buhat, sa dami ba naman ang pinamili. Malapad ang ngiti ko habang pababa ang escalator, sa wakas makakakain narin ako! Kanina pa ako nagugutom. Ano kaya ang pwedeng kainin at inumin? Chicken? Spaghetti? Fries? Shet! Ginugutom na ako dahil sa kakaisip kung ano ang pwedeng kainin. "KAT!" malakas na sigaw ni Tif na nagpabalik sakin sa reyalidad. Bago pa man ako makapag react ay nabunggo ko na ang sa isang pigura. Dahil sa lakas nang pagkakabunggo naming dalawa ay parehas kaming tumalsik pati na rin ang mga dala dala ko. "Putangina naman oh! Tumingin ka nga sa dinadaanan mong babae ka!" malakas na sigaw ng lalaki na nabunggo ko. Abat! Walang hiya rin 'tong lalaking 'to. Parang s'ya tumitingin sa dinadaanan nya. "Tangina mo rin! Ang lakas ng loob mong murahin ako. Gago ka ba!" sigaw ko rin sa kanya pabalik at saka tumayo na sa pag kakaupo. Tiks yan, ang sakit ng pwet ko. Tinignan ko ang itsura ng lalaking nakabungguan ko. Masyadong kahina-hinala ang pananamit nya. Naka black hoodie habang may yakap yakap na bag na hindi ko alam kung sa kanya nga ba iyon, pang babae kasi ang bag. "MAGNANAKAW!" sigaw ng isang babae sa di kalayuan habang tumatakbo sa direksyon ng lalaking nakabungguan ko. "Tangina! Malas naman oh!" bulong nya habang nakatingin sa ginang na tumakbo papalapit sa kanya at saka mabilis na tumakbo. Bumaling ako kay Tiffany na papalapit na sa akin. Inayos ko ang pagkakaipit ng buhok ko pati na rin ang damit kong medyo nagusot. "TIF! IKAW MUNANG BAHALA DITO!" malakas kong sigaw saka mabilis na tumakbo. Sinundan ko ang direksyon na dinaanan ng lalaki. Malayo na s'ya sa akin dahil sa bilis nang takbo nya. Buti na lang naka jogger ako at tshirt, madali lang tumakbo. Dahil tanghali na, kakaunti na lang taong nandito sa gitna ng mall. Ang malas talaga, nagugutom na nga ako tapos ito pang walang hiyang magnanakaw na ito ninakaw pati 'yong kwintas ko, hindi ko napansin noong una pero kalaunan habang tumatakbo ako doon ko na napansin na nawawala na pala ang kuwintas ko. Nakuha nya siguro iyon noong magkabungguan kami. Mabilis akong tumakbo, hindi ko tinatanggal ang tingin sa lalaking hindi kalayuan sa akin. Hanep din 'to ang bilis tumakbo. Nakita ko ang mabilis na pag liko na nya papunta sa kanan. Mas binilisan ko pa ang pag takbo at saka lumiko rin sa parehas na dinaanan ng lalaki. Napahinto ako sa pag takbo nang makita kong maraming naka hood sa harapan ko. Wala na rin 'yong tumatakbong lalaki. 'Tiks yan naisahan ako!' Nilibot ko ang tingin sa lugar, doon ko napagtanto na nasa Arcade section na pala ako. Maraming mga naka hood black ang nag lalaro, may mga bata rin at bilang lang ang mga babae. Buset! nasaan na 'yong magnanakaw na iyon. Wala na s'yang matatakasan pa dahil nandito ako sa entrance, kailangan ko na lang kilalanin kung sino sa mga nakahood ang magnanakaw. Pinagmasdan ko ang mga papalabas. Tinignan ko isa isa ang mga mukha nila pati ang pustura. Dahil galing ang mag nanakaw na 'yon sa pag takbo ibig sabihin, pawisan ang taong iyon at saka nakahawak sa bandang tiyan dahil tinatago ang bag na ninakaw. "WHAT THE FCK IS YOUR PROBLEM?!" Nakarinig ako ng sigaw gilid na bahagi ng arcade section, ang sunod kong narinig ay ang malakas na kalabog. Pumunta ako sa pinanggagalingan nang ingay, nakita ko doon ang tatlong lalaki na nakatayo habang pinapalibutan ang kawawang lalaki na nakaupo sa sahig. "Aba't di naman yata pwede 'yan. Tatlo kayo tapos 'yong pinagtutulungan nyo isa lang, wala pang kalaban laban," sabi ko habang naka hawak sa batok at tinitignan sila. Napalingon sa akin ang tatlo, pati na rin ang lalaking nasa sahig. Got you. "Wag ka ngang mangealam dito," sambit ng isa. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa lalaking iyon, parang nasobrahan naman yata 'to sa hikaw pati sa bibig at ilong meron. "Akin na iyang lalaking 'yan. Malaki ang atraso n'yan sa akin," usal ko at lumapit na sa direksyon ng lalaki. Bago pa man ako makalapit ay humarang na sa akin ang dalawang alagad ng lalaki. "I don't give a damn," malamig at seryosong sambit ng lalaki, leader yata nitong dalawa. Hindi ko masyadong kita ang itsura nito dahil sa mahabang buhok nya. "Ibigay mo na sakin ang lalaking 'yan," malumanay kong sambit at saka hinawi sa magkabilang gilid ang dalawang lalaki. Hindi ko pinansin ang lalaking mahaba ang mukha ay 'yong buhok pala. Umupo ako sa lapag para magkalebel na kami ng lalaki at saka kinuwelyuhan s'ya para patayuin. "Nasaan na ang mga ninakaw mo?" bulong ko pero umiling lang siya. Hindi nya magawang tingnan ang mukha ko dahil sa nerbyos. "Give that asshole to me, b***h," usal ng lalaki sa likuran ko at pinatong ang kamay sa balikat ko. Malakas kong hinawi ang kamay nya. Badtrip na ako kaya wag na nilang dagdagan ang pag kabadtrip ko, mga hinayupak na 'to. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa lalaki hawak ko ang kwelyo saka malakas ko s'yang sinikmuraan, dahil sa lakas nang pagkakasuntok ko ay napaubo siya. Naramdaman ko ang pag tahimik ng paligid siguro ay dahil iyon sa malakas na pag suntok ko na nagpalikha nang ingay sa loob. Pabalang kong binitawan ang lalaki at hinayaan s'yang umubo nang umubo. Ang lakas ng loob na nakawin ang kwintas ko. Nakita kong nabitawan nya ang bag na ninakaw nya, pinulot ko na iyon at saka kinapa ko sa bawat bulsa nya para hanapin nasaan ang kwintas ko. Nakita ko sa bulsa ng hoodie nya ang kwintas ko na may pendant na golden crown. "Serves you right," bulong ko sa kanya at saka humarap na sa tatlong nakatayo sa may likuran ang tatlong lalaki na hindi pa rin makapaniwala sa nakita. "Oh ayan, sa inyo na s'ya," sabi ko at saka umalis na sa lugar. Nakasalubong ko sa entrance ang papasok pa lang na mga guards. "Pakibigay na lang po manong sa babaeng may ari nito." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila. Nagmadali na akong umalis sa lugar para puntahan na si Tiffany. "HEY COUNTRYWOMAN!" nakarinig ako ng sigaw mula sa likod ko pero hindi ko na lang iyon pinansin. Mas importante pa sa akin ang nag wawala kong alaga sa tyan. Natanaw ko na si Tiffany sa 'di kalayuan hawak-hawak ang mga pinamili namin. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD