CHAPTER 4 [Zhyne]

1268 Words
Kilalanin si Tiffany Dela Rosa s'ya ay 22 years old at isa sa matalik na kaibigan nila Katana at Cherry. Ulila na s'ya sa magulang kaya naman maaga s'yang namulat sa reyalidad. Sa edad na Kinse-anyos ay nag simula na s'yang trabaho para may pang tustos sa pangangailangan nilang dalawang magkapatid sa si Travis. Kasalukuyan s'ya ngayong nag tatrabaho bilang secretary ni Zhyne Kiero Smith. Tiffany's POV Napabalikwas ako sa higaan ko nang marinig ko ang malakas na busina na nanggagaling sa labas. Tinatamad mang umalis sa kama ay napilitan na lang akong bumangon, naalala ko rin kasi na ngayon oras nang pagdating nila Katana galing Bicol. Pero bakit parang napaaga naman, 6 am pa lang akala ko naman mga 8 am pa sila darating. Binuksan ko na ang pinto ng bahay. Nakita ko sa harap ang kotse ni Cherry, habang ang dalawa naman ay nakasilip mula sa labas. Napangiti ako nang makita silang ligtas na nakarating dito. "Hi Tif, good morning!" masayang bati ni Katana na nasa loob pa ng kotse. Nakita ko ang pag kaway ni Cher na nasa driver's seat. Binuksan ko na ang gate, sila naman ay lumabas ng kotse. Mahigpit na yakap ang sinalubong nila sa akin paglabas ko ng gate. Niyakap ko rin sila pabalik. "Good morning din sa inyong dalawa," nakangiti kong bati sa kanila at saka humiwalay na sa pagyakap sa kanilang dalawa. Bumaling ako kay Cher, nakita ko ang mabilis na pag iwas niya sa tingin ko. "Mabilis yata ang pag drive mo Cher, ang aga niyong nakarating dito." Sabi ko habang naka tingin sa kanya. "Hindi kasi traffic, Tif," sagot nya pero hindi pa rin s'ya sa akin nakatingin. "Weeee?" tanong ko, pero wala talaga s'yang balak sabihin na mabilis ang pagpapatakbo niya ng kotse. "Hahaha, hayaan mo na Tif, ang mahalaga nakarating na kami dito," singit ni Kat. Napabuntong hininga na lang ako at saka napahawak sa sintido. "Nako. Halika na nga. Pumasok na kayong dalawa dito," aya ko sa kanila at saka binuksan ang pintuan ng backseat at kinuha ang isang bag, ang dalawa naman ay si Kat na ang nagdala. I-papark lang muna ni Cherry ang kotse nya sa parking lot na malapit dito. Nasa isang subdivision kasi kami nakatira at isang bahay itong inuupahan ko para sa aming dalawa ng kapatid ko. Pumasok na kaming dalawa ni Kat. Pinaupo ko na muna s'ya sa sala habang ako naman ay nagtungo sa kusina para mag handa ng almusal. Fried rice, Sunny side up, Hot dog. Nagtimpla rin ako ng dalawang milo at kape. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto ni Travis, ang bunso kong kapatid na 9 years old pa lamang. Lumabas na s'ya ng kwarto habang kinukusot ang mata. "Good morning ate," inaantok niyang bati habang papunta sa lamesa kung saan nakahanda ang almusal. "Good morning din. Nandito sila ate Katana mo. Batiin mo na muna, tawagin mo na rin para makapag almusal na." utos ko sa kaniya habang tinatanggal ang suot kong apron. Nakita ko ang paglaki ng mga mata nyang singkit nang marinig iyon. "Talaga ate?!" excited niyang tanong at saka umalis sa pag kakaupo. "Oo nga, puntahan mo na sila roon sa sala." Nang sabihin koi yon ay dali-dali s'yang lumabas sa kusina para pumunta na sa sala, narinig ko ang malakas na boses nilang tatlo, nag kukumustahan. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita, 3 years na siguro simula nung magtrabaho ako dito sa Manila. *** Matagal ang naging paguusap naming tatlo hanggang sa matapos kaming kumain ng almusal. Iniwan ko na muna silang tatlo sa sala at pumunta muna ako sa kwarto ko. Tinawagan ko si Sir Zhyne para ipaalam sa kaniya na may emergency rito sa bahay kaya hindi ako makakapasok. Para na rin maiwasan ko ang galit ni Sir mamaya, kapag nalaman niya ang kagagawan ng dad nya na kasabwat ako. Pumayag naman si Sir. Nag simula na kaming mag asikaso ng aming sarili pati na rin ang bunso kong kapatid. Hindi ko naman s'ya pwedeng iwanan dito mag isa kaya isasama ko na lang s'ya sa pag shopping namin. Mamimili kasi kami ngayon ng mga damit ni Katana para sa magaganap na meet up nilang dalawa ni sir Zhyne. *** 8:00 AM Kiero's POV Napansin ko na masyadong abala ang lahat ng empleyado, kumpara nitong mga nakaraanng araw. Lahat nang nakakasalubong kong mga employees ay binabati ako pero hindi ko na lang sila pinagtuunan nang pansin. Nagpatuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa makapasok na ako sa elevator. Niluwagan ko ang pagkakatali ng neck tie ko, masyadong masikip ang pagkakalagay ko kaninang umaga. Malakas ang pagbuntong hininga ko nang bumukas na ang elevator. Napansin kong nag kakagulo ang mga tao sa harapan ng office ko. Nakita ko ang mga guards na nakabantay sa pintuan habang may dalawang babae ang nag pupumilit na pumasok kahit na may pumipigil sa braso nila. "I need to see your boss now!" sigaw ng babae na parang sinubsob ang mukha sa makeup. "What's going on here?" seryoso kong tanong na nag patigil sa komosyon. Mabilis silang lumingon sa direksyon ko. "Sir, Kasi po itong dalawang babaing ito ay nag pupumilit pong pumasok sa loob ng office mo---" hindi pa man natatapos ang pagsasalita ng isang guard ay biglang sumingit sa usapan ang babae na parang kinulang sa damit. Tss. "Hi Zhyne! It's me, Lia, we've arrived here because someone called ---" Hindi ko na pinatapos pa ang kanyang sasabihin dahil sumingit na ako. Naiirita ako sa bose niya. "I'm not asking you and stop calling my name so casually." I said and looked sharply at the two women. I could see the fear on their faces. "But Zhyne---" "Get the fck outta here," utos ko sa kanila at saka hindi na sila pinansin pa. "NO!" "Drag them outside." I said coldly. I went inside the office and sat in the swivel chair and massaged my forehead. Narinig ko ang malakas na pag sigaw ng dalawa. Sino naman ang may pakana nang pagpunta nila rito? Tch, they're ruining my day. Sinandal ko ang likod ko at saka pinikit ang mata. Ilang minuto bago ang pag pikit ng mga mata ko ay narinig kong bumakas ang pintuan. Who the hell dare to enter my office without even knocking? Hindi ko kaagad dinilat ang mga mata ko. Dahan-dahan kong kinuha ang baril na nakatago dito sa ilalim ng table ko at agad ko 'yong tinutok sa babaeng pumasok She reeks of perfume, fvck. Pagdilat ko ay nakita ko ang mukha nyang gulat na gulat, hindi makapaniwala sa baril na nakatutok sa kanya. "Who gave you the permission to enter?" tanong ko at tinignan s'ya nang matalim, nasa harap ko s'ya ngayon at nasa pagitan namin ang office table ko. "H-hey, It's just a toy gun right?" nauutal nyang tanong habang nakatingin sa baril na hawak ko. I aimed the gun at the floor and then pulled the trigger to prove that it isn't just a toy gun. "AHHHH!" malakas nyang sigaw habang tinatakpan ang tenga. Napahawak ako sa sentido dahil sa ingay nya. Mas lalong sumasakit ang ulo ko dahil sa mga babaeng ito. Narinig ko sa labas ang pag tawag ng isang guard. "Sir are you alright?" tanong nito. "I'm fine. Get rid of this woman and don't let anyone enter my office," wika ko sa guard nang makapasok na s'ya sa loob ng office. Mabilis nyang pinuntahan ang babae na ngayon ay takot na takot pa rin. Ang lakas ng loob nyang pumasok sa opisina ko not knowing what will happen to her. Tss. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD