Chapter 6

2008 Words
Hindi ko alam kung ano bang gayumang ginawa sa'kin ng lalaking 'to at napasama niya ako. Nag grab lang kami at inunahan ko na siya sa pagbayad. Nagalit pa nga kanina dahil bigla kong hinubad sa loob ng sasakyan ang t-shirt ko. Duh! Akala ata mag la-live show ako doon! "Para saang party daw ba ito?" "Hindi ko alam, basta nag imbita lang siya." Napairap na lang ako. Ano naman kayang kaartehan ito? "Madaming nandoon, puro schoolmates lang din natin." Tumango na lang ako at dumiretso na. Sinalubong kami ni Brit at may hawak hawak na shot glass na may lamang alak. "Shot muna!" Sabi niya sa'ming dalawa at inabot ang iinumin namin. "Para saan ba ang party na 'to?" Nilagok ko agad iyon kahit 'di niya pa sinasagot ang tanong ko. Napapikit naman ako nang mariin sa pait non, napansin kong nagulat si Mico sa ginawa ko. Tumawa naman si Brit. "Wala, may inasikaso kasi ang parents ko sa canada so... I decided to have a party since hindi naman nila ito malalaman. Everything that's going to happen here is exclusive okay?! Bawal mag video or picture. Just enjoy the night! O sige na pumasok na kayo marami nang nasa loob!" Pagtapos niyang sabihin yun ay ininom na din ni Mico ang alak. Tama nga, marami nang tao pagpasok namin, maingay ang tugtog, halo halong kuwentuhan at tawanan ang maririnig. May mga naglalaro pa doon sa lamesa. Napunta naman ang atensyon ko sa nasa kitchen area nila na nagsisigawan doon dahil may lalaking tumutungga ng alak. "Woooh!" "Shaenna!" Si Pat. "Oh hi." Plastik kong sagot at nakipag beso pa siya sa'kin. "Ang ganda naman! Ang galing mo din kanina ah." Hinaplos niya ang balikat ko kaya nailang ako don. "Oh Mico! Ba't nandito ka? Nandon sila Jix oh!" Sigaw niya at turo sa may kitchen. "Susunod ako." tipid na sagot ni Mico. Tumango na lang si Pat at nagpaalam na dahil makikisalamuha pa din siya sa iba. Naglakad lakad ako at tuwing may pumapansin sa'kin ay nakikipag plastikan naman ako. "Bakit ka ba sunod nang sunod? Wala ka bang friends?" Iritang tanong ko sa kaniya na ikina kunot lang ng noo niya. Napairap na lang ako. Mabilis akong naglakad para di niya na ako masundan, nakisiksik ako. "Shae! Shot!" Tinali ko muna ang buhok ko bago diretsong ininom ang binigay sa'kin, muli na naman akong napapikit nang mariin dahil doon! "Wohooo!" Hiyawan nila. Naramdaman kong may humawak sa bewang ko. "Excuse me?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Aliw!" Sigaw ng isa. Hindi ko kilala kung sino siya. Nginisian lang niya ako. Aba! Siraulo 'to ah? "Future mo, babe." Bulong niya pero narinig naman ng lahat kaya naghiyawan sila dahil don. "Ahuh?" Lumapit din ako sa kaniya. Sinusubukan ako nito ah. Mas lalong lumakas ang hiyawan nila kaya nakukuha namin ang atensyon nang iba pang nandoon. "Yun oh!" "Lakas mo Drake!" Hindi ko inaalis ang mata ko sa kaniya habang inuunti unti ang pag inom ng alak. Hinaplos ko ang pisngi niya na kina gulat niya. Humigpit pa ang hawak niya sa bewang ko. Lumakas ang tugtog kaya nagsayawan ang mga tao. Napa tingala ako nang makitang may party lights. Nice, iba talaga si Brit. Pinatong ko ang dalawa kong braso sa balikat nitong Drake habang dalawang kamay niya na ang naka hawak sa bewang ko. Sumayaw kami at kahit madilim ay alam kong unti unti niyang nilalapit ang katawan niya sa'kin kaya napangisi ako. Hindi pa din nawawala ang hiyawan ng mga nandoon. Naramdaman ko ang labi niya sa ilalim ng tenga ko kaya napatigil ako don. Sheez. What the hell??? "Oops." Tinulak ko siya nang bahagya. Nagsitayuan ang balahibo ko nang naramdaman ko ang kamay niya sa balat ko sa tiyan. "Stop." Mariin kong sabi. Hindi pa ako lasing kaya alam ko ang balak ng lalaking 'to, at wala akong balak na hayaan siyang magtagumpay sa gusto niya. I play with guys' feelings but I don't f*ck with them. I'm still 17. "You like playing, right?" Bulong niya. Hinawakan niya ako sa balikat. "I have standards, Drake." Hindi ako nagpatinag. Ngumisi siya. Ew, feeling niya ba pumopogi siya tuwing ngumingisi siya? "I am the standard, Shae." WOW! THE AUDACITY OF THIS GUY! I CAN'T. "C'mon, stop playing hard to get. You like playing, I like playing too." Dumulas ang hawak niya mula sa balikat ko pababa sa braso ko. Nanlamig ako don. Sasampalin ko na sana siya nang may humablot sa'kin. Narinig ko pa ang pagtawag sa'kin ni Drake pero 'di ko na siya nilingon. Dinala niya ako dito sa may bandang hagdan kung saan walang tao. Hawak hawak niya pa rin ako sa palapulsuhan ko. Sino ba 'to? Hindi ako nagulat, walang reaksyon sa mukha ko nang makitang si Gilbert iyon. Of course si Gilbert, sino pa nga ba? "Are you okay now?" Nag aalala niyang tanong. "I'm fine, Gilbert. Wala namang mangyayari sa'kin na masama. I was about to slap him na nga." Marahan kong binawi ang pagkahawak niya sa'kin. Napatingin naman siya don at mabilis na binitawan nang mapagtanto niya. "May kasama ka ba? Baka balikan ka nun." "Uh, y-yeah. I was actually with someone. Ano, sumama lang saglit sa friends niya." Nag iwas ako nang tingin. Mamaya may makakita na naman sa'min. "Dapat hindi ka niya iniwan, lapitin ka pa naman, tapos naka ganyan ka pa." Tumingin naman ako sa suot ko. "Excuse me, I can wear what I want." Feeling boyfriend naman nito! "Thank you. Doon na ako." Kumaripas ako, baka hablutin pa ako. Quotang quota na sila kaka hablot sa'kin ha. Nasan na nga pala yung kupal na yun? Nahanap na ata ang mga frens niya. Kumuha ako ng red cup doon na may lamang inumin. Mukhang safe naman dahil kung sino sino ang kumukuha doon kaya ininom ko na 'yon at sumandal sa gilid habang pinagmamasdan ang mga nandoon. May ilang nakakakilala sa'kin at nginingitian ako ngunit tango lang ang sinasagot ko sa kanila. Ngayon lang ako nakainom nang ganito karami dahil hindi pa naman ako legal. Pero gusto ko magsaya ngayon. Tinungga ko ang hawak kong alak at lumapit doon sa may nag b-body shot. "Puwede sumali?" Para akong tunog bata na gusto makisali sa mga naglalaro. Nagulat sila nang mamukhaan nila ako. "Hoy s**t! Si Shae!" Narinig ko silang sumipol "Alis na diyan Justin! Sino gusto? 'pag walang malakas ang loob, ako na lang!" Hindi ko kilala kung sino yun pero tumawa na lang ako. Nakita ko sila Tristan at ang ka banda niya sa gilid, umiiling iling ito sa'kin kaya inirapan ko lang sila. "Hey." Napatingin kami sa biglang sumulpot sa gilid ko. "Why are you here?" Naka taas ang kilay ko sa kaniya. Si Gilbert na naman. "Ayun! Muling ibalik?" Nagsigawan sila. "Si Gilbert na lang!" "Shaenna." Napalingon ako sa likod at nakita si Mico na naka kunot ang noo. I saw him cleared his throat before he walk towards me. "Ano 'yan? Mag ga-ganyan ka?" He tilt his head a bit and glared at me. Hindi ko alam but it made me shivered. Gilbert give him a wry smile, "Don't worry, Mico, 'di naman masyado spg." "Wooh" someone said in a wheezy breath. "Minor pa si Shaenna." Mico's voice was sour. I gave him a slight scowl, "Mico, hindi kita tatay." Sarkastiko kong sambit. "Enough about that. Tara na! Mabilis lang naman 'to at isa pa, ngayon lang naman!" Napunta ang atensyon ko doon sa lalaking nagsabi non at tumango sa kaniya. Ready na siyang iabot ang shot glass kay Gilbert nang nagsalita si Mico. "Sorry, dude. Hindi pa siya legal." After that, he gripped my wrist and drag me outside Brit's house. "Hoy!" I called out. I feel tipsy. Malapit na akong madapa dahil sa paghila niya. Napasinghal siya at parang mukhang disappointed sakin. "Ano ba? Wala naman akong ginagawang masama?" His jaw clenched. Mariin ang titig niya sa'kin ngunit hindi ako nagpa apekto doon, "Masama wala, mali meron." "Mali?? Hello? Anong mali doon? Ano ba pinunta ko dito? Miting de avance? Misa?!" Singhal ko. "Minor ka pa Shae!" He looks frustrated. Humawak siya sa bridge ng ilong niya at muling tumitig sa'kin. "God! 18 na ako next week! Hindi ba puwedeng ma advance ng konti ang pagiging legal age ko?! At saka bakit mo ba ako dinidiktahan ha?!" Parang nawawala ang pagka lasing ko. "Stop. Being. Childish." uminit ang ulo ko doon! "Diyos ko Mico! Hindi ko hiniling sa'yo na magka paki ka sa'kin. Let me do what I want!" "You ruined my night!" Babalik na sana ako pero hinigit niya ako. "What the-?!" Para akong na estatwa nang mapa titig ako sa mata niya. Kita ko doon ang pagka frustrate niya. "Huwag ka na bumalik don." He whispered. My breath caught. Amoy ko ang alak sa kaniya pero mukhang hindi pa naman siya lasing. "Please, Shae? You're tipsy. Baka hindi mo na ma-kontrol ang sarili mo." My stomach clenched. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. "K-Kaya ko ang sarili ko...", my voice trailed off. F*ck. He peered at me. "Why do you care?" "Why do you have to ask?" Nag iwas ako ng tingin. Of course I want to know! dumbass! "Are you playing with me, Mr. Tabarez?" Binalik ko ang tingin ko sa kaniya. Bumaba ang tingin niya sa kamay na nakahawak sa kamay ko. "Hmmm... Do you think so?" Umangat ang tingin niya sa'kin pero hawak niya pa din ang kamay ko. Nilabanan ko ang nararamdaman ko at inangat ang isang kilay ko. "You won't like when I play back." "Try me then." Lumakas ang kabog ng puso ko kaya hinigit ko na pabalik ang kamay ko. Fine. Tingnan lang na'tin kung sino ang mahuhulog. "Coaches don't play, Ms. Velasquez." He mumbled. Kumunot ang noo ko. "Ano??" "Do you know someone who can pick you up?" Hinagod niya ang buhok niya. Inirapan ko lang siya at kinuha ang selpon sa bag ko. Mas mabuti na nga sigurong umuwi na lang, nakakahiya naman kung bumalik pa ako sa loob. "Hello Miks?" Lumingon sa'kin si Mico. [ Shae? Why? ] "Natutulog ka na ba? Sorry." [ No, no. Okay lang. What's up ba? ] Nakatitig pa din si Mico at parang hinihintay ang mga susunod kong sasabihin. "Can you pick me up? Okay lang kung busy ka I can book--" [ No, babe. Gabi na, I don't trust anyone. I'll pick you up. Ako malalagot sa tita mo kapag may nangyari sa'yo! Ako pa naman tumatayong ate mo. ] napangiti ako don nang matamis. "Thank you, I'll send you the address." I said, sincerely. [ No worries, sige. Wait for me there. love you! ] Tumingin ako kay Mico, " I love you too." Nag iwas siya nang tingin. Napangisi ako. Biglang tumahimik si Mico at sinasamahan lang ako maghintay dito. I wonder if he thinks it was my boyfriend who I just called. Lol wala nga pala akong boyfriend. Atsaka, sinabi ko naman sa kaniya kanina wala pa akong nahahanap. Rinig ko ang hiyawan mula sa loob ng bahay may ilang umuwi na rin dahil mag a-alas dyiz na. Nang dumating ang kotse ni Mika ay agad akong lumapit doon, napatayo din si Mico. Paano nga pala siya uuwi? "Uhm, do you...-" "My friends are still inside. Ingat kayo." May diin pa ang pag sabi niya sa dulo. Seryoso lang ang mukha niya kaya ngumiti ako. "Don't worry, mag i-ingat kami." May pang aasar sa tono ko. Pumasok na ako sa kotse pagtapos non. Nanatili si Mico hanggang makalayo kami. Nasa gitna kami nang pag k-kuwentuhan nang maisipan kong picture-an si Mika. "Hey, bakit ka nami-micture? Irereto mo ba ako?" Lumingon siya sa'kin saglit. Tumawa ako don. "Sira. Ise-send ko 'to kay Mico." "Who's that guy? New toy?" Humagikhik siya. "Baliw! Sigurado akong iniisip non na boyfriend kita dahil sa pag 'I love you too' ko sa'yo." Tumango lang siya. I send the picture to Mico. Ako:         Malapit na KAMI. : ) Agad siyang nag reply. Mico:           That's good to know. Text me when you get home. : )
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD