"Ugh!"
I growled underneath my pillow.
Hanggang ngayon 'di ko pa din makalimutan yung ginawa sa'kin ng isang kumag.
Diretso ang tingin ko sa ceiling ng aking kuwarto. F*ck! I really can't get over with it!
Kanina, noong sinundo ako ni Martin ay nakita ko na naman si Mico sa likod. He kinda looks cryptic. Ewan ko ba kung anong trip ng lalaking yun.
At bakit ko ba siya iniisip?!
"That is nothing, Shae. Pinag t-tripan ka lang. He's just being gibberish." sambit ko sa sarili.
Napabangon ako sa pagkakahiga sa kama.
"Ughhh" binagsak ko uli ang sarili at pinilit nang matulog.
"Tristan!"
"Zup?" Lumingon siya at nakipag apir.
"Wala. Sabay na tayo sa canteen." Tumango lang siya.
Siya lang ang kaisa isang lalaki na kakilala ko dito sa school na hindi talaga nagkaroon ng kahit anong feelings sa'kin, wala din siyang paki sa ginagawa kong pakikipag fling kung kani-kanino. For me, that's cool. Hindi din naman kami binibigyan ng malisya dahil matagal na kaming nag sasabay at nakikita naman nilang walang 'something' sa'min.
"Musta?"
"Eto, play girl pa din." He squinted at me so, I shot him an annoyed look.
"Kailan ka ba magsasawa?" Sarcastic ang pagkasabi niya non. I rolled my eyes. Well, 'di ko din alam. Kailan nga ba?
"Nga pala, gusto mo ba kumanta sa Friday? Mag p-perform kami dito sa darating na event." My eyes widened.
Wow! Matagal ko nang pangarap makapag perform, pero dahil sa image ko ay medyo nahihiya ako. Meron pa rin naman akong hiya kahit papaano, "Talaga? paano mo nalaman marunong ako kumanta? Hmm?" sabi ko bago uminom ng pineapple juice.
"Narinig ko lang."
Hindi na ako nagtanong pa. Baka narinig niya ako noon sa room pag naiiwan ako nagkakaroon ako ng sariling concert.
"Sige, gusto ko! Kaso ano namang kakantahin ko? Kayo ang tutugtog?"
"Oo, kami kami pa rin nila Andrew. Balak sana namin yung kanta ni Avril Lavigne."
My face, once again, lit up as he said, natuwa sa narinig. "Hala! Gusto ko yan. May napili na ba kayo? Puwede Rock N Roll na lang?"
"Nice. Sige iyon na lang, sasabihin ko sa kanila para ma-practice na. Pero siguro sa thursday ka pa namin makakasama mag practice, kakabisaduhin pa namin ang chords." sambit nito habang kumakamot sa batok.
I was about to say something when someone caught my attention.... si Mico! Shet. Baka isipin niya kung sino 'tong kasama ko, kailangan ko na makaalis dito.
"A-Ano, Tristan. Sabihan mo na lang ako ha? May k-kailangan ako puntahan. Bye!" Hindi ko na siya hinintay at nagmadali akong umalis sa puwesto habang hindi pa naka tingin si Mico.
Medyo pinagpawisan ako nang naka dating sa pathwalk. Medyo malayo na sa canteen. Damang dama ko ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa ginawang pag takbo kaya napa hawak ako doon.
"Teka, ba't ko ba siya iniiwasan?" Napalingon ako doon pero halos maluwa ko na ata ang mata ko dahil nakita ko si Mico na papunta sa gawi ko.
What the heck?!
Nag iwas ako ng tingin at kunwari'y may tinitingnang iba sa likod niya. Mahahala niya akong iniiwasan ko siya kung dumiretso ako. Diniretso ko ang pagkakatayo at naglakad sa gawi niya, hindi ko siya tinitingnan.
Nang malagpasan ko siya ay hinablot niya ang braso ko.
Sh*t.
"Wrong move." He muttered.
Kumunot ang noo ko doon, nilipat niya ang puwesto ko sa kabilang gilid niya para mapaharap ako at saka ako hinila.
"H-Hey! Bitiwan mo 'ko!" Hinihigit ko ang braso ko pero masyadong mahigpit ang hawak niya don.
May mga estudyanteng napatingin sa'min. God. Talk of the campus na naman ako! Ano ba kasing trip ng isang 'to?!
"Huy! Anak ng—! Nasasaktan ako!" Hinampas ko ang kamay niya, niluwagan niya yun nang kaonti pero hindi sapat 'yon para maka takas ako.
Shet. I'm doomed.
Tumigil siya sa lugar na wala ng estudyante. "Ano bang trip mo ha? Mamaya kung ano pa sabihin ng mga nakakita." Sinamaan ko siya nang tingin habang hinihimas ang braso ko.
"Pinapasama ka ni Brittany sa party niya..... sa friday."
Natawa ako don ng bahagya.
"What?" Nakakunot ang noo niya at malamig ang pagkakasabi non. Aww how cute. Tss.
"Seryoso ka ba? Hinablot mo ako para diyan sa sasabihin mo?" Iritado kong sagot. Edi sana tinext niya na lang ako since nasa kaniya naman na number ko.
"What do you want? Bigla akong pumunta sa harap niyo ng boyfriend mo at sirain ang moment niyo?" Diniinan niya pa talaga yung word na moment.
"Ano?!" Muli akong tumawa. Kakaiba din 'tong isang 'to.
"Wala pa nga akong nahahanap na ka-fling ngayong week, may boyfriend na agad ako?" Naka pamewang na ako ngayon at sinusundan ang mata niya. Natigil lang ako nang tumitig na siya sa'kin.
"Tss." Iniwan niya na ako doon.
"Hoy!" Pero hindi niya na ako nilingon pa.
Biglang nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa kaya kinuha ko iyon.
Text galing kay Martin. Ginanahan ako don!
Martin:
Sorry. Can't pick you up today. May meeting kami after class.
Ako:
Nah, it's okay. Kaya ko naman sarili ko. Good luck sa kung ano mang pag m-meeting-an niyo! :)
Hindi na siya nakapag reply agad kaya pumunta na ako sa klase.
"Bwisit!" Medyo malas ang araw ko ngayon. Muntik na nga akong walang maisagot sa surprise quiz kanina, umuulan pa ngayon! Wala tuloy akong masakyan. Nandito ako ngayon sa waiting shed, mukhang kawawa dahil sa itsura.
Biglang may tumabi sa gilid ko at nagpapara din ng sasakyan.
"Ikaw na naman?!" Bumaba ang tingin niya sa'kin, nababasa na ang buong braso niya.
Hindi niya ako pinansin hanggang sa may humintong jeep.
Saka niya lang binaba ang braso niya at inabot ang payong sa'kin. Muntik ko nang tanongin kung ano 'yon pero halata namang payong nga yon, umbrella sa english.
Nagtagal ang titig ko dun. "Oh, bilis na, hinihintay ka na." Kinuha ko na 'yon at napatingin sa jeep na isa na lang ang kasya.
"Paan--" he held up a hand, cutting off what I was about to say.
"Sige na, malapit lang ako." Tumango ako at binuksan ang payong. Nang makasakay ay pilit ko siyang sinilip kahit mahirap dahil siksikan. Seryoso lang ang itsura niya hanggang sa umalis na ang jeep.
Hmm baka na guilty sa pag hablot niya sa'kin kanina.
-------
Mabilis na lumipas ang araw. Huwebes na at katatapos lang ng practice namin kasama ang banda ni Tristan. Naging madali lang para sa'kin ang lahat dahil wala namang steps at kabisado ko na din ang kanta since isa 'yon sa mga favorite ko.
"Galingan mo bukas Shae ha?" Tumango lang ako at uminom ng tubig. Napatitig ako sa payong ni Mico na nasa bag ko pa rin. Hindi daw pumasok kahapon pa. Na g-guilty tuloy ako. Nagkasakit kaya siya? Baka nagpa ulan siya. Makakapunta pa kaya siya sa party bukas?
"Hey." Halos mabuga ko ang tubig na iniinom ko.
"Sorry, nagulat ba kita?" Duh! Di pa ba obvious? I rolled my eyes. Nilagay ko muna sa bag ang tumbler bago ko siya lingunin.
"Ano na naman ba, Renz?"
"Galingan mo bukas." Ngiting ngiti pa siya. Nanatili akong naka tingin sa kaniya, nag iwas naman siya.
"Sasama ka din ba sa party?" Kinuha ko na ang bag ko sa bleacher.
"Ewan." Matipid kong sagot at nagmadaling umalis doon. Kailangan ko umuwi ng maaga ngayon, pagiisipan ko pa ang isu-suot ko bukas.
Nang maka uwi ay agad kong chineck ang phone ko. Hindi na nag t-text sa'kin si Tristan.
"Tss. May iba nang pinagkakaabalahan." Ibabato ko na sana ang cellphone sa sofa nang maisipan kong itext si Mico. Ginawa ko na ding Mico ang pangalan niya don.
Ako:
Hoi.
Hindi naman siya nag reply kaya pumunta na ako sa kuwarto ko para maghanap ng isusuot sa gaganaping event at party.
Napili ko ang isang malaking itim na plain tshirt na sapat ang haba para 'di makita ang suot kong itim na high waist short. Naka pulang tube top lang ako para ihuhubad ko na lang ang shirt bago dumiretso sa party. Naka net din ako at itim na boots.
Wala kaming klase buong araw dahil sa paghahanda ng school event na gaganapin sa hapon kaya siguradong mag g-gabi na ang tapos non, saktong sakto sa party ni Brit. Hindi ko alam kung para saan ang party niyang iyon, sure naman akong nung nakaraan pa ang kaarawan niya.
Tinanghali na ako nang gising kaya mabilis akong naligo. Kumain lang din ako ng boiled egg at noodles. Heavy make up ang ginawa ko ngayon 'di tulad ng nakasanayan. Smokey ang eye shadow ko kaya binagayan ko 'yon ng may pagka nude na shade na lipstick. Kinulot ko din ang ibaba ng buhok ko.
Excited ako ngayon, siguro dahil finally makakapag perform na din ako. Mapapamukha ko sa kanilang may talent ako at hindi panglalalaki lang.
Simple lang ang suot ko pero alam kong malakas ang dating. Duh, syempre. Ako 'to eh!
Kinuha ko lang ang maliit na 3 way bag kong anello, sapat na para pag lagyan nitong tshirt ko, cellphone, wallet, hand sanitizer, at pang retouch ng make up.
Pagkadating ko sa gymnasium ay marami na ang estudyante, mabilis ko lang ding nahanap sina Tristan dahil halatang hinihintay nila ako.
"Shaenna! Salamat naman."
"Tayo na ba?" Tanong ko na naging palaisipan kila Andrew kay inirapan ko sila.
"What I mean is, kung tayo na ba ang susunod na mag p-perform?"
"Ahh. Hindi pa naman, yung speech pa muna tapos may isang teacher na kakanta, bago tayo...... ang mag p-perform." Si Andrew. Natawa pa siya doon kaya umiling iling na lang ako.
Matapos ang halos sampung minuto ay pinakilala na kami kaya agad kaming lumabas sa back stage. Naka ready na ang gamit ng banda pati na rin ang mic na nakalagay sa mic stand sa gitna.
Narinig ko ang hiyawan kaya kinabahan ako. Okay na ako kanina eh!
"Shae" mahinang tawag ni Tristan sa likod ko, siya ang drummer.
Tumango ako. Narinig ko ang pag palo niya ng drumstick.
"Let 'em know that we're still rock n roll."
Malakas ang hiyawan ng estudyante. Nawala ang kaba ko.
Sumasabay sila sa kanta, kahit yung ibang part ay mali ang lyrics.
Nakita ko si Renz sa harapan. Nasa kabilang gilid naman si Gilbert.
"Naka fling ko na 'yan!" Nakarinig ako ng tawanan kaya napangisi din ako. Nang mag chorus na ay may nakita pa akong ilan na nag taas ng dirty finger habang sumasabay sa kanta at yung iba naman ay naka rock n roll. Inalis ko mic sa pagkaka lagay a mic stand at naglakad sa stage at lumalapit kila Andrew para naman hindi ako mukhang estatwa.
Umakto pa akong bababa ng stage pero nang makita kong may lalapit sana sa'king ilang lalaki ay bumalik ako at napa sabi ng "oops" sa mic kaya muli akong umakyat. Lumapit ako sa isang nag e-electric guitar na si Blue nang mag instrumental break at kunwari'y sinasabayan siya sa ginagawa.
Bumalik ako sa gitna at humawak sa mic stand. Nilibot ko ang mata.... there I spotted Mico.
Nakahalukipkip siya nakatayo sa bleachers, natatabunan ng mga estudyante.
"When it's you and me
We don't need no one to tell us who to be..."
Binaling ko ang mic sa mga nanunuod habang naka titig pa din sa gawi ni Mico at ang mga estudyante ang kumanta ng kasunod na lyrics.
Nang matapos ay malakas ang palakpakan at sigaw ng mga nandoon, nag bow kami at bumalik na sa back stage, nag apir-an pa kami.
"Naks! Parang sanay na sanay ka lang, Shae ah!" Ngumiti naman ako sa sinabi ni Tristan.
"Wala 'to!" Tumawa sila don.
Nang matapos ang program ay mabilis akong lumabas ng back stage. Palabas na din ng gymnasium ang mga estudyante kaya di muna ako nakipag siksikan.
"Siya ba talaga yung nakita ko?" Bulong sa sarili habang tinatanaw ang maraming estudyante. Naka itim siyang sweater nung nakita ko siya kanina.
"Ang dami namang naka itim!" Ngumuso ako.
Halos mapamura ako nang may mainit na humaplos sa kamay ko, "Ay pun---,"
"Mico..." I gaped.
Tuluyan niyang hinawakan ang kamay ko. Hinawakan niya ang baba ko para isara ang kaunting buka ng bibig ko dahil sa gulat sa kaniya.
"Baby, you're so good." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Mahina ang pagkakasabi niya noon, sapat na para kaming dalawa lang ang makarinig.
I can almost hear my heartbeat. I don't know if it's because of him or what he said....... or maybe both?