Sadyang mabilis nga talaga ang panahon, today's monday. Nakabalik na si Mico galing Albay, nakita ko siya kanina pero I did not bother to call him. Duh. 'Di naman kami friends or fling.
Nandito ako ngayon sa isang fast food chain malapit sa school, maaga kami pinauwi dahil may meeting. Biglang pumasok si Gilbert kaya tumingin lang ako sa labas para kunwaring di ko siya nakita. s**t. Kailangan ko nang lumabas dito.
"Shae." Ugh.
Tumingin lang ako sa kaniya. Anong ginagawa niya sa harap ko? 'Di pa naman siya nag o-order.
"Uhm... Can we talk?" Talk na naman?
"What? 'Di ba malinaw sa'yo yung sinabi ko?" Kumukulo na naman dugo ko.
"No. It's not about that." Napakamot siya sa ulo.
"Then what?," tinitigan ko siya.
"Tatanongin sana kita kung gusto mo mag part time sa isa naming coffee shop?" Napatigil ako sa pagkain ng cheese burger ko.
"Malapit lang dito, I can accompany you there.... If you wanna check it." Kumunot ang noo ko. What is this? Gagawa ba siya ng suhol? utang na loob?
"Don't worry, hindi naman kita pinipilit." Ngumiti siya. Hmmm okay. Pero 'di pa rin ako sure baka ano pang trip nitong kumag na 'to.
"Okay. Pag iisipan ko." Lumawak ang ngiti niya.
"Sige. Call me when you've already made your decision. I'll go ahead, Shae." Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Dahil ba sa nangyari nung gabi? Pero maganda din yun para naman hindi na ako maging gaanong pabigat kay tita.
Nabaling ang paningin ko sa lalaking kapapasok lang. He looks freakin' yummy. Sh*t. I mean he looks good! That's the right word. Gosh.
Hindi ko na alam kung ilang minuto na ba akong naka titig sa kaniya, nabalik na lang ako sa wisyo nang napansin kong nasa harap ko na siya. Holy moly. Mas pogi siya sa malapitan.
Who is this guy?
Natigil ako sa pag iisip nang magsalita ang lalaking looking so almost perfect sa harap ko.
"May naka upo ba dito, Miss?." Hindi niya pa binababa ang tray niya.
Omg! Omg!
"Uh...no! I-I mean none," tumawa ako ng konti. sh*t. Mukha akong na starstruck sa kaniya. No, Shaenna! That's not the attitude.
"Okay." Ngumiti siya, saka niya lang binaba ang tray at umupo sa harap ko.
Tapos na talaga ako kumain, inuubos ko na lang 'tong float ko nang bigla siyang dumating. Grabe, ang ganda ng features ng isang 'to! Mukhang matured. Gusto niya kaya makipag laro? Char.
"Baka matunaw ako niyan, Miss." sinabi niya 'yon pagtapos niyang lunukin ang kinakain. Napalunok din tuloy ako! Tumitig siya sa'kin. Holy- he looks intimidating!
"Nah. Ngayon lang kita nakita dito, are you a student here?" That's right, Shae. Play it cool.
Humigop muna siya sa pineapple juice niya bago tumingin sa'kin at pinatong ang siko sa lamesa at pinagsalikop ang mga kamay.
"No, susunduin ko sana yung kapatid ko. Her name's Patricia. Do you know her?" Umiling lang ako.
"That kid. Ayaw niya na sinusundo ko siya dahil nagmumukha niya daw akong sugar daddy, tinakasan na naman ako. I'm still 19. Do I really look like a sugar daddy?," Umiling naman ako don. You can be my daddy tho. Char! Pero I'm shook, he looks like 21 or something, pero that's great buti na lang 19 pa lang siya.
"Ano nga pala pangalan mo?" Kumain na ulit siya at nakatingin sa'kin na para bang hinihintay ang sagot ko.
"Shaenna Velasquez. I'm 17 by the way." Tumaas ang dalawa niyang kilay at tumango tango. Yung mukha niya, parang sinasabing 'hmm puwede na'
Lol what da heck am I thinking?
"Nice to meet you Shaenna, I'm Martin, Martin Carter." Ooh half foreign ba siya? Nagpatuloy na siya sa pagkain habang ako ay nakatingin lang sa kaniya, napatigil lang siya nang marinig niya ang paghigop ko sa straw ng coke float kong ubos na at puro yelo na lang. Shet! Nakakahiya. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang nakita ko aiyang ngumisi.
"Uhm... cr lang ako."
"Yeah, go ahead." Dumiretso agad ako sa restroom nitong fast food chain para mag retouch. Hindi ko puwedeng palampasin 'to. He's going to be my next target! Walang binatbat ang mga huli kong naka fling. I'm turning 18 naman na next month so mag l-legal age na ako!
Pagkalabas ko ay nawala ang excitement ko, wala na siya! hays. Badtrip naman!
Dumiretso na ako palabas dahil wala naman na akong kakainin pa, pero pagkalabas ko nakita ko si Martin doon! Naka sandal siya sa gilid sa may bandang harapan ng nissan niyang kotse. Nakapamulsa ang isa niyang kamay habang ang isa ay may hawak na cell phone at parang nag te-text.
Hinihintay niya ba ako? Omg!
Nilagay ko ang buhok ko sa kanang balikat at bumaba ng hagdan para dumiretso na kunwari ng tinawag niya ako.
"Shae." Pagka lingon ko ay naka ayos na siya ng tayo doon at dalawang kamay na ang nakapamulsa.
"Hatid na kita."
"Uh..." Nagdadalawang isip pa ako dahil kakakilala ko lang sa kaniya. Pero 'di naman siya mukhang mamamatay tao or what... "sure." Ngumiti ako at lumapit. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun seat.
Paalis na kami nang nakita ko sa side mirror ang repleksyon ni Mico, nakatayo siya sa di kalayuan at parang hinihingal.
Nang makalayo na kami ay wala na siya don. Kinuha ko ang cell phone ko para itext sana si Mico dahil naguguluhan ako. May sasabihin ba siya?
"Address?" Napatingin ako kay Martin. Binigay ko na lang sa kaniya ang cell phone ko para ipakita ang address ng bahay.
Tahimik lang kami buong biyahe. Binalik niya na sa'kin ang cell phone. "I saved my number there." Sumulyap siya sa'kin.
I'm out of words.
"Uhmm okay." Ngumiti lang ako. Gosh! Where did the flirty Shaenna go?
"You seem worried. Are you worried or something?" Tumingin siya sa'kin saglit bago tumingin uli sa daan.
"No, no. I'm just out of words. Sorry, I'm boring."
"Nah, you don't look like that type of person. So.... I guess you're single?" Nanlaki ang mata ko sa bigla niyang tanong. Yes, zer!
"Oo. Unless you wanna change it." Biglang huminto ang sasakyan.
"What?--" gulat akong humarap sa kaniya. Bigla siyang tumawa. Nakakatawa ba 'yon? Tss.
"Nothing. I just--" lumingon siya sa'kin "didn't expect that." He bit his lower lip trying not to surpress a smile.
I am definitely regretting what I just said! I sound like a desperate b*tch. Napansin niya ang pagbuga ko ng hininga.
"Hey, what's wrong?"
"Did I sounded like a desperate b*tch?" Kumunot ang noo niya don.
"No. Of course not. It's fine, Shae." Ngumiti siya sa'kin kaya tumango na lang ako.
"Bye. Thank you, Martin." Kumaway pa siya bago pumasok uli sa sasakyan at umalis na. Masaya akong pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina para kumain. Madami na naman akong stock dahil kagagaling lang dito ni tita nung sabado.
KINABUKASAN ay medyo tahimik ang araw ko. Tumawag pa kagabi si Martin para mag good night at tinanong niya kung puwede niya daw ba ako ihatid uli bukas. Syempre pumayag ako! Graduating na pala siya next year. Sa ibang school siya nag aaral at medyo malayo dito sa'min. Hanggang kanina bago siya pumasok ay nag te-text kami.
First time ko magkaroon ng fling na hindi ko schoolmate.
But, it was just a fling. Yun lang yon. I am not making him my end game. Bata pa ako noh, I can still meet a lot of guys out there. But, I don't know. I don't see myself with him. Ewan. Maybe because we just met yesterday. Ayoko naman kainin ang mga sarili kong salita.
Naghahanap ako ng vacant seat dito sa canteen. Nakita ko si Renz na kumakaway sa'kin sumesenyas na sa tabi niya ako maupo kasama ang mga tropa niya. Pero nakita ko si Mico na mag isa. Kaya pupunta na sana ako sa kaniya nang may umupo sa tapat niyang babae.
Ugh, I just rolled my eyes. Umalis na lang ako don at pumunta sa isang gazebo sa labas ng building. Ipinasak ko ang earphones at nakinig ng mga paborito kong music.
Pinagmamasdan ko ang text namin ni Martin. Nasa klase pa siguro siya kaya hindi na lang ako nag text. Sumandal na lang ako at pinikit ang mga mata.
Napamulat na lang ako ng may humugot ng isang earphone ko.
"Ano bang---" napatigil ako nang makita si Mico na titig na titig sa'kin. Sobrang lapit niya! Napatingin ako sa labi niyang pinkish--- wait! no! "Mi--" nilapat niya ang index finger niya sa labi ko para hindi matuloy ang sasabihin ko. Nakita kong nakapasak na sa isa niyang tenga ang earphone ko.
I don't like the way he's looking at you,
Ang bilis ng kabog ng puso ko! Parang ina-analyze niya ang mukha ko!
I'm starting to think you want him too
binalik niya ang isang earphone sa pagkapasak sa kabila kong tenga, saka niya lang tinanggal ang index finger niya sa labi ko. Binagalan niya ang pag tanggal non at pababa pa talaga, para niyang hinaplos ang labi ko!
Napalunok ako ng ngumisi siya at umayos ng tango habang naka titig pa din sakin, nilagay niya sa bulsa ang dalawang kamay at saka ako tinalikuran at iniwan doong gulong gulo!
"W-What the hell was that?"