Chapter 3

1233 Words
Mag iisang linggo na nung huling nagkita kami ni Mico. Busy na din siguro. Teka nga, ano bang paki ko? Ugh. Hindi naman kami ganon ka-close para mag alala ako sa kaniya. "Shae!" si Sabrina. "Nabalitaan mo ba yung nangyari kay Mico?" Agad na kumunot ang noo ko. "What happened?" parang hindi alam ni Sabrina kung paano siya mag uumpisa. "Hindi siya pumapasok, kanina nga lang namin nalaman yung dahilan." "Ano yung dahilan?" Nakakairita. Ayaw pa diretsohin. "Nasagasaan daw yung kapatid, kritikal nga daw eh." Nanlaki ang mata ko. Omygod. Kawawa naman si Mico! Naalala ko yung kuwento niya sakin last week. "Kanino niyo naman nalaman? May c-contact ka ba ni Mico?" Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko naaapektuhan ako. "Kay Brit. Wala akong contact eh, pero baka si Brit meron. I'll ask her later." Sasabihin ko sanang wag na lang pero nagmamadali na siyang umalis kaya tumango na lang ako. Lutang ako buong klase. Hindi ko alam kung bakit ba ako nagkakaganito eh hindi naman kami close nun ni Mico. But still. Nakakaawa kasi! Hays Pagkauwi ko ay chineck ko agad ang sss ko. Hoping that I'll find Mico's account. Hindi niya naman nabanggit kung meron ba siyang social media but I hope he has. I searched for Mico Tabarez madami dami ang lumabas kaya inisa isa ko yun. Yung iba ay hindi siya, yung iba walang profile tapos wala pang laman ang timeline. Pinatay ko ang selpon ko nang nawalan na ng pag asa. I heave a sigh bago tumayo sa pagkakahiga sa sofa at nagtungo sa kusina. Ininit ko na lang yung ulam na tira ko kagabi at bumalik sa sala para manood ng tv. Bigla akong napatayo ng may kumatok. Sino naman yun? Imposibleng si tita dahil sa isang araw pa ang punta niya dito. Kinakabahan ako pero lumapit ako sa pinto. Pagkabukas ay nanglaki ang mata ko nang makita si Gilbert. Halata sa itsura niya na nakainom siya. "Shae..." Malungkot na banggit niya sa pangalan ko. "What? Don't tell me..." Sarkastik akong tumawa. "My God Gilbert please, tama na." "Wala na ba talaga?" Nagsimulang tumulo ang luha niya. Umiling ako. "Marami ka pang babaeng makikilala. Bata pa tayo. For me, it was all just a game." Halata sa mukha niya ang pagka dismaya sa sinabi ko. "Shae naman... please stop being like this. Wala ka naman mapapala eh." Pagmamakaawa niya pa. "Sino ka ba para diktahan ako?! Titigil ako kung kailan ko gusto." Nakakainis. Alam ko may point siya, ano nga ba naman ang mapapala ko? Pero wala pa rin siyang paki. Dito ako sunmasaya. "Okay. Basta pag ayaw mo na... I'm here. Hindi ako titigil na gustuhin ka." Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Minasahe ko ang sintido ko. He's still here. Naka titig sa mukha ko. "Umalis ka na." Nag iwas ako ng tingin. Unti unti siyang tumango at paalis na sana nang biglang nawalan ng malay. "Hoy! Gilbert! Anak ng!" T*ngina. Nakakainis dapat di ko na pinagbuksan 'to eh. Binuhat ko siya kahit napakahirap. "Letse ka! Lagot ka talaga sakin pag gising na pag gising mo! Naging instant responsibility pa kita?!" Kumag na 'to sakit sa ulo. Nang naipasok ko na siya ay binagsak ko siya sa sofa dahil di ko naman siyang kayang dalhin sa kuwarto para mahiga sa kama ko, at kung kaya ko man 'di ko pa din gagawin noh! Ano siya hilo? Hiniga ko siya nang maayos at nilagyan ng kumot. May pasok pa bukas! Pinatay ko na ang tv at pumunta sa kuwarto ko para maghanda matulog. Malalagot talaga ako sa tita ko pag nalaman niyang may lalaki nang nakapasok dito. Nako! Tinanggal ko ang make up ko at kung ano ano pang ritwal bago matulog. Ayoko makita ni Gilbert ang bare face ko. Tsk. Naisip kong tawagan si Mika. "Hello?" "Uy, Shae. Bakit? Anong oras na ah?" I rolled my eyes. "Miks may kasama akong lalaki ngayon dito sa bahay." "WHAT?!" halos mabingi ako kaya nilayo ko ang selpon sa tainga. "Hoy Shaenna Marie Velasquez! Isusumbong kita sa tita mo!" "What???? Saan galing yung marie?" Tumawa ako. "Wala imbento lang." Umiling ako at naupo sa kama. "So? Anong ginawa niyo? Don't tell me--- O MY G!" "Sira! Minor pa rin ako noh! Si Gilbert lang yun. Lasing kasi tas nawalan ng malay nung pinapaalis ko na." "Ahh yung na-kuwento mo. Ganda mo gurl! Lakas ng tama sa'yo niyan ah?" "Ewan ko sa'yo. Sige na matutulog na nga ako, sinabi ko lang sayo. Wag mo isusumbong kay tita ha! Papaalisin ko din naman 'to pag gising na pag gising ko bukas. " "Hmm oki. Lock your room babe, baka may gawin yan. Call me agad ha kapag may nangyari." Napa ngiti ako. Ang swerte ko talaga kay Mika. "Opo, saka kilala ko naman si Gilbert alam kong 'di niya magagawa yun pero kung may gawin nga siya. Mapapatay ko siya." Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. Nang makapag paalam na ay binaba ko na agad ang tawag at nag set ng maagang alarm. Kailangan mas maaga ako magising kay Gilbert. Kinabukasan ay maaga nga ako nagising gaya ng inaasahan. Naligo agad ako at nag lagay ng make up sa mukha saka lang ako lumabas ng kuwarto nang matapos ako sa pag aayos. Nag aalmusal ako nang magising siya. "Shae! Sorry. I'm sorry." Nakatingin lang ako sa kaniya. "Nangyari na e." "I'm really sorry. Alis na ako, thank you at hindi mo ako pinabayaan sa labas ng bahay mo." Napa kamot ulo pa siya. "Baka gusto mo pa mag breakfast?" Nakataas ang kilay ko. "Hindi na. Thank you at pasensya sa abala. Uuwi na ako baka hindi pa ako makapasok. Sorry talaga Shae." Tumango lang ako at umalis na siya. Mabuti naman. Biglang nag ring ang selpon ko at nakitang unknown number ang tumatawag don. "Hmm. Hello? Sino to?" Ang tahimik. "Hello?? Sino ka ba? Kung 'di ka naman pala magsasalita mabuti----" "Shaenna." Kumunot ang noo ko, hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Si Mico 'to. Pasensya. Naabala ba kita?" "Mico? N-No. Okay lang, bakit ka tumawag? Kumusta ka na pala. A-Ano kasi.... Uh sinabi sa'kin ni Sabrina yung nangyari." bakit ba ako nauutal? Well, siguro worried lang ako ako. Yeah nag aalala lang ako, yun lang. "Oo. Pero okay na si Gerlyn. Akala ko nga hindi na siya magigising. Sobrang nanghina ako sa kalagayan ng kapatid ko. Pero okay na daw siya sabi ng doktor. Kaso 'di pa siya makakalabas." "Hmm... Edi hindi ka pa makakabalik dito?" Inayos ko ang gamit ko. "Babalik na ako." Napatigil ako sa ginagawa. "Sabi nila mama sila na daw bahala. Nagbigay na din ako ng pang bayad. Nagpupumilit sila eh, baka daw mapabayaan ko pag aaral sabi ko naman kaya ko naman habulin, mas importante pa rin syempre ang kapatid ko." Napangiti ako sa pag kuwento niya. Napaka buti niyang anak at kuya sa mga kapatid niya. "Don't worry, sure ako aayos din ang lahat." Pinagpatuloy ko ang pag lagay ng gamit sa bag. "Salamat Shaenna. Tumawag lang talaga ako para may mapag kywentuhan." Tumango ako kahit di naman niya nakikita. "Kanino mo nga pala nakuha number ko?" "ah.. sa c-classmate ko" nauutal niyang sagot. Ngumiti ako, "Eh bakit naman ako yung napili mong pag-kuwentuhan?" Inipit ko sa balikat ang selpon at sinarado ang zipper ng bag ko. "Wala....", tumawa siya nang bahagya. "Sa'yo lang magaan yung pakiramdam ko eh."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD