Chapter 2

1204 Words
Wala naman masyadong ganap sa mga sumunod na araw pero tuwing magkikita kami nung Mico ay umiiwas agad ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko yung bagay na yun. Although hindi naman yun yung first kiss ko pero kasi!!! Kahit na. Second kiss ko naman yun. Hmp. "Shae" Napa angat ako nang tingin. Si Gilbert. "Hmm?" Yun lang ang tanging sinagot ko dahil kumakain ako ng burger. "Nothing. Makikisabay lang ako." Tinaasan ko siya ng kilay. "What?" I chuckled. Seryoso ba 'to? Gusto niya bang pag chismisan na naman siya nang dahil sa'kin? Gad. Mukhang tinamaan na ang lintik. "Bakit? Wala namang magseselos." Nairita ako nang nakita kong ngumisi siya. Ang kapal. Don't worry, makakahanap na din ako ng mapaglilipasan ko nang oras ngayong linggo. Inirapan ko lang siya at tumayo pero hinawakan niya ang kamay ko. Nagsimula na ang mga bulungan. Hindi ko na sila pinakinggan, alam na alam ko na lahat yan paulit ulit lang naman. Tiningnan ko ang kamay naming dalawa at nginisian siya. "Ano bang gusto mo? Alam mo naman na hindi kita sineryoso diba?— ay, WALA NGA PALA AKONG SINISERYOSO." pinagdiinan ko 'yon sa kaniya. "Don't you think you're being childish, Shae? Para saan ba ang mga ginagawa mo? Pinaglalaruan mo ang mga damdamin ng iba't ibang lalaki." "Eh ano bang paki mo? Puwede ba?!—" Sinubukan kong pumiglas pero mas hinigpitan niya lang ang hawak niya. Mas lalong lumakas ang mga usapan. Sh*t. Baka maabutan kami ng teacher dito. "I love you, Shae. I really really do. Please, can we start over? Yung seryosohan na para sa'yo at hanggang dulo na din sana?" Nanlaki ang mata ko. Wtf? "Nahihibang ka lang Gilbert. Wala akong gusto sa'yo. Wala akong naramdaman sa'yo nung naging tayo. I told you, it's all just a game for me. Sabihin mo na gusto mong sabihin pero wala akong paki. Gagawin ko kung anong gusto ko. Now, let me go before I use my left hand to slap you." Mukhang nagdadalawang isip pa siya ngunit nang hinila ko ang kamay ko ay wala na din siyang nagawa. Tumingin ako sa paligid at nakita ko sa gilid si Mico na nakahalukipkip habang kunot noong nakatitig sa'kin. Great. Mabilis akong tumakas sa eksena, hindi ko na natapos ang pagkain ko. Bwisit na Gilbert yun. Ang corny niya letche. Pagtapos nang klase ay nagmadali akong umuwi bago pa magkaroon nang panibagong eksena. Sikat na sikat na naman ang pangalan ko. Thanks to Gilbert. Sino ba siya para diktahan ako? Ganon din naman silang mga lalaki ah? Mahilig nilang paglaruan ang mga puso ng mga babae. So, kapag kami naman ang gumawa ng ginagawa nila 'di na puwede? Yung iba nga committed na, may asawa na, pero nagagawa pa ring mangaliwa. Iba naman sa akin, hindi ko naman sila pinagsasabay sabay, kailangan ko lang ng pampalipas oras, wala na sa'kin yun kung mahulog sila. Sa una pa lang, alam naman nilang wala akong sineseryoso pero bakit kaya nagpapabihag pa din sila? Humiga ako sa kama at huminga nang malalim. Ano na naman kaya ang mangyayari bukas? Tomorrow's friday, and I hope maayos na ang bukas ko. Biglang nag ring ang cellphone ko kaya napabangon agad ako. Unknown number ito. "Hello?"  Hindi sumagot ang nasa kabilang linya pero naririnig ko ang paghinga niya. "Kung hindi ka naman pala marunong sumagot, don't you dare to call me again." What a waste. Binaba ko na din ang tawag. Thank God hindi siya tulad nung napapanood ko na paulit ulit tumatawag tapos walang sinasabi, that would creep the hell out of me. Nagbihis ako ng pang alis at nilagay sa aking sling bag ang mga importanteng bagay. Dumiretso ako sa isang mall at pumunta sa nbs para tumingin ng libro. Matagal ko nang binabalak na makolekta ang buong series ng Percy Jackson pero I don't have enough money. I was about to get a Jane Austen's book nang biglang sumulpot sa gilid si Mico. "What the hell?" Lito niya akong tiningnan na para bang hindi niya alam na ako ang nasa gilid niya. "Ano?" "Whatever." I rolled my eyes. Tumalikod na ako nang bigla siyang nagsalita. "Alam mo, hindi kita maintindihan. Ikaw 'tong may atraso sa'kin dahil hinali--" agad ko siyang sinandal sa bookshelf at tinakpan ang bibig. Ang daldal ng bunganga ng isang 'to ah. "Can you not? Ano hindi ka ba maka move on? I already said sorry. It was not intentional, okay? G-Ginawa ko lang yun kase..." Tiningnan niya ako na tila hinihintay ang susunod kong sasabihin. "Basta. Wala ka na dun. Nag sorry na ako, kalimutan mo na yun." He shrugged. Tinanggal ko ang aking kamay sa pagkakatakip sa bibig niya. "Hey." Bagsak ang balikat ko nang lingunin ko siya. Nakataas ang isang kilay ko at hinihintay ang sasabihin niya. "Come with me." Nalaglag ang panga ko nang hinawakan niya ako sa aking wrist at hinila palabas. "H-Hoy saan mo 'ko dadalhin?" Muntik na akong madapa dahil sa paghila niya sa'kin. Hindi niya ako sinagot, ako naman si tanga at nagpatianod lang sa kanya. "Mico." Tumigil kami. "Wow. Alam mo pala pangalan ko?" "Nabanggit lang nila Sabrina." Nag iwas ako nang tingin. Tumingala ako at nakitang nasa tapat kami ng KFC. "Bakit mo ako dinala dito?" "Wala lang. Kakain?" What? Ano bang nasa isip ng lalaking 'to. Is he insane? Baka may makakita sa'min dito. "Gusto mo ba may makakita sa'tin dito?" Masama ang tingin ko sa kaniya pero nakangiti pa din ang kumag. "Libre ko naman." Pag iiba niya sa usapan. Nakita ko pa siyang ngumuso. Wtf? "Para saan ba 'to? Dahil ba kanina? Kalimutan na natin la-" Di ko pa natatapos ang sasabihin ko nang tinulak niya ako papasok. What's with this guy? Nagpa order ako sa kanya ng marami. Bahala siya diyan. Libre libre pa siyang nalalaman ah. "Shoul I introduce myself?" Tanong niya. I just nod coz I'm busy eating. "Mico Tabarez, I'm 18. Galing akong Albay, magsasaka lang ang mga magulang ko. Minsan naglalabandera si mama. Lumuwas ako dahil nakakuha ako ng scholarship, nakahanap na din ako ng trabaho para matulungan ko sila mama at pati na rin sarili ko." Bigla akong napatigil sa pagkain at nakonsensya. "Hmm continue." "May dalawa akong kapatid pero namatay na yung panganay namin kaya ako na ang tumatayong  panganay." "Sorry." Umiling lang siya. Nagpatuloy ako sa pagkain habang nakikinig sa kanya. "Kailangan ko tumulong kila papa para mapag aral na si Gerlyn. Dapat ay nasa grade 1 na siya." Tumango lamang ako. Ang dami ko nang nalaman sa kanya. I can say na mabuti siyang tao. I hope maging successful siya para matulungan niya ang parents niya. Naka labas na kami ng mall. "How 'bout you? Kailan ka mag k-kuwento?" Nakangiti niyang tanong. "Wag muna ngayon sa ibang araw na lang. Aabutin tayo ng ilang oras, madilim na. By the way, thank you." Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti bago umalis. Hindi na ako nagpahatid syempre. Mico is a full package. Suwerte ng makakatuluyan niya. Malapit na ako sa bahay nang maramdaman kong may sumusunod sa'kin kaya binilisan ko maglakad at pagkapasok ko sa bahay ay ni-lock ko agad ang pinto at pati na rin lahat ng bintana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD