FRANK "WHAT did you say? Mag-aasawa ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Daddy. From my peripheral vision ay nakita ko ring nag-angat ng tingin si Riggs. Lalong lumapad ang pagkakangiti ko. "Yes, Dad. I'll soon get married, para maibigay ko na ang hinihingi mong mga apo." Nagsalin ako ng alak sa kopita at deretsong ininom iyon. Hindi pa rin makapaniwalang nag-usisa ang daddy. "R-Really? Pero wala ka pang ipinakikilala sa aking girlfriend mo, iho. Si Riggs pa lang ang may iniharap sa akin. And I happen to really like the woman. She came from a very decent family. At sa palagay ko ay nagmamahalan sila nang totoo." Nang tingnan ng daddy si Riggs ay saglit na nawala ang masamang tingin nito sa akin. He was also shocked by my announcement for sure. Walang sino man ang nakakaalam na m

